GORGY RULA
Kataku-takot na kantiyaw ang inabot ni David Licauco sa kanyang sagot sa isang tanong ni Dingdong Dantes sa GMA-7 game show na Family Feud noong Lunes, January 8, 2024.
Ang tinaguriang Pambansang Ginoo ang leader sa "Team David" kasama ang mga kaibigan niya at classmate. Kabilang dito ang best friend niyang Kapuso actor ding si Dustin Yu.
Kalaban nila ang "Team Barbie," na pinangunahan ng ka-love team ni David na si Barbie Forteza. Kasama ng aktres ang daddy niyang si Tony at ang kanyang make-up artist at stylist.
Ang tanong ni Dingdong sa pangatlong round ay dugtungan ang pangalang “Maria.”
Top answer ang Maria Clara.
“Ozawa!” sagot ni David, na ang tinutukoy ay ang Japanese actress at dating porn star na si Maria Ozawa.
Kaagad na kinantiyawan si David ng mga kasamahan niya.
Tila hiyang-hiya ang Kapuso actor sa sagot niya. Parang gusto na raw niyang tumakas sa studio nung mga oras na yun.
Bakit hindi raw niya naisip ang Maria Makiling, Maria Magdalena, Maria Sinukuan, Maria Mercedes, et cetera!
Punung-puno ng malisya ang komento ng netizens sa sagot ni David.
Kaagad na nag-trending ang hashtag na Maria Ozawa sa X (dating Twitter) dahil sa mga malisyosong komento ng netizens.
Nakikita raw nilang tunay na lalaki si David kaya ang unang naisip niya ay ang alindog ni Maria Ozawa.
Pero para naman sa iba, lalo na sa mga kabadingan, lalong nagkaroon ng sensuality si David.
Lalong sumeksi sa kanila ang tsinitong aktor na tila naglalaro sa isip nila kung paano pagpantasyahan ni David si Maria Ozawa.
As of this Tuesday, January 9, naka-1.2M views na sa TikTok account ng Family Feud ang tagpong ito.
@familyfeudph 'Di ka nag-iisa, @davidlicauco. Naisip rin namin 'yan! ???? #fyp #familyfeudph #BarDa #viral #trending #mariaozawaa ? original sound - Family Feud Philippines
NOEL FERRER
Ang rating ng episode ng laro ng Team Barbie versus Team David sa Family Feud ay 9.2%.
Mataas na rin ito, dahil hindi pa ganun kataas ang viewership ng mga programa sa TV nitong pagpasok ng taong 2024.
Read: Ratings ng noontime shows bumaba sa pagpasok ng 2024
Noong Biyernes, January 5, ay naka-9.8% ang Family Feud kahit replay episode pa ito.
Siyanga pala! Hindi rin ganun kataas ang rating ng mga noontime shows nitong Sabado, January 6, kung saan mainit na pinag-usapan ang pagbawi ng TVJ sa titulong Eat Bulaga!, at pagpalit ng titulo ng noontime show ng TAPE Inc sa GM-7, na ginawa nang Tahanang Pinakamasaya.
Read: TAPE noontime show, Tahanang Pinakamasaya na ang title; di na ginamit ang Eat Bulaga!
Nung January 6 ay ang It’s Showtime ang dumikit sa Eat Bulaga! ng TVJ.
4.4% ang nakuha ng Eat Bulaga! sa TV5, at ang It’s Showtime ay 4.1%.
Nakaapekto siguro ang isyu ng TAPE sa Tahanang Pinakamasaya, na naka-3.2% lang ito.
JERRY OLEA
Noong Lunes, January 8, naman ay 4.1% ang rating ng Eat Bulaga! ng TVJ.
Ang Tahanang Pinakamasaya ay 2.9%, at ang It’s Showtime ay 2.7%.
Pero masayang ibinalita ng taga-TAPE sa PEP Troika na maganda ang pasok sa kanila ng advertisers.
Mahigit 30 minutes daw ang load nila nung Sabado (January 6) at Lunes (January 8), at nitong Martes (January 9) ay naka-36 minutes commercial load pa raw sila.
Wala raw nag-pull out na advertisers, kahit hindi na Eat Bulaga! ang titulo ng kanilang noontime show.
Samantala, iyong Makiling nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio na nag-pilot noong Lunes ay naka-6.5%.
Pinakamataas pa rin sa mga panghapong drama noong Lunes ang Abot Kamay Na Pangarap na naka-9.4%, kontra sa Pira-Pirasong Paraiso na naka-2.3%.
Iyong Stolen Life ay naka-8.6%, kontra sa Nag-aapoy Na Damdamin na naka-1.8%.
