PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Alcasid, handa na kung magpapakasal ang anak na si Leila?

“I’m ready for anything,” pakli ni Ogie.
by PEP Troika
Published Jan 13, 2024
Ogie Alcasid, Leila Alcasid, Curtissmith
“Iba yung sigla niya ngayon. So, I’m happy that she’s fine… and that they’re both happy," sabi ni Ogie Alcasid (kaliwa) tungkol sa anak na si Leila Alcasid at boyfriend nitong si Curtissmith (kanan).
PHOTO/S: Gorgy Rula / @curtismito Instagram

GORGY RULA

Natutuwang ikinuwento sa amin ni Ogie Alcasid ang tungkol sa mga anak niya nang nakatsikahan namin nung Biyernes, January 12, 2024, sa Vanilla Café para sa promo ng Valentine concert nila ni Odette Quesada na Love Q&A.

Siya raw mismo ang nag-aasikaso sa paghahanap ng school para kay Nate, dahil papasok na raw ito sa Junior High.

Ang anak niyang si Sarah ay registered nurse na pala sa Australia.

Seryoso naman si Ogie nang pinag-usapan namin ang kanyang anak na si Leila.

Para may konek sa kanilang Valentine concert, tinanong ko si Ogie kung ano ang Q&A nila ni Leila pagdating sa love life.

Ibinahagi ni Ogie na nagkaroon daw sila ng seryosong pag-uusap ni Leila kamakailan lang.

“Nitong January, nagkasama kami sa beach and we had a good discussion,” napangiting pahayag ni Ogie.

“I can see that she’s very happy. I can see also that her boyfriend really takes care of her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba yung sigla niya ngayon. So, I’m happy that she’s fine… and that they’re both happy.”

Hindi pa naman daw nila pinag-usapang mag-ama kung ano ang plano ng kanyang anak at ng boyfriend nitong si Curtismith.

Hindi pa naman daw sila nagpaalam kung may wedding plans na ba.

“I’m ready for anything,” pakli ni Ogie.

“She has a promise ring, meron na palang ganun ngayon? Promise ring… I don’t know what that means.

“Lagi naman niya suot yun. I can see that my daughter is very happy. That’s enough for me.

“They’re good for each other. I can see that, and I can safely say that, they are very supportive with each other,” dagdag niyang pahayag.

Sa February 14 at 15 ang Love Q&A Valentine concert nina Ogie at Odette na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater.

Pero bago iyan, mauuna muna sa Cebu City, na gaganapin sa Nustar Convention Center sa February 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Odette Quesada, Ogie Alcasid

NOEL FERRER

Aminado si Ogie na fan siya ni Odette Quesada.

Nung estudyante pa lang daw siya at miyembro ng Kundirana ay isa si Odette sa hinahangaan niya, kahanay sina Martin Nievera, Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, at Rico Puno.

Nakapag-guest na raw siya noon sa isa sa mga concerts ni Odette, pero ngayon pa lang sila nagsama sa isang concert.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi raw niya napigilang kiligin nang kinausap siya ng producer ng concert na si Nancy Yang kung gusto nitong magsama sila ni Odette sa isang Valentine concert.

“Her music is part of my childhood. So, to do something like that, a show with her, super exciting.

“For me, it’s a thrill for me,” bulalas ni Ogie.

Lalo raw siyang humanga nang nagkasama na sila sa pictorial at nagkausap nang matagal-tagal.

“Nakakatuwa kasi songwriter siya, e. So meron kaming… ka-kindred spirit ko siya kumbaga.

“Parang nakaka-identify ako dun sa ginawa niya.

“She said to me that she was excited to do a concert with me. And of course, sobra akong kinikilig,” dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA

Sinabi naman ni Ogie na handa siya kung sakaling magpaalam na sina Leila at Curtismith kung gusto na nilang magpakasal.

Pero wala pa naman daw silang sinasabi. Minsan ay nababanggit lang daw sa kanya ni Leila kung anong wedding ang gusto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Leila, may mga binabanggit siya na if ever gusto niya sa lugar na iyon, ang reception…

“If ever, meron siyang iniisip na kung ilan lang ang iimbitahin. Meron siyang nababanggit na ganun.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Iba yung sigla niya ngayon. So, I’m happy that she’s fine… and that they’re both happy," sabi ni Ogie Alcasid (kaliwa) tungkol sa anak na si Leila Alcasid at boyfriend nitong si Curtissmith (kanan).
PHOTO/S: Gorgy Rula / @curtismito Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results