GORGY RULA:
Isa pala sa naniwala sa pamahiin na nakita ko sa TikTok na isa raw sa magandang pagsalubong sa bagong taon ay ang maglagay ng PHP50-bill sa likod ng cellphone.
Nagpatotoo rito ang Viva sexy actress na Rhen Escaño dahil napatunayan na raw niyang effective pala.
"Effective po pala maglagay ka ng 50 pesos sa likod ng phone mo nung New Year. Kasi ginawa ko po yun. Di ba, may ganun? For money luck daw iyun. So, ginawa ko, wala namang mawawala e.
"Tapos after how many days, so here we go. Next year po gawin nyo," masayang pahayag ni Rhen.
Nakapanayam si Rhen sa press launch ng bagong endorsement niyang CC6 Online Casino na ginanap sa Oriental Palace sa Morato Ave., Quezon City nung Biyernes, January 19, 2024.
Ang ganda raw ng pasok ng 2024 sa kanya dahil tuluy-tuloy ang trabaho. Humaba ang role niya sa teleseryeng Can’t Buy Me Love, kaya patuloy pa rin siyang nagti-taping.
At nabigyan siya ng bagong endorsement, itong online casino na nagkaroon ng contract signing nung Biyernes kasama ang manager niyang si Aster Amoyo at si Ms. Jev Frago ng naturang online casino.
First celebrity endorser si Rhen ng kumpanyang ito, kaya hiningan namin siya ng reaksyong makakatapat niya si Maria Ozawa na endorser at partner ng isa ring online casino portal.
Buong mapagpakumbabang nagpahayag si Rhen na wala raw siyang ilalaban kay Maria Ozawa.
"Naku! Ibang usapan, parang wala po tayong lamang dun. Nakikita nyo naman po. Parang dehado po tayo," kaagad na sagot ni Rhen.
"Daanin na lang po natin siguro sa… kung may charm siya, mas charming po ako! Ha! Ha! Ha! Ha! Ayun na lang!
"Iba po siguro. Parang iba, iba yung target namin, e. Mas target po namin yung target ko dito sa mga charity works, kaya ko siya tinanggap. So yun.
"Siguro si Maria Ozawa, kung gusto niyang maka-join din sa amin, why not! Iyun! Pero wala po, wala po akong lamang dun."
Ayaw niyang tapatan si Maria Ozawa?
"Huwag na po. Nag-iisa po siya. Iconic. Hehehe. Hindi, seriously."
Mas bata siya at mas fresh kung ikumpara sa kilalang Japanese model at dating porno actress.
Pag-ayon ni Rhen, "Yon, puwede po. Iba po yung target audience. Iba-iba naman po kami... kung yung mga messaging or kung ano man. Hindi po kasi ako familiar kung ano po yung ine-endorse niya din.
"Andami po ngayong artista na nag-eendorso ng mga online casino app."
Isa nga raw sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang endorsement ng online casino ay dahil magiging involved daw siya sa mga charity works ng naturang kumpanya.
Kaya kasama raw siya sa mga susunod na charity works nito, lalo na sa darating na February na kung saan isi-celebrate na nitong kumpanya ang kanilang third anniversary.
"I’m so excited to be part of this. Iyun naman ang gusto natin, lagi tayong may purpose.
"And to express our heartfelt appreciation, we prepared a special anniversary gift package for 10M members, and we’ll be distributing 10B pesos to members and charitable causes throughout the celebration," sabi pa ni Rhen.
Read: Rhen Escaño finally breaks silence on breakup with Kokoy de Santos
JERRY OLEA:
Masaya na rin si Rhen dahil mas lumaki ang role niya sa Can’t Buy Me Love.
"Nagulat nga din po ako, kasi nung kinast po nila ako, pinaalam lang po nila sa Viva is three taping days. And then naging five, and then pina-book na po nila ako until next year daw. So, eto na nga.
"So dahil pinahaba daw po nila yung character, at may binigay silang story dun sa character, parang ganun.
"And nakapag-taping na ako actually nung mga importanteng eksena. So, may dahilan kung bakit hindi niyo siya masyado nakikita dun sa mga previous na mga scenes before.
"So yun, and happy kasi bumabalik na ulit sa… hindi naman nalaglag sa top ten sa Netflix, and sobrang daming viewers talaga, lalo na ngayon na….
"Wala pa talaga tayo dun, e… As in I swear, papunta pa lang tayo sa exciting part. As in sobrang daming mangyayari," saad ni Rhen.
Kontrabida ba ang papel niya?
Mabilis na tugon ni Rhen, "Secret! Ha! Ha! Ha! Hindi. Para hindi po natin ma-spoil. Sobrang kaabang-abang po siya.
"Kasi kahit ako, never pa po ako nagkaroon ng role na ganito. Na parang hindi natin alam kung ano siya, e.
"Actually nung una, hindi ko alam kung ano siya. Kasi wala naman kami like hindi namin alam ang story kung saan pupunta. Wala kaming finished na script. As in dumadating lang sa amin.
"So nung nalaman ko na magiging ganun ang flow ng story, na-excite din ako. Exciting kasi never ko pang nagawa ang ganitong character. Maraming layers, ganun."
Doon sa Can’t Buy Me Love ay lalong naging close sila nina Donny Pangilinan na matagal na raw niyang nakilala.
"Bago po ako pumasok dun, magkakilala na po kami ni Donny. Kasi may mga common friends din po kami, and may movie sila na lalabas this year, malapit na, 24.
"So, marami po akong kakilala na part nun. Dun kami unang nagkasama… tapos yon, yun po.
"Naging friends kami, bago pa ako pumasok ng Can’t Buy Me Love. So yun, medyo pamilyar na din," sabi pa ni Rhen.
Read: Rhen Escaño totoo umanong may nakitang white lady sa shooting ng horror movie na Marita
NOEL FERRER:
So, gagawin natin iyung 50 pesos sa likod ng cellphone at sana nga ay suwertehin talaga tayo sa Year Of The Dragon na magsisimula sa Chinese New Year, na ang bisperas sa Pebrero 9 ay idineklarang non-working holiday na!
Kaya long weekend sa Chinese Festivities at aariba ang Philippine Feng Shui Queen na si Marites Allen sa kanyang predictions na suwerte ang mga Dragon, Monkey at Rat.
Ingat daw ang Dog. I wonder kung ano ang sign ni Rhen, but good luck na rin!
