PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Glaiza, Buboy, & Kokoy be replaced in Tahanang Pinakamasaya?

Tahanang Pinakamasaya bumaba ang ratings mula nang bumalik ang Eat Bulaga! sa TVJ.
by PEP Troika
Published Jan 16, 2024
running man ph cast
Tahanang Pinakamasaya co-hosts Glaiza de Castro (thrid from right), Kokoy de Santos (second from right), and Buboy Villar (extreme right) fly to South Korea with (from left) Lexi Gonzales, Mikael Daez, and Angel Guardian for the taping of Running Man Philippines.

GORGY RULA

Nasa South Korea na ang grupo ng Running Man Philippines na kinabibilangan nina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales at Angel Guardian.

Read: Running Man PH members sumabak agad sa mission paglapag sa South Korea

Hindi na nila kasama si Ruru Madrid, na nagpapagaling pa sa sakit bago bumalik sa taping ng seryeng Black Rider.

Wala pang ideya ang anim na regular participants na meron nang ipinalit kay Ruru. Pero tikom ang bibig ng mga handler nitong aktor na naririnig naming kapalit ni Ruru.

Read: Running Man Philippines Season 2 kabilang sa mga bagong GMA-7 shows ngayong 2024

Pero ang sabi ng ibang napagtanungan namin, parang may special participation lang ang aktor na ito, kagaya ng iba pang special guests na naka-lineup.

Wala pang ideya kung ano talaga ang gagawin ng aktor sa second season ng Running Man Philippines.

Pinilit daw nilang gawin na ngayong January ang taping ng Running Man Philippines dahil sobrang lamig at nag-i-snow sa South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya asahang kakaibang challenges ang gagawin nila sa pangalawang season nito dahil may snow pa at sobrang lamig.

Samantala, tatlong regular hosts ng noontime show ng TAPE, Inc. na Tahanang Pinakamasaya ang kasama sa Running Man PH — sina Glaiza, Kokoy, at Buboy.

Read: TAPE noontime show, Tahanang Pinakamasaya na ang title; di na ginamit ang Eat Bulaga!

Tinanong namin ang ilang taga-TAPE kung sino ang ipapalit nila sa tatlong regular hosts. Wala pa raw sinasabi sa kanila kung may ipapalit, pero mukhang wala naman daw.

Noon pa kasi ay may naririnig na kaming kinakausap na ipapalit daw, pero wala namang natuloy.

Marami pa rin namang naiwan at nandiyan pa ang main hosts na sina Paolo Contis, Isko Moreno, at Winwyn Marquez.

Ang isa sa kinukulit namin kay Paolo ay kung final na ba talaga ang titulong Tahanang Pinakamasaya ng kanilang noontime show.

Wala pa raw siyang alam, at hindi na sila naa-update pagdating sa kaso nito sa Eat Bulaga! ng TVJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta tuloy lang daw sila sa pagbibigay-saya at tulong sa mga manonood kahit pinuputakti pa rin sila ng matitinding bashing.

Hindi na lang daw sila nagpapaapekto, kahit minsan ay sobrang foul na ang mga pinagsasabi laban sa kanila. Ang mahalaga ay marami pa rin daw silang napapasaya ng kanilang programa.

Pagbalik kaya nina Glaiza, Buboy, at Kokoy ay Tahanang Pinakamasaya pa rin ang titulo nito?

NOEL FERRER

Magmula nang bumalik sa TVJ ang Eat Bulaga!, lumaban na sa ratings ang It’s Showtime at nalalagpasan na nito ang Tahanang Pinakamasaya.

Read: TVJ: "Bali-baliktarin man ang mundo, ito ang Eat Bulaga!"

Nung nakaraang Sabado, Enero 13, 2024, ay dumikit ang rating ng It’s Showtime, na naka-4%, sa Eat Bulaga! ng TVJ na 4.1%. Ang Tahanang Pinakamasaya ay naka-3.2%.

Nung Lunes, Enero 15, nagdikit naman ang It’s Showtime na naka-3.1%, at ang Tahanang Pinakamasaya na naka-3%.

Ang Eat Bulaga! naman ay 4%, at lalong napanatili ang posisyon bilang institusyon sa mga noontime show.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

JERRY OLEA

Subaybayan natin kung makakaapekto sa ratings ng Tahanang Pinakamasaya ang pansamantalang pagkawala nina Glaiza, Buboy, at Kokoy dahil sa Running Man Philippines.

Napanood ko recently sa Tahanang Pinakamasaya sina Cassy Legaspi at Michael Sager bilang magka-partner sa pagsasayaw.

Maganda ang chemistry nila. Bagay sila sa isa’t isa!

Ang saya-saya!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tahanang Pinakamasaya co-hosts Glaiza de Castro (thrid from right), Kokoy de Santos (second from right), and Buboy Villar (extreme right) fly to South Korea with (from left) Lexi Gonzales, Mikael Daez, and Angel Guardian for the taping of Running Man Philippines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results