GORGY RULA
Kinulit ko ang ilang taga-TAPE, Inc., pati ang hosts ng Tahanang Pinakamasaya (dating Eat Bulaga!) pagkatapos ng kanilang live show ngayong Sabado, January 6, 2023.
Read: TAPE noontime show, Tahanang Pinakamasaya na ang title
Nai-imagine ko sa studio ng APT Entertainment kung gaano sila kangarag sa biglaang pagbabago ng titulo kanilang programa.
Hindi na nila puwedeng gamitin ang Eat Bulaga! at kaagad-agad ay kailangan nilang mag-isip ng ipapalit na titulo sa noontime show na napapanood sa GMA-7.
Read: Eat Bulaga! returns to TVJ: "Isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga!."
Hango sa kanilang bagong jingle ang napiling titulong Tahanang Pinakamasaya.
Sabi ni Paolo Contis, akma naman ito dahil gusto lang nilang pasayahin at bigyan ng tulong ang mga taong patuloy na nanonood at sumusuporta sa kanilang programa.
Ang nais lang daw nila, kahit ano pang mga pinagdaanan nito, tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong at saya.
Pero matipid ang mga sagot ni Paolo sa tanong namin kung paano nila napagdesisyunang palitan kaagad ang title ng kanilang show. Tinanong ko siya kung gaano sila katensiyonado nitong Sabado ng tanghali.
“Medyo tensyonado pero masaya. High spirits lahat,” text niya sa PEP Troika.
Hindi na niya idinetalye kung paano at kung pinaghandaan ba nila ang ganitong scenario.
Pero kagaya ng unang statement ng legal counsel nilang si Atty. Maggie Abraham-Garduque, nabigla rin daw sila sa desisyon.
Sabi nga ni Atty. Garduque nung nakaraang Biyernes, wala pa silang natanggap na decision. Sa TVJ lang daw nila ito nalaman dahil kaagad silang nagsalita sa kanilang official social media account.
Read: TVJ wins copyright infringement, unfair competition cases vs TAPE, GMA-7
Pero sabi nga ni Paolo, kailangan nilang sumunod sa desisyon ng korte.
“Nabigla din kami sa desisyon. Pero we had to follow and prepare agad sa maiksing oras na meron kami,” dagdag niyang text sa amin.
Kinulit din namin si Isko Moreno, pero hindi pa siya nasagot ang aming text message na ipinadala sa kanya.
Nilinaw ng iba pang napagtanungan namin sa mga taga-Tahanang Pinakamasaya, na walang advertisers na nag-pull out sa kanila.
Puno pa rin daw sila ng commercial load na umabot pa ng mahigit 30 minutes, kahit nagsisimula pa lang magpasukan ang commercials sa ganitong panahon.
JERRY OLEA
Masaya ang buena mano ng Tahanang Pinakamasaya nitong Enero 6, Sabado, kung saan ipinagdiwang ng kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi ang kanilang ika-23 kaarawan.
Simula noong Enero 1, Lunes, ay marami silang binago sa program. May mga bagong games.
At meron pang ibang Kapuso stars na isasali dahil pansamantalang mawawala sina Buboy Villar, Kokoy de Santos, at Glaiza de Castro na magte-taping para sa bagong season ng Running Man Philippines.
Tuluy-tuloy ang mga pagbabago sa Tahanang Pinakamasaya.
NOEL FERRER
Sa ngayon, parang magiging malaking responsibilidad sa mga host at production na gawing madulas sa dila ang tila makalumang title na Tahanang Pinakamasaya.
Nasa interpretasyon at execution na yan ng grupo. And we wish them all the best!!!
