PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2023 gross sales surpasses PHP1B mark

Mga mema at nagma, maraming kuwestiyon sa MMFF 2023.
by PEP Troika
Published Jan 7, 2024
mmff 2023 posters
The 10 official entries to the MMFF 2023 has now grossed more than PHP1 billion, according to the MMFF executive committee.

JERRY OLEA

Kinuwestiyon ng mga mema at nagma ang pagkakaroon ng 4th best picture sa 49th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bakit daw? Ano raw bang kababalaghan o kabalbalan iyon?

Read: Explainer: Ang detalyadong proseso ng MMFF 2023 jury sa pagpili ng winners

Iyong mga mema at nagma na ito ay umatungal din sa choices ng Selection Committee ng MMFF 2023, kung saan chairman si G. Jesse Ejercito na isa sa mga haligi ng industriyang Pilipino.

Kesyo bakit iniligwak ang aspiring entry ni ganito at ni ganire. Kesyo ito ang horror movie na dapat ipinasok at hindi ang Mallari ni Piolo Pascual.

Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action

Read: Here are the 24 finished films that did not make it to MMFF 2023 official entries

Read: Bakit ligwak ang mga pelikula nina Nora, Maricel, Claudine, Nadine, Donny sa MMFF 2023?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simple lang ang rason kaya pumili ng 4th best picture ang board of jurors. Ni-request iyon ng MMFF Executive Committee.

Hindi lang iyon ang pagbabago sa MMFF.

Ibinalik ng MMFF ExeComm sa sampu ang bilang ng official entries.

Sa MMFF 2023 ang pinakamaagang Parade of Stars ever — Disyembre 16.

First time sa kasaysayan ng MMFF na apat ang host cities kung saan pumarada ang mga artista, sa CaMaNaVa — Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.

Read: MMFF 2023 Parada ng mga Bituin, maayos na nairaos sa CaMaNaVa

First time na inilunsad ang MMFF sa New MMDA Bldg. sa Doña Julia Vargas Avenue, Pasig City.

Noong Disyembre 14 ay inauguration doon ng MMFF Auditorium, kung saan may kani-kanyang representative/s ang sampung official entries ng MMFF 2023.

Read: Christopher de Leon at Eugene Domingo, may agaw-eksenang paandar kahit magkalaban sa MMFF 2023

Sa 1st Summer MMFF noong Abril 2023, first time na nagkaroon ng group photo ang mga artista ng mga pelikula sa opening ceremony ng Parade of Stars sa makeshift stage sa Villa Beatriz, Commonwealth Ave., Brgy. Matandang Balara, Quezon City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Meron ding ganoong group photo sa opening ceremony ng Parade of Stars noong Disyembre 16 sa Navotas Centennial Park sa C-4, Navotas.

Tumamlay ang local movie industry, maging ang MMFF, nang lumaganap ang pandemya.

Iyong MMFF 2020 ay online edition, at agad pinirata ang mga entry.

Dito sa MMFF 2023 bumalik ang sigla sa mga sinehan. Araw-araw, may pila sa maraming sinehan.

Dati-rati, may pila ng moviegoers sa unang apat o limang araw ng December filmfest, pero sa mga sumusunod na araw ay wala na.

Another first sa kasaysayan ng MMFF, ang lahat ng entries nito ay ipapalabas sa Manila International Film Festival na gaganapin sa Enero 29-Pebrero 2 sa Los Angeles, California, USA.

manila international film festival poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga sinehan na pagpapalabasan ay TCL Chinese Theaters sa Hollywood, at Directors Guild of America sa Sunset Blvd.

Ang topgrosser ng MMFF 2023 ay ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ongoing na ang international screenings ng DongYan superblockbuster sa Guam, Saipan, at USA.

Kasado na ang international screenings ng Rewind sa Italy (Rome at Milan), Australia, at New Zealand.

Ang best picture na Firefly ay ipapalabas na sa Enero 18 sa United Arab Emirates (UAE).

NOEL FERRER

At ang magandang balita, as of now, we have reached the P1 BILLION mark sa 49th MMFF gross sales!

Parang Pasko levels ang pila ng mga tao ngayong Enero 7, Linggo, sa mga sinehan upang habulin ang kanilang paboritong pelikula on the last official day ng MMFF 2023.

Ang clamor ng mga kababayan natin ngayon ay #ExtendMMFF!

Nakakatuwa lang! Ang tagal nating hinintay itong mangyari muli sa pelikulang Filipino!!!

GORGY RULA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa iba pang napagtanungan ko, sobrang layo na ng lamang ng Rewind ng Star Cinema, APT Entertainment, at Agosto Dos sa pumapangalawang Mallari ni Piolo Pascual.

Hindi ko nakuha ang eksaktong figures, pero halos naka-PHP600 million na raw ang pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. O baka mahigit na ito ngayong gabi!

Sobrang nakakatuwa ang ganitong balita dahil dito nakikitang basta maganda ang pelikula, dagdagan ng effort para mapaganda ito, at magsipag ang mga artista sa pag-promote, puwede talagang tangkilikin ito ng taumbayan.

Kahit walang nakuhang award ang Rewind sa kabila ng santambak na nominasyon, maganda naman kaya hindi nagbago ang sentimyento ng mga tao, papanoorin pa rin nila ito.'

Nakikita rin sa pelikulang Mallari ang effort na pagandahin ito kaya pasok sa Warner Bros ang distribution nito.

Talagang nakatulong ang paghakot ng awards ng GomBurZa at Firefly kaya ang laki ng itinaas ng mga ito sa takilya, at lalong nadagdagan ng mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat naman talagang panoorin ng mga kabataan ang GomBurZa, at pasok sa puso ng mga Pinoy ang kasimplehan ng kuwento ng Firefly.

Ganundin ang kuwentong pagmamahalan ng mag-inang Maricar at Matty, na ginagampanan nina Sharon Cuneta at Alden Richards, kaya marami ang nakaka-relate sa Family of Two (A Mother and Son Story).

Sa palagay ko, yun ang mga pelikulang nasa limang topgrossers.

Read: MMFF 2023's Top 5 Box-Office Ranking Revealed

Ito lang ang kainaman ng sampung entries, dahil kahit nasa panlima o pang-anim ka, hindi na gaanong masama dahil marami pang mga sumusunod.

Kaya sampung entries na ba ang aasahan natin sa 50th year ng MMFF ngayong 2024?

Ang ganda raw ng ngiti ngayon ng MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The 10 official entries to the MMFF 2023 has now grossed more than PHP1 billion, according to the MMFF executive committee.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results