PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baby Go Inspired to Produce Again by MMFF 2023

Award-winning film ni Allen Dizon na AbeNida ipalalabas na sa wakas.
by PEP Troika
Published Jan 4, 2024
louie ignacio, baby go, katrina halili, allen dizon
Indie film producer Baby Go (second from left) of BG Films, with AbeNida director Louie Ignacio (left), female lead Katrina Halili, and male lead Allen Dizon who won a best actor award in Italy for this film.

GORGY RULA

Nabuhayan ng loob ang film producers dahil sa magandang resulta ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.

Isa sa independent film producers na bumalik ang interes sa paggawa ng pelikula ay si Ms. Baby Go ng BG Films International.

“Siyempre bilang producer… lahat matutuwa din na sila ay kumita din at lumalaki at pinapabalik ang dating sigla ng showbiz.

"Kasi, talaga namang nawala.

“Masaya ako kasi bumabalik na ang sigla ng mga producers at mga artista. Nandito pa rin sa puso ko ang pag-produce,” pakli ni Ms. Baby Go.

Ipinangako niyang ngayong 2024 ay magpapaka-active siya uli sa paggawa ng pelikula.

“Nag-focus lang ako dati sa subdivision ko, pero ngayon, gagawa na ako uli. Pero i-showing ko muna yung movie ko na tapos na.

“Alam niyo naman kung gaano ko kamahal yung showbiz. Nandiyan pa rin ang BG Productions,” sambit ng lady producer.

Isu-showing daw muna nila ang natapos na nilang pelikulang AbeNida na idinirek ni Louie Ignacio.

Tampok sa pelikulang ito sina Allen Dizon, Katrina Halili, Vince Rillon, Joel Lamangan, Ina Alegre, Leandro Baldemor, at Ms. Gina Pareño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

katrina halili allen dizon abenida

Katrina Halili and Allen Dizon in AbeNida

Maganda raw ang pakiramdam ni Ms. Baby sa mga pelikula natin ngayon dahil tinangkilik nang husto ang MMFF.

Tamang-tama rin daw na mas marami na ang nakakilala sa bida ng pelikula, na si Allen Dizon, dahil sa afternoon drama na Abot-Kamay na Pangarap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Is Allen Dizon disappointed at lack of showbiz opportunities despite international acclaim?

“Natutuwa ako kasi yung Abot Kamay… nakilala talaga siya doon.

“Naka-message ko nga siya nung isang araw. Nandun daw siya sa taping… napakabait kasi ng taong yun,” sabi pa ni Ms. Baby Go.

Inaayos na raw nila ang playdate ng AbeNida dahil matagal na nila itong natapos.

JERRY OLEA

Umikot na sa iba’t ibang international film festivals ang pelikulang AbeNida.

Naisali na nila ito sa Danang International Film Festival sa Vietnam, sa International Imago Film Festival di Civitella del Tronto sa Italy na kung saan nanalong Best Actor si Allen, at sa Asian Barcelona Film Festival sa Spain.

Read: Allen Dizon, nanalong best foreign actor sa film festival sa Italy

Nakatakda na rin daw itong lumaban ngayong buwan sa Cinemaking International Film Festival sa Bangladesh.

May ilan pa raw na interntional filmfest na sasalihan, pero hindi pa puwedeng i-announce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mahalaga pa rin daw sa kanilang mapanood ng mga kababayan natin ang pelikulang ito sa mga sinehan.

Inaayos na rin daw ang pagbenta nito sa streaming service kagaya ng Netflix.

NOEL FERRER

Sana, lalo pang dumami ang mga maghahabol na manood ng MMFF 2023 films ngayong weekend bilang incentive na rin sa ating mga manggagawa sa pelikula.

Sana, magbigay rin ng mga bonus ang mga produksiyon na talaga namang tumabo sa takilya.

At excited ako sa pagpunta sa Hollywood ng ating mga artistang Pinoy pati ang mga producers para i-promote ang mga pelikulang sariling atin.

Sa pagpunta sa Hollywood, hindi malayong makalikha na rin ng initial na ingay para sa ating posibleng entry sa Oscars at Golden Globes, na rightfully naman ay puwedeng manggaling sa roster ng best pictures ng MMFF.

Sana, ito na talaga ang hudyat ng tuluy-tuloy na pagsigla muli ng ating industriya ng pelikulang Pilipino.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indie film producer Baby Go (second from left) of BG Films, with AbeNida director Louie Ignacio (left), female lead Katrina Halili, and male lead Allen Dizon who won a best actor award in Italy for this film.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results