PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid, stop taping muna dahil sa trangkaso

Ilang characters sa Black Rider, tatapusin na.
by PEP Troika
Published Jan 14, 2024
Ruru Madrid
Nagka-upper respiratory infection si Ruru Madrid ayon sa findings ng doktor na tumingin sa kanya nang isugod ang Kapuso actor sa ospital pagkatapos ng taping ng isang episode ng Black Rider.
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram

GORGY RULA

Stop taping muna si Ruru Madrid nang isang linggo dahil kailangan talaga niya ng sapat na pahinga.

Ipinost ng Kapuso Primetime Prince na isinugod siya sa hospital pagkatapos ng taping niya sa Black Rider.

Sanhi ito ng ilang araw na siyang tinatrangkaso, at hindi gumagaling na ubo at sipon.

Hindi naman daw na-confine si Ruru, pagkatapos siyang ginamot sa emergency.

Ayon sa kanyang doktor, may upper respiratory infection daw si Ruru. Kaya kailangan daw talaga nitong magpahinga.

Hindi siya pinayagan ng doktor na bumalik sa taping. Kailangan daw niya talagang magpahinga muna sa bahay niya ng at least one week straight.

Mabuti at nandiyan si Bianca Umali na talagang nag-alaga sa kanya. Kaagad na pinuntahan siya ni Bianca sa hospital para bantayan hanggang sa iniuwi na siya.

Ipinost nga ni Ruru sa kanyang IG account na nagpasalamat sa nobya.

Aniya, “Pero salamat sa taong sumalubong sa akin sa E.R., nag-asikaso ng mga papers, nagdala ng pagkain, nagpuyat at nag-alaga sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahal na mahal kita Isadora, salamat sa napakasarap na pagmamahal na hinding hindi ko pagpapalit kailanman (heart emoji).”

View this post on Instagram

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

NOEL FERRER

Marami pa raw mababago sa Black Rider ni Ruru Madrid.

May mga matatapos na ang karakter nila sa naturang action-drama ng GMA-7 at meron ding mga bagong karakter na ipapasok.

Ang dinig namin, tatapusin na rin ang karakter ni Herlene Budol at ang kay Katrina Halili.

May bagong drama series na gagawin si Katrina, ang Mommy Dearest kasama sina Camille Prats, Shayne Sava, at Amy Austria na ididirek ni Gina Alajar.

Lalo raw palalakasin ang kuwento nina Ruru at Yassi Pressman. Dagdag pa si Michelle Dee na excited sa pagmo-motor niya sa unang araw ng taping niya sa Black Rider.

Kuwento nga ni Gladys Reyes na bahagi rin sa Black Rider, natutuwa raw siyang nakatrabaho na niya si Michelle.

“Ang bait ni Michelle,” pakli ni Gladys. “Sabi ko sa kanya, nakatrabaho ko na mommy niya, si Ate Melanie [Marquez], ang daddy [Derek Dee] niya, and now siya naman… two generations na!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi sa amin ni Gladys, nagkasama raw sila ni Derek bilang magkapatid sa pelikulang Kahit sa Bala Kakapit Ako na pinagbidahan ni Ronnie Ricketts.

Kay Ruru, pagaling ka, at oo makinig din sa katawan at magpahinga.

"Note To Ourselves" din iyan, mga Katroika!

JERRY OLEA

Of course, hindi na ka-join si Ruru sa Season 2 ng Running Man Philippines dahil sa Black Rider.

Sa Instagram ay nag-good luck si Ruru kina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Angel Guardian, at Lexi Gonzales.

Sa takbo ng ratings ng Black Rider, naghahabol pa rin ito sa ratings ng FPJ’s Batang Quiapo.

Take note na nag-umpisang mag-taping last year ang FPJ’s Batang Quiapo sa fiesta ng Black Nazarene sa Quiapo.

Bale unang anibersaryo nila ng taping noong Enero 9 at siyempre, andoon si Coco Martin at iba pang deboto ng Itim na Nazareno.

E si Ruru, kahit nag-taping sa Quiapo area, batid naman natin na kasapi sa Iglesia ni Cristo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagka-upper respiratory infection si Ruru Madrid ayon sa findings ng doktor na tumingin sa kanya nang isugod ang Kapuso actor sa ospital pagkatapos ng taping ng isang episode ng Black Rider.
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results