PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis binalikan sa sinabi niya noong "mahaba pa ang laban"

Tahanang Pinakamasaya inatake agad ng bashers; ikinumpara ang logo sa Sunday Pinasaya.
by PEP Troika
Published Jan 7, 2024
paolo contis tahanang pinakamasaya
Paolo Contis gets bashed anew for his previous "mahaba pa ang laban" comment after the court's decision on Eat Bulaga! trademark.

GORGY RULA

Kataku-takot na panlalait ang inabot ng bagong palit na title na noontime show ng TAPE, Inc. na Tahanang Pinakamasaya.

Read: TAPE noontime show, Tahanang Pinakamasaya na ang title; di na ginamit ang Eat Bulaga!

Buhay na buhay na naman ang bashers ng isa sa mga host ng Tahanang Pinakamasaya na si Paolo Contis dahil pinamukha sa kanya ang sinabi niya noong malayo pa ang laban ng kaso ng TAPE at nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon kaugnay sa trademark na Eat Bulaga!.

Read: Paolo Contis: "Mahaba pa po ang laban... legally, wala pang final."

Nang kinumusta ko si Paolo ngayong Enero 7, 2024, Linggo ng umaga, natatawa na lang daw siya sa matitindi na namang bashing na inabot niya.

Pati ang mga personal na isyu ay ibinalik na naman, kagaya ng di raw pagsusustento sa mga anak, kaya paanong sabihing “tahanang pinakamasaya.”

Hindi naman daw alam ng mga taong ito kung ano ang pinaghahandaan ni Paolo sa kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw na lang daw niyang isapubliko pa dahil mga bata ang involved at wala naman daw sila sa showbiz kaya ipinagkibit-balikat na lang niya ang mga ganitong pamemersonal sa kanya.

Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."

Hanggang ngayon ay trending pa rin sa X ang hashtag na Tahanang Pinakamasaya.

Ang galing-galing nga ng ibang netizens dahil kaagad naikumpara nila ang logo ng Tahanang Pinakamasaya sa dating musical-variety show ng GMA-7 na Sunday Pinasaya na halos magkapareho raw.

tahanang pinakamasaya logo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

sunday pinasaya logo

May ilang nagtatanggol sa programa ng TAPE, at nakakagulat na meron pang ilang AlDub fans na nagpahayag ng suporta sa bagong palit na title ng noontime show ng TAPE.

Pero ito na ba talaga ang title ng noontime show nila? Hindi pa raw alam nina Paolo.

Basta sumusunod lang daw sila sa management at kung ano ang ipapagawa sa kanila sa programa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mahalaga ay masaya raw sila sa studio at hindi nagpapaapekto sa mga isyung hinaharap nito.

At sa legal side naman nito, itutuloy pa rin daw nila ang pagpa-file ng appeal, ayon sa legal counsel nilang si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

“We will file appeal po. Under the rules, TAPE can appeal the decision of the court within 15 days to the Court of Appeals,” text sa amin ni Atty. Garduque.

Pero eto na ba talagang Tahanang Pinakamasaya ang magiging title ng noontime show ng TAPE?

Sabi ni Atty. Garduque, “Abangan po natin ang gagamitin na ba ng TAPE as its temporary title while on appeal ang case ang Tahanang Pinakamasaya or pipili pa sila ng ibang title?

“Let us watch next week po as TAPE will reveal a lot of surprises sa show next week,” dagdag na text sa amin ni Atty. Maggie.

Nakakatuwa lang daw sa mga staff at hosts dahil ipinapakita raw nila ang paniniwala ng mga artist na "the show must go on."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapasalamat siya sa advertisers na nandun pa rin ang suporta, at pati ang GMA-7.

Ang sabi pa ni Atty. Maggie, “I want to take this opportunity rin po to thank all the people who are continuously supporting TAPE Inc. and Tahanang Pinakamasaya.

“Katulad po ng theme song namin, ‘kayo ang dahilan kaya andito pa rin ang aming programa.’

“Sa lahat ng mga advertisers namin who never lose their faith on us, salamat po talaga.

“Ito ang nagsisilbing inspirasyon sa TAPE, Inc. para ituloy ang pagbibigay ng tulong at saya.”

JERRY OLEA

Sa Battle of Noontime Shows… matira ang matibay.

Namamayagpag ang Eat Bulaga! ng Legit Dabarkads sa TV5 at CNN kung TV ratings ang pag-uusapan.

Hanggang kailan pa kaya sa noontime show sina Tito, Vic & Joey?

Ang kontrata ng TAPE sa GMA-7 ay hanggang sa katapusan ng 2024. Abang-abang tayo kung saan pupulutin ang Tahanang Pinakamasaya.

Huwag sanang magkatotoo ang hirit ng bashers na ito ay "Tahanang Pinakasayang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong malay natin, baka ang huling halakhak ay sa It’s Showtime?

NOEL FERRER

Sa “agawan” ng title na “Eat Bulaga!” ay nagkagulu-gulo rin ang mga social media account, partikular sa YouTube, Facebook at Twitter.

Hopefully, matutuldukan din ang mga ganitong usapin at bagay-bagay sa tamang panahon.

At sa pagpapatuloy ng Battle of Noontime Shows ay ang televiewers ang panalo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis gets bashed anew for his previous "mahaba pa ang laban" comment after the court's decision on Eat Bulaga! trademark.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results