JERRY OLEA:
Nagwakas ang Kapamilya prime-time series na Senior High nitong Enero 19, Biyernes ng gabi. Nagtala ito ng all-time high peak concurrent viewers na 225,118.
Salamat sa Northfordians, kabilang sa trending topics ang hashtags na "AndreaBrillantes, SeniorHigh at SHGraduation," pati mga paksang "Season 2, Gino, Roxy, ROXCHIE ENDGAME, Blythe, Archie, TimPoch, SKYBET ENDER TO REMEMBER, at Kyle Echarri."

Mag-uumpisa sa Enero 22, Lunes, ang teleserye version ng Linlang nina Paulo Avelino, Kim Chiu at JM de Guzman. Mapapanood ang Linlang pagkatapos ng FPJ’s Batang Quiapo, at uurong sa binakanteng slot ng Senior High ang Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Nakakagigil ang labanan sa ratings ng Linlang ni Kim Chiu with Paulo Avelino at Love. Die. Repeat ni Xian Lim with Jennylyn Mercado.
Kapana-panabik din kung kakabugin ng Asawa Ng Asawa Ko ang ratings ng DonBelle series.
Umpisa rin sa Enero 22, Lunes ay finale week ng dalawang panghapong Kapamilya series, Pira-Pirasong Paraiso at Nag-aapoy Na Damdamin.
Ini-announce ng Dreamscape nitong Enero 19, Biyernes, sa socmed ang mga kapalit nito — ang rerun ng Dirty Linen ni Janine Gutierrez, at Mars Ravelo’s Darna ni Jane de Leon.
Pagbabalita ng Dreamscape sa X, "Simula January 29, bubulabugin natin ang hapon niyo sa Kapamilya Gold. Bunyagan na ulit ng dungis at labasan na ulit ng tapang."
Take note na ongoing din sa TV5 ang replay ng Niña Niño: Ang Pagbabalik sa Sta. Ynez.
Ang magiging labanan ng Kapuso at Kapamilya sa mga panghapong teleserye umpisa Enero 29 ay Abot-Kamay Na Pangarap vs. Dirty Linen, at Stolen Life vs. Mars Ravelo’s Darna.
Sa hanay ng mga teleserye ay patuloy na namamayagpag ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.
Syanga pala, ngayong Enero 20, Sabado ng 6:15 p.m. ang grand opening ng Jose & Maria’s Bonggang Villa 2.0, kung saan bida sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pre-programming ito ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa GMA-7.
Panauhin sa unang episode ng second season si Jackie Lou Blanco. Nasa regular cast ng weekly sitcom sina Pokwang, Shamaine Buencamino, Johnny Revilla, Pinky Amador, Pekto, at Benjie Paras.
Read: Gelli de Belen recalls showing proof of John Estrada's "red flag" to sister Janice de Belen
GORGY RULA:
Tanggap naman siguro ng Kapamilya Network na mahihirapan silang tapatan ang mga top-rating afternoon drama ng GMA-7, kaya ayaw na lang nilang magpa-pressure. Mag-replay na lang sila.
Mas kinakarir nila ang prime-time series dahil sa magandang performance ng FPJ’s Batang Quiapo.
Maganda ang feedback sa Linlang nang nag-stream ito sa Amazon Prime, kaya very positive silang aariba rin ito sa free TV.
Abangan ang mga paandar dito ni Anji Salvacion.
Malaking challenge ito sa Love. Die. Repeat kaya inaasahang mas titindi ang mga susunod na mapapanood natin sa kuwento nina Bernard (Xian Lim) at Angela (Jennylyn Mercado).
Samantala, talagang pinapalakas ng GMA-7 ang weekend prime nila at ang panlaban nito ay comedy.
Dahil sa napaka-sucessful na Rewind, inaasahang maganda rin ang pagtanggap sa pagbabalik ng Jose & Maria’s Bonggang Villa 2.0 nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ngayong gabi rin ang magpa-pilot ang Alempoy tandem nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa bagong sitcom nilang May For Ever. Magsisimula naman ito ng 7:00 p.m. sa NET25.
NOEL FERRER:
Magandang insight iyan, hindi madaling magtayo at pangatawanan ang paggawa ng teleserye kaya talagang nagre-replay na lang ang Kapamilya Network, at i-focus ang expenses sa pagpapaganda ng mga bago at nagre-rate nang content sa TV.
Kumbaga, hindi na paramihan ang labanan ngayon, pagandahan at patagalan, at paramihan ng platforms at territories na puwedeng pagpalabasan.
Handog ng ABS-CBN ang mas pinalakas na YouTube channel ngayong 2024 sa mga bagong palabas na magbibigay-saya at inspirasyon sa mga manonood sa iba’t ibang parte ng mundo.
Nasa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ang Kapamilya Online Live, kung saan available nang live at on-demand ang pinakahuling episodes ng mga prime-time show na FPJ’s Batang Quiapo, Can’t Buy Me Love, ang premiere ng Linlang: The Teleserye Version, afternoon dramas na Pira-Pirasong Paraiso at Nag-Aapoy Na Damdamin, It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, at marami pang iba.

Mas pinalawak ng ABS-CBN Entertainment ang kanilang YouTube channel para sa 46M subscribers nito dahil patuloy na napapanood nang live at on-demand ang Philippine livestream ng Kapamilya Online Live sa Asia, Europe, Australia, at New Zealand.
Puwede na ring mag-catch-up ang mga Pinoy sa Canada sa pinakahuling episodes ng iba’t ibang palabas kung saan available ang pinakabagong episodes nito isang linggo pagkatapos itong ipalabas sa Pilipinas.
Mababalik-balikan din ang iba’t ibang classic Kapamilya teleseryes sa pamamagitan ng ABS-CBN Superview.
Para naman sa mga bagong "Made for YouTube" shows ngayong taon, abangan ang youth-oriented series na Zoomers, BL reality dating show na Sparks Camp Season 2, at ang Can’t Buy Me Love Exclusives tampok sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Kaabang-abang din ang mga pasabog ng Star Magic ngayong 2024 dahil mapapanood sa YouTube ang Star Magical Prom, Star Magic Hot Summer, Star Magic All-Star Games, at Star Magical Christmas. Nag-iba na nga ang panahon.
Read: Here's how much Dra. Vicki Belo's favorite cake in Paris costs
