PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bagong Pinoy movies, kumusta sa takilya matapos ang MMFF season?

Joel Lamangan: "Bumalik sa dating kalagayang kalunos-lunos ang mga sinehan."
by PEP Troika
Published Jan 21, 2024
Pinoy movies after MMFF season
Joel Lamangan, umapela na sana ay kumilos ang government officials para mapababa ang ticket price sa mga sinehan. Ilan sa mga pelikulang ipapalabas sa mga sinehan ay ang Itutumba Ka Ng Tatay Ko at Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko. Showing naman na ang RoadTrip.

JERRY OLEA:

Naghimutok si Direk Joel Lamangan noong Enero 17, 2024, Miyerkules, sa Facebook kaugnay sa pagtumal muli ng takilya ng mga sinehan.

Bahagi ng FB post ng multi-awarded director, "Pumunta ako at tiningnan ang kalalagayan ng Sineng Pinoy na ipinalabas pagkatapos ng MMFF. Nanlumo ako dahil bumalik sa dating kalagayang kalunos lunos ang mga sinehan. WALANG NANUNUOD!!!!"

Noong Enero 10 ay nag-open sa local cinemas ang My ZomBabe nina Empoy Marquez at Kim Molina.

Noong Enero 17 naman ang opening day ng Raging Grace ni Max Eigenmann, at Roadtrip nina Carmina Villaroel, Janice de Belen, Gelli de Belen at Candy Pangilinan.

Take note na ini-announce ng Star Cinema na as of January 17, Miyerkules ng 3:00 p.m. ay umabot na sa PHP845M ang worldwide gross ng super-blockbuster na Rewind starring Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Read: Marian Rivera, Dingdong Dantes "first and only choice" as lead stars of Star Cinema's Rewind

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakagandang balita na ang DongYan film ay siya nang pinakamalakas ang domestic gross (hindi adjusted sa inflation) sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Kaso, isiniwalat ni Direk Joel na kalumbay-lumbay muli ang eksena sa mga sinehan.

Sa Enero 24 ay magso-showing ang dalawang pelikula kung saan tampok ang yumaong aktor na si Ronaldo Valdez — ang Itutumba Ka Ng Tatay Ko nina Janno Gibbs at Xia Vigor, at ang GG The Movie ni Donny Pangilinan.

Sa Enero 31 naman ang playdate ng Pinoy adaptation ng My Sassy Girl kung saan bida si Pepe Herrera at si Toni Gonzaga na nagdiwang ng ika-40 kaarawan nitong Enero 20, Sabado.

Sa South Korean film na My Sassy Girl (2021), ang bidang babae na gumanap bilang kolehiyala ay 19-anyos pa lamang nang ipalabas ang pelikula.

Sa huling pelikula ni Toni na My Teacher (MMFF 2022) ay high school teacher ang ginampanan niyang karakter.

Tampok si Pepe sa dalawang MMFF 2023 official entries. Gumanap siya bilang Lods sa Rewind, at kaupisina siya ni Matty (Alden Richards) sa Family Of Two (A Mother And Son Story).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Pebrero 7 ipapalabas ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko nina Aga Muhlach at Julia Barretto.

Naging leading lady before ni Aga sa pelikula ang mga tiya ni Julia na sina Gretchen Barretto at Claudine Barretto.

Iyong Pebrero 14 ay hindi lang Valentine’s Day kundi Ash Wednesday rin this year. Showing sa araw na iyon ang Slay Zone nina Pokwang at Glaiza de Castro at I Am Not Big Bird ni Enrique Gil.

Take note na nagpo-promote na rin ang horror comedy na Lisa Frankenstein, kung saan kasama sa cast ang ex-girlfriend ni Enrique Gil na si Liza Soberano.

Pebrero 9, Biyernes ang target release ng Lisa Frankenstein.

Wala pa kaming balita kung kailan ang release nito sa local cinemas. If ever, magsasabong kaya sa Araw ng mga Puso ang I Am Not Bird Bird ni Enrique at ang Lisa Frankenstein kung saan kasali si Liza?

Bida sa Lisa Frankenstein sina Kathryn Newton at Cole Sprouse. Co-stars ni Enrique sa I Am Not Big Bird sina Nikko Natividad, Rod Ollero, at Pepe Herrera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Dominic Roque invites Kathryn Bernardo to his wedding to Bea Alonzo; admits falling out with Daniel Padilla

GORGY RULA:

Maliban sa Roadtrip at Raging Grace, nag-open sa local cinemas noong January 17, Wednesday ang Acid Rain, Anyone But You, Migration, Tokyo Revengers 2 Part 1: Bloody Halloween — Destiny, at Demon Slayer ONSTAGE Mugen Train Arc.

Kasabay ng GG The Movie at Itutumba Ka Ng Tatay Ko sa January 24 playdate ang Miller’s Girl, Skeletons in the Closet, at Our Season.

Makikipagbunuan ang My Sassy Girl sa Argylle, Jackdaw, Priscilla, The Book of Clarence, at The End We Start From sa Enero 31.

Kalaban ng Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko on February 7 ang No Way Up, Mean Girls, Tokyo Revengers 2 Part 2: Bloody Halloween — Final Battle.

Nasa February 14 playdate din ang Death Whisperer at Madame Web.

Bahagi pa ng recent Facebook emote ni Direk Joel, “Natapos na ang MMFF, unti unting nawala na din ang manonood ng pelikula. Maraming dahilan ang sinasabi-

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"1) katatapos lang daw ng gastusan 2)Pagod pa ang mga tao dahil sa nakaraang pasko at bagong taon 3) Wala ng selebrasyong idinadaos kaya walang tao sa sinehan 4) Nagsawa na ang tao sa panonood ng sine pagkatapos ng Pasko at Bagong taon 5)Hindi exciting ang mga ipinalabas na sine nitong nakaraang Pasko.

"Ano ba talaga ang dahilan? Gayong noong mga nakaraang taon at panahon ay pinag-aagawan ang playdate na pagkatapos ng MMFF. Kumita ang banyaga at Pilipinong sine na ipinalabas..."

Joel Lamangan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinaing ni Direk Joel, mataas pa rin ang presyo ng tiket sa sinehan, hindi abot ng karaniwang Pilipino na manonood.

Aniya, "Walang ginagawang hakbang ang pamahalaan upang mapababa ang halaga ng panonood ng mga obra ng mga manlilikhang Pinoy.

"Sinigaw ko na dito sa facebook ang suliraning ito. Naraming sumangayon. Kinakailangan ang sama samang pagkilos upang gulantangin ang kinauukulan para maibalik ang pinakamurang uri ng entetainment sa tao.

"Hindi kaya ng ordinaryong mangagawa, mangingisda, tindera, empleyado, estudyante, atbp mahina ang kita ang halaga ng tiket.

"Kaawawa ang Industriya ng Pelikulang Pilipino, kailangang tulungan ng pamahalaan sa pamagitan ng Kongreso na gumawa ng batas na mag re regulate ng presyo ng tiket sa sinehan.

"Kung nagagawa ito sa ibang produkto kagaya ng asukal, bigas, bawang, sibuyas atbp ang sine ay importanteng pagkain ng isip at puso ng manonood na Pinoy! Sa ibang bansa ay nagagawa ito.

"Sana ay magawa din dito sa atin! Sama sana tayong manawagan sa mga kinauukulan, lalong lalo na doon sa mga nangaling sa Industriya ng sineng Pilipino!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kundi man ay manawagan sa Pangulo upang matulungan ang ating mahal na industriya.

"Sana ay maibalik sa 150 o 200 pesos ang halaga ng tiket!

"Ibalik natin ang mga panahon na dinudumog ng tao ang sinehan para sa kanilang ‘entertainment’ KAILANGAN ANG SAMA SAMANG PAGKILOS!!!!!!!!"

Read: Gelli de Belen recalls showing proof of John Estrada's "red flag" to sister Janice de Belen

NOEL FERRER:

Una, magandang kalidad. Ikalawa, tamang playdate na sana may pera pa ang mga tao. Ikatlo, isama na ang awareness at promotion.

Sana, nabigyan ng kaukulang pansin ang mga ito sa mga ilalabas na pelikula. Kahit tayo’y umikot din, at parang hindi na naman nagkukunek ang ibang pelikulang palabas sa mga tao.

Mukhang kailangang magdiyalogo nang masinsinan. Pag-usapan ang hinaharap na sitwasyon natin. At sama-samang kumilos at magtulungan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joel Lamangan, umapela na sana ay kumilos ang government officials para mapababa ang ticket price sa mga sinehan. Ilan sa mga pelikulang ipapalabas sa mga sinehan ay ang Itutumba Ka Ng Tatay Ko at Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko. Showing naman na ang RoadTrip.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results