PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

First week ng MMFF 2023 nalampasan na ang kita ng buong MMFF 2022

MMFF 2023 official entres naka-PHP600 million na?
by PEP Troika
Published Jan 2, 2024
mmff 2023 posters
The 10 official entries to the 49th Metro Manila Film Festival have reportedly grossed more than PHP600 million on its first week.

NOEL FERRER

Salamat sa lahat ng nagpaabot ng pasasalamat at pagsaludo sa Metro Manila Film Festival (MMFF)sa pagpapasigla muli ng industriya ng pelikula.

Kahapon, January 1, 2024, nag-post sa Facebook page ng MMFF ng "Limang Daang Milyong Pasasalamat" sa mga tagasubaybay ng pelikulang Pilipino.

And safely we can say na naabot at nalampasan na ang kita ng buong festival last year ng first week pa lang ng festival this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magandang senyales ito na handa namang bumalik sinehan ang mga kababayan natin sa mga pelikulang gusto nilang panoorin.

Maliban sa MMFF Execom, MMDA, at CEAP—mga partner nating mga taga-sinehan at mga Pinoy audiencegusto ko ring papurihan ang mga produksiyon at mga artista who went out of their way para i-promote ang kani-kanilang pelikula at makasalamuha ang mga audience nilangmatagal silang kinasabikan.

Sana talaga simula na ito, at magtuluy-tuloy na ito kahit pagkatapos pa ng 49th MMFF sa January 7, Sunday.

Now, we are on the road to the 50th anniversary of the biggest and the most popular and most anticipated film festival in the country!!!

Sana, maghanda na tayo ng magagandang entries para sa festival ngayong 2024!

A great happy new year sa ating lahat!!!

JERRY OLEA

Umabot sa PHP500M ang kinita ng 48th Metro Manila Film Festival noong Disyembre 25, 2022 hanggang Enero 7, 2023, kung saan walo ang official entries.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Topgrosser ang horror film ni Nadine Lustre na Deleter. Nasa Top 4 din ang Partners in Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi, Family Matters kung saan kasama si JC Santos, at Labyu With An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Read: MMFF 2022 box office: Deleter naka-P234M; last placer naka-P1.5M lang

Sa 49th MMFF, mahigit PHP500 million na ang pinagsama-samang kita ng sampung official entries.

Siyempre pa, undisputed topgrosser ng MMFF 2023 ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Bonggang-bongga ang word of mouth sa Rewind kaya naso-sold out pa rin ang screenings nito.

Ang Mallari ni Piolo Pascual, 170+ na ang mga sinehan. Wagi ang pa-sisiw!

Ang Firefly nina Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, at Dingdong Dantes, now showing in 133 cinemas nationwide.

Noong opening day, December 25 ay thirty-eight (38) lamang ang mga sinehan ng obra ni Direk Zig Dulay. Palapit nang palapit ang isla ng mga alitaptap sa moviegoers ng LuzViMinda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang GomBurZa na nag-umpisa sa thirty-nine (39) cinemas noong Christmas day, mahigit 120 na ang mga sinehan nationwide.

SOLD OUT ang January 4, Thursday 5:30 p.m. screening ng GomBurZa sa Cinema ‘76, Morato Extension, Quezon City.

Kaugnay sa nasabing screening ay may Q&A kina Cedrick Juan, Enchong Dee, Direk Pepe Diokno, at cinematographer Carlo Mendoza.

gomburza special screening

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ayon sa isang reliable source ng PEP Troika, as of yesterday ay mahigit PHP600M na ang kinita ng 49th MMFF. Kaya puwedeng mag-PHP700M pa ito bago matapos ang filmfest sa January 7, Sunday.

Consistent pa ring nangunguna ang Rewind, at ang tantiya ng ibang nakakausap namin ay baka maka-PHP400M pa raw ito. Pero sa ngayon ay malayo pa raw.

Hindi lang sila naglalabas ng ranking, pero puwede ngang pumasok pa sa Top 5 ang Firefly. Tingnan natin kung aabot ang GomBurZa.

Read: MMFF 2023's Top 5 Box-Office Ranking Revealed

Sana, tuluy-tuloy na ito hanggang sa mga susunod na pelikula nating ipalalabas.

Magandang senyales na kaya ito para magkaroon uli ng Summer Metro Manila Film Festival?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The 10 official entries to the 49th Metro Manila Film Festival have reportedly grossed more than PHP600 million on its first week.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results