GORGY RULA
Hindi pa nakikita nang personal ni Pops Fernandez ang apo nila ni Martin Nievera na si Baby Phineas Atlas o Baby Phin.
First apo ito ni Pops sa kanyang panganay na anak na si Robin Nievera, at sobrang excited siyang makita na ito.
Read: Pops Fernandez hindi pa nakikita nang personal ang kanyang unang apo
Hindi pa raw niya nadadalaw sa Amerika dahil abala pa siya sa paghahanda sa kanyang pagbabalik-concert.
Kasado na ang kanyang concert na pinamagatang Always Loved na gaganapin sa The Theater at Solaire sa February 9 at 10, 2024.
Sa media conference ng Always Loved sa Mesa Restaurant nung Lunes, January 8, napag-usapan namin ni Pops ang tungkol sa kanyang kauna-unahang apo.
Kapag ang apo na raw niya ang napapag-usapan, very emotional siya at hindi niya mapigilang maluha. Hindi pa rin daw siya makapaniwalang may anak na ang panganay niyang si Robin.
Saad ni Pops, “Sa ngayon pa lang, excited na ako.
"But I’m sure pag nakita ko na, nahawakan ko na, na-carry ko na, naamuy-amoy ko na, it’s a totally different feeling.
"I’m sure iiyak ako, kasi iyakin ako e.
“Actually, pinag-uusapan pa lang, naiiyak na ako. Hindi pa kasi ako makapaniwala na siyempre, si Kuya may baby na. Yun, e. Iyon yung una kong ikinaiiyak.”
Hindi pa raw masabi ni Pops sa ngayon kung anong klase siyang lola. Pero feel na feel na rin daw niya, lalo nang tinanong namin kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya ni Baby Phin.
“Lolli Pops!” natatawa niya sagot sa amin.
“Para kumalat na yan sa buong Pilipinas. Actually, ngayon pa lang ang dami nang tumatawag sa akin na Lolli. So, na-appreciate ko naman.
“Hindi ko pa alam. Pero a lot of my friends who already have their own grandchildren, ang sabi nila, iba yung feeling. So, sobra akong excited.
“Pero, I promise you, hot lolli pa rin ako,” bulalas ni Pops.
Read: Pops Fernandez, "Lollipops" ang gustong tawag sa kanya ng unang apo niya
View this post on Instagram
Itong Always Loved concert ni Pops ay selebrasyon na rin ng kanyang 40-plus years sa showbiz kaya mga espesyal ang guests rito na naging bahagi ng kanyang music career.
Hindi pa raw masabi ni Pops kung sino ang kanyang special guests, pero ang mai-share muna niya ay sina Martin Nievera at Gary Valenciano na malaki ang bahagi sa kanyang pagkanta.
“It is a 40-plus years celebration. So it is an anniversary celebration.
"t is a celebration, because I have not done a show. So, in that aspect, magsi-celebrate ako.
“It is also a pre-Valentine. So it’s another celebration.
"At the end of the day, gusto ko nag-e-enjoy lang yung audience ko.
“Ito yung two nights na pagpasok mo, let’s just have fun. Bawal mag-isip. Para kang nanood ng pelikula for one and half or two hours.
"Mag-e-enjoy kayo. Makaka-relate kayo sa mga kakantahin ko."
NOEL FERRER
Bukod sa mahahalagang guests ni Pops, dalawang kanta ang pinakamahalaga kay Pops — ang "Dito" at "Little Star" na pinasikat niya.
Agree si Pops na iba na ngayon ang kahulugan ng "Little Star" sa kanya dahil para na raw ito sa apo niyang si Baby Phin.
Hindi raw niya alam kung paano ito kakantahin kapag iaalay na niya ito sa kanyang apo.
“Baka hindi ko na naman makakanta yan.
“'Dito' reminds me of my dad," pagtukoy ni Pops sa kanyang yumaong ama, ang action star na si Eddie Fernandez.
"'Little Star' reminds me of my early beginnings. So, hirap na hirap ako parati.
“Yes, gagawin ko yan sa concert ko, because they are part of my 40 years, at yan yung mga meaningful songs sa akin.
“Pero, tama naman. Na-realize ko rin, ang bagong little star ko na ngayon ay si Baby Phin. So, papano yan lalo naman akong iiyak.
“Yes. Now that song has a totally different meaning for me.
“I’m sure si Robin… Robin is a good musician. I’m sure magkakaroon na rin siya ng song for Baby Phin na magiging original. So, abangan po natin yan.”
Balita naming puwedeng itong Always Loved concert ang maging Valentine offering mismo ng Solaire.
Pero ang dinig namin ay gusto ni Pops na mag-sold out muna ang two-night concert dates bago siya pumayag na mag-extend to Valentine’s Day, na ganito nga ang nangyari last year sa anniversary show rin ni Louie Ocampo.
Good luck, Pops!
JERRY OLEA
Akala ko ay last year gaganapin ang 40th anniversary concert ni Pops.
Di ba, sabay sila ni Zsa Zsa Padilla na in-introduce sa TV program na Bad Bananas noong Pebrero 14, 1983?
Interesting kung makaka-relate ang Swifties sa concert na ito ni Lolli Pops!!!
