PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2023 nalampasan na ang box-office record ng MMFF 2018

Summer MMFF di gaganapin ngayong 2024 para paghandaan ang 50th MMFF.
by PEP Troika
Published Jan 9, 2024
Winston Emano Atty. Don Artes MMFF 2023
MMDA Acting Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Don Artes (right) and Manila International Film Festival reprsentative Winston Emano (left) meet the entertainment presscon in a presscon held today, January 9, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Record-breaking ang kinita ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) mula Disyembre 25, 2023 hanggang Enero 7, 2024.

Naka-PHP1.069B ang MMFF 2023, mas mataas sa kinita ng MMFF 2018 na PHP1.061B.

Ito ang isiniwalat ni MMDA Acting Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Don Artes sa mediacon nitong Enero 9, Martes, sa New MMDA Bldg., Doña Julia Vargas Avenue, Pasig City.

Read: MMFF 2023 gross sales sumampa na sa PHP1B mark; Rewind naka-PHP600M na

Pagpapatuloy ni Atty. Don, “This is despite the fact na noong 2018, almost 1,200 cinemas po ang open. This year po, nasa 800 lamang yung sinehan natin. Marami pa pong sara.

“Siguro po masasabi natin na yung success po ng 2023 MMFF ay due to the quality of the films we offered.

“Kahit na po sampu yung pelikula, as compared dati na walo, talaga naman pong magaganda ang pelikula, maaayos ang pagkakagawa.

“At yun pong observation namin dito, before ang bulk po ng nanonood ay CDE market. Ngayon po halos na-cover natin pati yung nga A, B, and C.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In fact, parang mas marami nga po yung segment ng market na nanood from A, B and C dahil sa mga comments po ay nakita naming maraming nanood ng dalawa, tatlo o mas marami pa na pelikula.

“May mga iba pa na inulit pa pag nagustuhan nila ang pelikula. Dalawang beses nilang pinapanood.

“So hopefully we can sustain this hindi lamang ngayong Metro Manila Film Festival. Sana po makapag-offer pa yung ating mga production companies ng mga de kalidad na pelikula sa buong taon.

“At ine-encourage din po namin yung mga producers na mag-produce ng mas magaganda pang pelikula para sa 2024 Metro Manila Film Festival, which is our 50th edition.”

Magkakaroon ba ng Summer MMFF this year?

“Ako po ay humihingi ng paumanhin dahil hindi na po kami magsa-Summer, ang Metro Manila Film Festival,” pagtatapat ni Atty. Don.

“Dahil gusto po naming mag-concentrate sa 50th edition natin. Pero marami din naman po tayong activities na naka-line up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-usap ho kami ng FDCP, sa pangunguna ni Chair Tirso Cruz III, na kung puwede instead na Summer MMFF ay magkaroon ng Pista ng Pelikulang Pilipino para ma-sustain po natin yung momentum.

“At kami po sa MMFF ay nag-offer ng tulong kung sakaling magko-conduct po ang FDCP ng Pista ng Pelikulang Pilipino.”

NOEL FERRER

Maraming firsts ang naganap sa 49th MMFF.

Una na nga ang sinabi ng Ka-Troika Tito Jerry na naunang CaMaNaVa parade.

Sa 50th MMFF, ibabalik sa Manila ang Parade of Stars, at ang Gabi ng Parangal ay sa Manila Metropolitan Theater.

Ikalawa, ang sobrang pagsisipag ng mga artista sa pagpo-promote at pagse-sell ng tickets para sa kanilang pelikula. Lahat ng promo ay ginawa, pati ang pagtotodo ng MMDA na may tarps sa main kalsada sa Metro Manila.

First time na may Manila International Film Festival sa Enero 29-Pebrero 2 sa Los Angeles, California. Ito ay para may direct link sa Hollywood muli sa pagdi-distribute ng mga pelikula, na sana ay makatulong din sa ating Oscars and Golden Globes campaign.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

manila international film festival poster

Then exciting ang Road to MMFF50!

May pa-Sine Singkwenta, may pa-Student Short Film Caravan, at coffee table book pa.

Sana talaga sa pag-focus natin sa Golden Year ng MMFF, ngayon pa lang ay paghandaan na ang magagandang entries sa susunod na festival.

Kasi, hindi na artista ang focus. Content is King. Good story is key.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gagastos at gagastos ang mga kababayan natin basta maganda ang pelikula!

GORGY RULA

PHP700M lang ang target gross ng MMFF ExeComm para sa 49th MMFF.

Pleasant surprise na tinangkilik nang lubos ng moviegoers ang filmfest, kaya extended ito nang one week.

Ayaw ibunyag ni Atty. Don ang kinita ng bawat official entry. Obvious naman na ang topgrosser ay ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Present sa mediacon si G. Winston Emano bilang kinatawan ng Manila International Film Festival (MIFF).

Isiniwalat ni G. Emano na tigtatatlo ng screening ang sampung festival entries sa loob ng limang araw.

Hindi pa mai-announce kung sinu-sinong artista ang tutungo sa USA para sa MIFF. Nagpasabi na si Vilma Santos ng When I Met You In Tokyo na hindi siya makakapunta dahil sa prior commitment.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMDA Acting Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Don Artes (right) and Manila International Film Festival reprsentative Winston Emano (left) meet the entertainment presscon in a presscon held today, January 9, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results