JERRY OLEA
Humahaplos at kumukurot sa puso ang Facebook at Instagram post ni Jerom Canlas nitong Enero 11, 2024, Huwebes ng gabi, kaugnay sa Pasko at Bagong Taon ng kanilang pamilya.
Read: Jerom Canlas reveals last message of brother JM Canlas; regrets not being there for him
Ani Jerom, “First Christmas and New Year without you, JM. Ang sakit sakit na wala ka. The fireworks were beautiful as always, but I was bawling. Kasi wala ka na, at wala akong magawa.
“I remember when you were young, Dad would always put you on his shoulders so you could have the best view of the fireworks. While some children cried, you never took your eyes away from the exploding colorful lights.
“Alam mo ba na kaya nagpapaputok ang mga tao sa bagong taon ay para matakot at lumayo ang masasamang espiritu? I found comfort imagining bad spirits running away from the noise while you just sit there unbothered and enjoying the show.
“Gaya nung bata ka. Hindi nga lang mula sa mga balikat ni Dad, pero sigurado akong you have the best view now from up there.
“Your presence is deeply missed, Em. It’s just not the same without you. But we’re all trying hard to be okay, be better, and continue living.
“We will always remember you and never get tired of telling and exchanging stories about you. Mananatili kang buhay.
“2024 is the year of the Green Wooden Dragon, so wearing the color green brings luck. But honestly, we really wore it because it’s your favorite color.
“We don’t need luck as long as you’re up there looking out for us, our kulit guardian angel.
“Guide us this year, JM. Help us heal. Patnubayan mo si kuya. I’ll always try to be good and do my best for you. This will be our year, I know it.
“All smiles for you, Em! I miss and love you forever! Mula sa pamilya Canlas, manigong bagong taon sa inyong lahat!”
View this post on Instagram
Pumanaw ang dating child actor na si Jamile Matthew "JM" Canlas sa edad na 17 noong Agosto 3, 2023.
Bunsong kapatid siya nina Jerom at Elijah Canlas na pareho ring artista.
Read: Former child actor JM Canlas, youngest brother of Elijah Canlas, dies at 17
Ni-repost ni Elijah noong Pasko sa Facebook ang Christmas post niya eight years ago, December 25, 2015 na, “Ang mumunting regalo ng bunsong si Jm. Best christmas gift yet! Salamat.
“Maligayang Pasko sa lahat!”
Ang mensahe ni Elijah sa FB repost, “I love you, JM. Merry christmas, everyone!”
Gusto ko sanang interbyuhin si Elijah sa finale mediacon ng Senior High noong Enero 9, Martes, sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.
Pero matapos ang mahigit isang oras na pagtatanong ng dalawang hosts sa mediacon ay may iba pang ganap ang cast ng Senior High, at hindi na sila ipinainterbyu.
GORGY RULA
Ang sabi ni Miles Ocampo sa interview sa kanya ni Karen Davila, marami silang pinagdaanan sa loob ng dalawang taong relasyon nila ni Elijah Canlas.
Isa na itong pagpanaw ng kapatid ni Elijah na nasaksihan naming laging nasa tabi nito si Miles.
Read: Miles Ocampo breaks silence on breakup with Elijah Canlas
Nung dumaan din si Miles sa malaking pagsubok din sa kanyang kalusugan, alam naming nandun din si Elijah na dumamay sa kanya. Kaya sana, mapanatili ang magandang friendship kung hindi man mabalik ang dating pagmamahalan.
Maganda rin itong ginawa nina Jerom at ng kanyang pamilya na hinaharap nila ang matinding pangungulila sa pagkawala ni JM. Bahagi ito ng pag-move forward kahit habang buhay na nila itong dadalhin.
Si Elijah ang isa sa pinaka-promising na young actors sa ngayon. Sana mabigyan siya ng magandang proyekto kagaya ng mga nagawa niyang pelikula noon.
Si Miles naman ay itinanghal na best supporting actress ng MMFF 2023 para sa pelikulang Family Of Two (A Mother And Son Story). Sana ay may magandang follow-up movie si Miles.
Read: Elijah Canlas confirms breakup with Miles Ocampo
NOEL FERRER
Ramdam natin ang dalamhati sa pamilya Canlas sa pagpanaw ni JM.
Pero tama, let’s find comfort in the fact na he is in a better place to look after us, especially now na after Senior High, may magandang pelikula na naman si Elijah Canlas bilang title role sa pelikulang EDJOP mulas sa buhay ng student activist na si Edgar Jopson.
Isa na naman itong interesting role sa career ni Elijah bilang aktor na kahapon lang namin nalamang paborito pala ng batikang si Mr Fu!
