PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pirated copy ng MMFF 2023 topgrosser Rewind ikinakalat sa Facebook

Huwag tangkilikin ang piracy!
by PEP Troika
Published Jan 8, 2024
dingdong dantes marian rivera rewind
A pirated copy of MMFF 2023 topgrosser Rewind, starring real-life couple Dingdong Dantes and Marian Rivera, is being shown on Facebook. The producers and concerned netizens are appealing to the public to report this.

JERRY OLEA

Kumalat na sa Facebook ang pirated copy ng super-blockbuster na Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong Enero 8, 2023, Lunes ng umaga.

Sabi ng isang nag-share, nabili niya ang kopya sa halagang P50.

Read: MMFF 2023's Top 5 Box-Office Ranking Revealed

Aniya, “Arat na nood na libre lang to kumpara s iba may bayad peo binayaran ko to 50 pesos , share ko nalang s mga d nakanood “Nakkaiyak sya super”

Sa loob ng limang oras ay naka-1.4M views iyon, at 106K shares.

Iyong isa pang FB account, nagsabing panoorin na ang Rewind hanggang hindi pa iyon nabubura.

Sa loob ng apat na oras ay meron na iyong 55.4K views, at 3.3K shares.

Agad namang ini-report iyon ng mga nagmamalasakit sa pelikulang Pilipino.

Sa socmed ay may paalala ang ABS-CBN Film Productions, Inc. (Star Cinema), prodyuser ng Rewind, sa pamamagitan ni Lods (karakter ni Pepe Herrera), “PIRACY IS STEALING. Sabi ni Lods, DO NOT STEAL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“SIGE KA, BAD YAN.”

May mensahe pa ang produksyon, “EXTENDED ang #RewindMMFF in cinemas NATIONWIDE! Doon ang #RewindExperience na deserve mo! Report pirated Rewind contents: Send email to Report-Piracy@abs-cbn.com. - Email title: Report Piracy (Name of Movie/Program) - Please provide LINKS of the pirated contents.”

NOEL FERRER

Noong uso pa ang pamimirata via VCD or DVD, hinihintay ng mga pirata sa Quiapo na matapos ang MMFF bago maglabas ng pirated copies ng official entries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa paglaganap ng streaming platforms partikular ang Netflix, humina nang humina ang pamimirata ng CD, VCD, at DVD. Naging online na ang piracy.

Sa online edition ng MMFF 2020, agad napirata ang Fan Girl, remember? Sa MMFF 2023, clickbait lang iyong unang napaulat na pamimirata. Pero sa third week ng MMFF 2023, totoo na ang pagkalat.

Nasaan ang konsensya ng mga taong gumagawa nito? Huwag namang idahilan ang kamahalan ng ticket price sa mga sinehan, dahil hindi piracy ang solusyon dito.

Bakit ngayong nabubuhay at sumisigla nang muli ang ating industriya ay may mga taong patuloy pa ring inilulugmok ito? Sana we know better than to support this.

GORGY RULA

Matagal nang nanahimik ang mga pirata, pero ngayon ay buhay na buhay na naman sila.

Magaganda kasi at malakas ang mga pelikula sa 49th MMFF, kaya ganado silang mamirata. Pero ang bilis kumalat nito online at bukas, baka buong sambayanang Pilipino ay napanood na ang Rewind na hindi na pumunta ng sinehan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang puwedeng gawin ng ating pamahalaan diyan? May aksyon kaya ang MMFF at MMDA kaugnay riyan?

Abangan natin sa pagharap nila sa media bukas, Enero 9.

Kaagad kong hiningan ng reaksiyon si Marian Rivera tungkol diyan sa mga namirata, natatawa siyang mag-isip daw muna siya ng magandang sasabihin.

Mas nanaig siyempre kay Marian ang magagandang balita tungkol sa Rewind. May panahon pa ba siyang mag-emote sa mga piratang iyan?

Pero sabi nga ni ‘Lods,’ bad iyan, kaya Thou shalt not steal!

Samantala, may nagfo-forward sa aming naka-PHP600M na raw ang pelikulang Rewind. Ito na raw ang pinakamalakas na MMFF entry sa kasaysayan.

Read: MMFF 2023 gross sales sumampa na sa PHP1B mark; Rewind naka-PHP600M na

Hindi pa po iyan official, at baka hindi na maglalabas ng figures ang Execom ng MMFF.

Extended nang one week ang malalakas na entries ng 49th MMFF, sa pangunguna ng Rewind.

Puwedeng gamitin ang season pass hanggang Enero 14, Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero balik-sinehan na simula ngayong Enero 8, Lunes, ang Aquaman and the Lost Kingdom.

Inihayag ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) sa Facebook page nila ngayong umaga na tuloy rin ang opening today ng animated film ni Hayao Miyazaki na The Boy and the Heron.

Sa Miyerkules, Enero 10, naman ang opening ng The Bricklayer, The Beekeeper, at My ZomBabe nina Kim Molina at Empoy Marquez.

now showing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A pirated copy of MMFF 2023 topgrosser Rewind, starring real-life couple Dingdong Dantes and Marian Rivera, is being shown on Facebook. The producers and concerned netizens are appealing to the public to report this.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results