PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GGSS actor nasopla ng makisig na inn keeper sa Batangas

GGSS actor matagal nang pinagdududahan ang sexual orientation.
by PEP Troika
Published Jan 17, 2024
Blind Item
ILLUSTRATION: Igi Talao

JERRY OLEA

Fiesta bonanza ang mga marites at marisol sa eksena ng isang GGSS actor kamakailan sa isang inn sa Batangas.

Itong aktor ay gandang-ganda o guwapung-guwapo sa sarili.

Matagal nang pinagdududahan ang kanyang sexual preference pero ang eme niya ay meron siyang ex-girlfriend, at naka-focus sa career kaya walang bagong nobya.

Nagpahiwatig ng indecent proposal ang GGSS actor sa makisig na Batagueño, na siyang inn keeper.

Ala, e! Nasopla ni poging inn keeper si GGSS actor!

Akala siguro ni GGSS actor, porke kilalang artista siya ay matic na patola sa kanya ang inn keeper sa tikiman session na gratis et amore!

NOEL FERRER

Naku, naku, baka umaarte lang si GGSS actor!

Hindi ba, pam-best actor na ang beauty niya? Mapa-comedy o drama, magaling siya talaga!

Baka mas gagaling pa siya kung mag-out na siya.

Di ba, type din siya ng kaibigan natin na naninilbihan sa gobyerno?

Sana raw, pinatulan na niya ito noon pa, noong hindi pa siya kasikatan para may bragging right si government official na, “Una Siyang Naging Akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa akin, sana maligaya lang itong GGSS actor na ito!

GORGY RULA

Hayaan na lang natin si GGSS actor kung saan siya masaya. Karapatan niya yun.

Medyo unti-unti na siyang nag-a-out kapag nai-interview siya.

Minsan ay sinasabi niyang open siya sa same-sex relationship, dahil para sa kanya ay wala namang kasarian ang tunay na pagmamahalan. O di ba?!

Naku! Huwag naman na sa susunod na Metro Manila Film Festival ay mag-out na siya.

Kung ako ang manager ni GGSS actor, hindi ko siya paaaminin kahit 'sangkatutak pa ang maglalabasang BI tungkol sa kabadingan niya.

Magaling siyang aktor at kaya niyang magbading o mag-straight sa isang pelikula o TV show.

Sumama na siya sa hanay ng mga magagaling at sikat na aktor na kinukuwestiyon ang pagkalalaki, pero idinadaan na lang sa kaguwapuhan at magandang pakikitungo sa lahat, lalo na sa entertainment press.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results