NOEL FERRER
Bininyagan na ang anak nina Iza Calzado at Ben Wintle ngayong Enero 13, 2024, Sabado, sa St. Andrew the Apostle Parish Church sa Kalayaan Ave., Makati City.
This comes a few days bago mag-first birthday si Deia Amihan na ipinangalan ni Iza sa kanyang karakter sa Encantadia.

Kasama sa mga ninong at ninang ni Deia Amihan sina Ma’am Leni Robredo, Cheska Iñigo, Teressa Herrera, Lyn Pinagu, Pam Quinones, Culver and Debbie Padilla, Mike Lariosa, Nix Alañon, Jetro Rafael, Candy Dizon, Katrina Holigores, Val Beggs, at iba pang kaibigan.


Sabay na bininyagan ng officiating priest na si Fr. Tito Caluag si Deia Amihan at si Sadie Harlow na anak naman nina Bianca King at ng nakababatang kapatid ni Ben na si Ralph Wintle.

Grabe ang pagkabiba ng anak ni Izadora na ang hilig sa camera. Napaka-cute talaga at kapag sinasabi ng mga tao na kamukha ng ama si Deia Amihan, yung pagka-charming at mahilig gumalaw ay mana sa ina?
Ang tanging sabi lang ni Iza ay, “Alam na! Hindi mapagkakaila! Calzado yan!”
JERRY OLEA
Kapwa bungisngis ang mag-inang Iza at Deia Amihan.
Sabi ni Iza sa mediacon noon ng Shake, Rattle & Roll Extreme, laging nakangiti ang kanyang daughter dahil lagi silang payapa at masaya sa kanilang tahanan.
Welcome to the Christian world, Deia Amihan and Sadie Harlow!
GORGY RULA
Napayakap sa akin si Iza nang sinabi kong ka-birthday ko si Baby Deia.
Masayahin kasi talaga ang mga ipinanganak ng January 26 hehehe!
Hindi mo naman kasi nakikitang nagsusungit o malungkot ang mukha ng bagets.Kaya nagdadala ng good vibes sa tahanan nina Ben at Iza Wintle.
Pero ang natitiyak kong pinakamasaya sa lahat ay ang pamilya ni Ben na kasama pa nila sa Boracay noong Pasko.
Hindi lang kasi ang apo nilang si Deia kundi pati ang napaka-cute ding baby nina Bianca at Ralph Wintle ay kasama.
Ang saya-saya ng Wintle family!
