JERRY OLEA
Humigit-kumulang sa dalawampu ang noteworthy Pinoy movies noong 2023, kahit dedmahin pa natin ang erotic films na nag-streaming sa Vivamax at AQ Prime.
Sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) pa lang ay walo ang makapukaw-pansin, sa pangunguna ng super-blockbuster na Rewind starring Dingdong Dantes and Marian Rivera.
Bokya man ang Rewind sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal, malaki ang chance na magwagi si Dingdong o si Marian sa ibang award-giving bodies, pati na si Pepe Herrera na gumanap bilang Lods sa pelikula.
Ang makasaysayang GomBurZa ang may pinakamaraming tropeo, pero ang Firefly ang tinanghal na best picture.

Apat ang karakter na ginampanan ni Piolo Pascual sa supernatural horror movie na Mallari, kung saan kahila-hilakbot ang unang Pinay Miss Universe na si Gloria Diaz bilang isang manananggal.
Reunion movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon ang When I Met You In Tokyo. Ang kanilang Love Team for All Seasons ay nag-umpisa sa pelikulang Tag-ulan sa Tag-araw noong 1975, na siyang taon din ng pag-uumpisa ng Metro Manila Film Festival.
Megastar Sharon Cuneta plus Asia’s Multimedia Star Alden Richards equals event movie Family of Two (A Mother and Son Story).
Artsy ang horror-thriller na Kampon, na comeback movie ni Derek Ramsay. Mas ma-appreciate kaya ito ng mga banyaga sa international film festival circuit?
Fabulous ang combination nina Eugene Domingo at Pokwang sa Becky & Badette, kung saan kontrabida si Agot Isidro.
Magkakasama rin sina Eugene, Pokwang, at Agot sa isa pang comedy movie last year, ang Ten Little Mistresses na, kagaya ng Becky & Badette ay obra ni Jun Robles Lana at prinodyus ng The IdeaFirst Company.
Likha rin ni Direk Jun Robles Lana ang nakakawindang na About Us But Not About Us na pinagbidahan nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas. Humakot ng tropeo ang About Us But Not About Us sa kauna-unahang edisyon ng Summer MMFF noong Abril.

Ang topgrosser ng 1st Summer MMFF ay ang comedy na Here Comes The Groom kung saan tampok sina Eugene Domingo, Enchong Dee, KaladKaren, Gladys Reyes, ang batang hamog na si Awra Briguela, among others.
Merong adhikain ang Summer MMFF 2023 entry nina Kylie Padilla at Gerald Anderson, ang Unravel: A Swiss Side Story na kinunan sa Switzerland.
Ang best picture ng Cinemalaya XIX: Iluminasyon noong Agosto ay ang animated film na Iti Mapukpukaw (The Missing), starring Carlo Aquino, Gio Gahol, and Dolly de Leon.
Aspiring entry ng bansa sa 96th Academy Awards o Oscars ang Iti Mapukpukaw. As usual, ligwak ito sa 15-film shortlist.
May kani-kanyang kislap at adhikain ang mga pelikulang handog ng Cinemalaya.
Hayop ang aktingan sa Sa Duyan ng Magiting. Intense din ang mga ganap sa As If It’s True, When This Is All Over, at Tether.
Tampok sa Huling Palabas ang MMFF 2023 best actor na si Cedrick Juan, kung saan may eksenang nag-sunbathe siya nang walang saplot.
Tamis-tamisan ang pakilig ng GL movie na Rookie. Nangungusap at kamangha-mangha ang cinematography ng Gitling.
Opening film ng Cinemalaya 2023 ang Marupok AF (Where Is The Lie) kung saan eksenadora si Maris Racal.
Closing film naman ang Third World Romance ng magkasintahang Carlo Aquino at Charlie Dizon.
Pasok na pasok sa kamalayan natin ang A Very Good Girl ni Kathryn Bernardo, na as we write this ay nasa talaan pa rin ng Top 10 Movies Today in the Philippines sa Netflix.

Todo-promote si Alden Richards sa pelikula nila ni Julia Montes na Five Breakups And A Romance, kung saan co-producer ang Asia’s Multimedia Star.
Hataw ang block screenings ng Monday First Screening. Wagas ang suporta ng members ng Iglesia ni Cristo.
GORGY RULA
Kaugnay sa People Power EDSA Revolution, pukpukan last year ang promo ng Ako Si Ninoy ni Vince Tañada, Oras de Peligro ni Joel Lamangan, at Martyr or Murderer (MoM) ni Darryl Yap.
Pasabog ang ending ng MoM kung saan ipinakita si Aga Muhlach na gaganap bilang BBM sa kasunod ng MoM, ang Mabuhay, Aloha, Mabuhay (MAM).
Ang gaganap naman sana doon bilang Imee Marcos ay si Eula Valdes. Ang target playdate niyon ay Setyembre 2023, in time sa paggunita ng deklarasyon ng Martial Law.
Hindi na iyon na-shoot ni Direk Darryl.
Sa halip, ang syinuting niya ay ang Para Kang Papa Mo nina Nikko Natividad at Mark Anthony Fernandez, na ipinalabas sa mga sinehan noong Disyembre 13, kasabay ng Unspoken Letters na launching film ni Jhassy Busran.
Yung Ikaw at Ako nina Rhian Ramos at Paolo Contis ay December 6 nag-showing. Nasa cast din nito sina Ronaldo Valdez at Boots Anson Roa-Rodrigo. Pumanaw si Tito Ronaldo noong Disyembre 17.
Sa Enero 24 ay sabay na ipapalabas ang dalawang pelikula na kasama siya sa cast — Itutumba Ka Ng Tatay Ko, at GG The Movie kung saan nasa cast din si Tita Boots.
Sa 24 finished films na naligwak sa 49th MMFF, naunang ipinalabas sa mga sinehan noong Nobyembre 29 ang In His Mother’s Eyes at Shake, Rattle & Roll Extreme.
Bago mag-Pasko ay nag-special screenings na ang Pieta, as requested by ardent Noranians.
Maikunsidera na kaya ito ng award-giving bodies?

Yung OFW The Movie na nagkaroon ng red carpet gala noong Hunyo 8, 2019 sa SM Megamall ay ipinalabas finally sa local cinemas noong Hulyo 12, 2023.
Ang Kapuso telefantasyang Voltes V: Legacy ay may pa-cinematic experience noong Abril 19.
Nagbida si Ken Chan sa Papa Mascot, kung saan co-producer siya.
Nagtambal sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa The Cheating Game.
Sa mga pelikulang nag-streaming, nagpakitang-gilas ang Ten Little Mistresses, Keys to the Heart, Seasons, Missed Connections, Walang KaParis, Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, What If, at In My Mother’s Skin.
Kung ensemble acting ang pag-uusapan, kudos to GomBurZa, Ang Duyan ng Magiting, Ten Little Mistresses, and Here Comes The Groom.
And of course, dapat ding banggitin natin na ipinalabas last year sa mga sinehan ang mga pelikulang Nagalit Ang Patay Sa Haba Ng Lamay: Da Resbak, Sa Kamay ng Diyos, D’ Aswang Slayerz, Tricycle Driver, Kasangga Mo, and last but not the least, Huling Sayaw.
Ang Top 10 BEST PICTURES 2023 ng PEP Troika, in alphabetical order:
A Very Good Girl
About Us But Not About Us
Ang Duyan ng Magiting
Firefly
Five Breakups And A Romance
GomBurZa
Iti Mapukpukaw
Oras de Peligro
Rewind
Ten Little Mistresses
NOEL FERRER
Pinatunayan ng 49th MMFF na may pera ang mga kababayan natin. Lalabas sila ng bahay kung gusto nila ang palabas.
And looking back at the year that has just passed, sinasabi nito sa atin na "Content is King. Story is Priority. Star Power is Secondary."
Kung dati, siguradong papanoorin kung sino ang sikat … ngayon, hindi na sapat iyon.
Papanoorin ang magandang istorya na may mga artistang kilala kahit papaano, at marurunong o magagaling umarte.
Nadine Lustre edged out Vice Ganda in MMFF 2022 after Deleter became Best Picture.

GomBurZa and Firefly edged out entries of the Megastar and Star for All Seasons and even the Multimedia Star after the mid-festival awards night.
Ibig sabihin, hindi na sapat ang kasikatan. Pagandahan na rin ng content.
At habang nakakatulong ang mga awards, mahalaga rin ang magandang feedback at word of mouth. Kasama na sa malaking factor para kumita ang pelikula ang masigasig na pagpo-promote ng mga artista nito.
Mahalagang maging film event ang pagpapalabas ng pelikula mo; kung hindi, baka sa streaming na nila panoorin ito.
All said, my Top 4 Films of 2023 are About Us But Not About Us, Iti Mapukpukaw, GomBurZa, and Firefly.
Sila rin ang nakikita kong maglalaban-laban hindi sa Popularity Awards Nights, ha.
Sana, marami pang magawa at maipalabas na magagandang Pelikulang Pilipino na talagang susuportahan natin sa takilya!
Ituloy lang natin ang "Tara Na, Makisaya!!!"
