PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claire Castro inaming nangungulila sa inang si Raven Villanueva

Claire Castro, sampung taon nang walang contact kay Raven Villanueva.
by PEP Troika
Published Jan 6, 2024
claire castro
Claire Castro on estranged mom Raven Villanueva (not in photo): “We don’t talk. There’s no bad blood naman po. I guess, yun lang po ang direction ng buhay namin ngayon. I tried to reach out… but if she reaches out, I’m more than willing to respond, to talk with her. I have tried but no avail.”
PHOTO/S: @clairevcastro on Instagram

GORGY RULA

Naging emotional si Claire Castro nang kinumusta ko sa kanya ang mommy niya na Raven Villanueva.

Si Claire ay anak ng dating aktres na si Raven sa dati nitong karelasyon, ang newscaster na si Diego Castro.

Read: Claire Castro, umaasang mag-reconnect sa inang si Raven Villanueva

Ekslusibong nakapanayam ng PEP Troika si Claire pagkatapos ng media conference ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Makiling kahapon, January 5, 2024.

Kinumusta namin sa kanya ang kanyang ina na sampung taon na raw niyang hindi nakikita at nakakausap.

Aniya, “We don’t talk. There’s no bad blood naman po. I guess, yun lang po ang direction ng buhay namin ngayon.

“I tried to reach out… but if she reaches out, I’m more than willing to respond, to talk with her.

"I have tried but no avail,” pakli ni Claire.

Nagpadala raw siya ng mensahe sa social media account ng kanyang ina, pero hindi naman daw nito nakita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Feeling ko po, hindi naman sa ini-ignore niya ako. Kasi hindi lang niya nakita yung DM ko or something. Kaya in-unsend ko din. In-unsend ko kasi tagal na walang response, nahiya ako.

“Pero nothing naman na… feeling ko naman, hindi niya ako ini-snob. Siyempre anak niya ako,” napangiti niyang pahayag.

Pero hindi na napigilang maluha ni Claire nang hiningan namin ng mensahe para sa kanyang ina.

“Ayun! Siyempre miss ko na siya. Nakakahiya, minsan in denial pa ako.

"Pero siyempre, I’m still looking for her, ganun," naluluha niyang pahayag.

NOEL FERRER

Hindi naman daw ito itinatago ni Claire sa kanyang amang si Diego Castro. Napapag-usapan daw nila ito.

Naintindihan daw siya ng ama dahil matagal na niyang hindi nakikita at wala na siyang nababalitaan sa kanyang ina.

“She’s not a bad mother or whatever. It’s just how circumstances went, that we had to separate ways, ganun po.

“It wasn’t anything bad. It’s just I really miss her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dad knows this. I’m very open with my feelings. I tell them to my dad.

“I feel like there’s something missing. Even if I’m 25 na, parang may kulang e,” saad ng Kapuso actress.

Mas mabuti raw sana kung magkita sila nang personal para mas malinawan daw nila nang mabuti at maayos ang lahat na dapat na mapag-usapan.

“Yes definitely, I hope she will… especially in person. Messaging online is not ano, e. Gusto ko talaga in person.”

Mahirap ang sitwasyon ni Claire.

Mahirap din ang siywasyon ni Diego bilang news anchor. Dapat ikaw ang tagahatid ng balita, at hindi ikaw ang balita.

Sa puntong ito, kailangang sarilinin at gawing pribado ng mag-ama ang ganitong kanilang saloobin sa ganitong mga isyu.

The task is — for Claire to be a better actress, and for Diego to be a credible news person/journalist. Ang hirap pero dapat talagang ihiwalay ang personal at professional nilang buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Tumatak sa televiewers ang pagganap ni Claire bilang hitad na si Cielo sa afternoon drama series na Nagbabagang Luha (Agosto-Oktubre 2021).

Read: Baguhang si Claire Castro, nakatikim ng backhand na sampal mula sa beteranang si Gina Alajar

Nakakalungkot na hindi agad iyon nasundan ng matinding follow-up project para tuluy-tuloy sana ang momentum ng kanyang career.

May mga nag-akalang magiging magkaribal sila ni Anna Vicente, na kontrabida naman sa Ang Dalawang Ikaw (Hunyo-Setyembre 2021).

Ang mas umangat pa ay si Lianne Valentin na nagpakitang-gilas sa Apoy Sa Langit (Mayo-Setyembre 2022).

Magsisimula na sa January 8, sa GMA Afternoon Prime, ang Makiling.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claire Castro on estranged mom Raven Villanueva (not in photo): “We don’t talk. There’s no bad blood naman po. I guess, yun lang po ang direction ng buhay namin ngayon. I tried to reach out… but if she reaches out, I’m more than willing to respond, to talk with her. I have tried but no avail.”
PHOTO/S: @clairevcastro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results