GORGY RULA
Mababa ang TV ratings sa pagpasok sa taong 2024.
Expected namang mababa talaga ang viewership kapag patapos ang taon hanggang sa bagong taon.
Mukhang nasa labas ang karamihan ng tao, dahil siguro may datung sila nung Pasko kaya panay ang panonood nila ng sine ng Metro Manila Film Festival 2023.
Mababa ang ratings ng mga noontime show nung Enero 1, 2024, Lunes, kung saan nag-live na sila.
May bagong games sa Eat Bulaga! pero hindi ito pumalo sa ratings. Naka-2.4% lang ito.
Ang E.A.T. ng TV5, kung saan binabanggit na rin nila ang Eat Bulaga!, ay 2.7%.
Ang It’s Showtime ay 1.8%.
Kinabukasan, January 2, mababa pa rin ang ratings ng Eat Bulaga!, kahit masaya naman ang bagong games nila at mas masaya na silang panoorin ngayon. Naka-2.7% lang sila.
Ang It’s Showtime naman ay 2.8%, at tumaas na ang E.A.T. sa 4.4%.
Masaya ang mga taga-Eat Bulaga! nang nakatsikahan ko ang ilan sa kanila dahil lalo pang lumakas ang commercial load nila, at pati ang sponsors.
Talagang nabalik ang dating dami ng commercials nung ang TVJ pa at legit Dabarkads ang hosts nito.
Nung January 3, Miyerkules, nakabawi-bawi na ang ratings ng noontime shows.
Naka-3.3% ang Eat Bulaga!.
Ang E.A.T. naman ay consistent na mataas na 4.3%.
Ang It’s Showtime ay 2.7%.
NOEL FERRER
Ang noontime show, habit talaga iyan!
Kaya ang challenge sa daily grind ay sayahan lang, at tatakan ang mga ginagawa para manatili sa puso at isipan ng mga manonood.
Consistency is key talaga!
Maliban sa sponsors at ratings, malalaman mong nagkaka-dent ang programa at ang mga talents dito kung may endorsments nang pumapasok sa mga hosts, which show real and solid branding na pinagtitiwalaan talaga sila ng advertisers.
JERRY OLEA
Nag-finale ang Love Before Sunrise nina Bea Alonzo at Dennis Trillo noong Disyembre 29, Biyernes.
Wagi ang finale week nito over the DonBelle series na Can’t Buy Me Love.
Patuloy na namamayagpag ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin. Nangunguna ito sa hanay ng mga TV series ng bansa.
Hindi makaporma ang Black Rider ni Ruru Madrid.
Pinakamalakas pa rin sa mga panghapong teledrama ang Abot-Kamay Na Pangarap nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Sa Enero 8, Lunes ng 4:00 p.m., ay mag-uumpisa na ang Makiling nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Abangan natin kung kikilingan ito ng televiewers.
Sa Enero 15, Lunes ng gabi, naman magpe-premiere sa GMA Prime (dating GMA Telebabad) ang Love. Die. Repeat nina Jennylyn Mercado at Xian Lim.
Natigil ang taping ng Love. Die. Repeat noong Setyembre 2021 dahil sa pagbubuntis ni Jennylyn. Hopefully ay hindi naman ito nabantilawan.
Enero 15 din ang umpisa sa GMA Prime ng Asawa ng Asawa Ko nina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz, sa direksiyon ni Laurice Guillen.
Originally ay panghapon sana ito, pero inilipat ng Kapuso Network sa panggabing timeslot.
Read: My Guardian Alien, Widows’ War, Love. Die. Repeat, Sang'gre among GMA 2024 offerings
Ngayong 2024, waiting pa rin tayo kung ano na ang status ng ALLTV na tinaguriang bagong Channel 2.
Hintay-hintay rin tayo kung matutuloy pa ba ang Wowowin ni Willie Revillame sa PTV 4 at IBC 13.
