GORGY RULA:
Nabuo na pala ni Ogie Alcasid ang kuwento ng musical play na matagal na niyang pinaghandaan.
Bago pa ang pandemic ay naikuwento na sa amin ng singer-songwriter na may pinaplano na silang musical play kagaya ng sa Apo Hiking Society, Aegis at Eraserheads.
Pero naantala lang dahil sa pumasok ang pandemic at may mga iba pang musicals na nasimulan na. “
"Naudlot nang naudlot. Kasi ang daming naglabasan na musical. Parang tuma-timing din ako na… it has to be the right time to do it," pakli ni Ogie.
Nakatsikahan namin si Ogie sa nakaraang press interview niya para sa promo ng Valentine concert nila ni Odette Quesada na Love Q&A.
Ayaw pa ni Ogie sabihin kung ano ang title ng musical play na ito, at ang iba pang detalye. Pero isinalaysay na niya ang kabuuan ng kuwentong isinulat niya at pinulido pa ng kanilang writer.
Aniya, "The story is about this middle-aged songwriter who lost everything. Nalaos na siya, and kasi nung bata siya meron siyang bandang sobrang sikat nung late 80s, early 90s.
"Ngayon yung lead singer nung bandang iyun, girlfriend niya. Nabuntis niya. Pero yung ginawa nung girlfriend niyang yun, yung lead singer, she ran away with the drummer and left.
"So, naiwan sa kanya yung bata. Ang pangalan nung bata is Himig, babaeng singer. Siyempre, na-disband sila, malala yung nangyari sa kanya.
"Now that he’s middle-aged, yung bata gustong maging singer. Pero sa kanya, parang never! 'Look what happened to me, and then nasawi ako dahil sa music. Kahit anong gawin mo, huwag lang music.'"
Base sa kuwento ni Ogie, bibida sila ng misis na si Regine Velasquez sa ginagawa niyang musical play.
Patuloy ni Ogie sa kuwento ng musical: "E, wala, mahilig. Nanalo sa kung anu-anong…So ang nangyari, sumikat yung bata sa school.
"E, yung teacher niya ang sabi, 'Ang galing-galing mo naman. Sana ikaw na lang yung representative sa national singing contest.'
"Naku, hindi papayag yung tatay. Sino ba yung tatay mo? Si ganito, ganyan, si Roger. Ah si Roger, yung lead singer ng ano? Fan na fan ako nun.
"Yung teacher… actually, yung character na yun is Regine’s character. Kakausapin, ako yun… siyempre pinuntahan ako.
"Bakit kayo nandito? Siyempre nagandahan ako dun sa girl. E, kasi po yung anak nyo, magaling kumanta.
"Ha? Hindi puwede ganun-ganun. Until na-convince niya ako. Siyempre, nagkagustuhan na kami nung teacher.
"Tas, nung sumikat ngayon yung bata, dumating ngayon yung nanay. And that’s when the complication starts."
NOEL FERRER:
Ang A Team ni Ogie ang magpu-produce nito. Kaya pinaghahandaan nila nang maayos bago nila ito simulan sa susunod na taon.
May mga naisip na raw silang posibleng gumanap na si Himig.
"Madaming layers. So, that’s in my mind when I wrote it. And then I gave it to the writer, mas gumanda pa.
"I’m planning to play the guy."
Ilan sa mga naiisip ni Ogie na puwedeng gumanap na Himig ay ang Tawag Ng Tanghalan Kids 2017 finalist na si Sheena Belarmino o kaya ay si Jayda Avanzado.
Dugtong ni Ogie, "Tapos may ka-loveteam yun siyempre. Very Pinoy. And I have to write new songs.
"So, maraming mga eksena dun na nangangailangan ng bagong kanta. Siyempre, lahat ballad, e.
"Siyempre may mga eksena ka na may sayaw-sayaw. It’s a very, very exciting project, but at the same time, it’s very scary. Kasi ako rin ang magpu-produce. I’m investing also. And so, it’s a daunting task.
"What I’m doing from this… itong month na ito hanggang magtuloy yun, is I’m doing more collabs with younger artists. So, meron akong mga sinulat na bagong kanta na iko-collab ko.”
Read: Ogie Alcasid, handa na kung magpapakasal ang anak na si Leila?
JERRY OLEA:
Sino sa mga batang artists ang gusto niyang maka-collab kung sakali? May ilang mahirap daw kausap, kaya hindi na lang niya pinu-push.
"Meron mga mahirap kausap, ano? Kung ayaw mo, huwag, di ba? But I have some people in mind. I still not have really spoken to their managers. I’ve spoken to them verbally.
"Like si Adie, I’ve spoken to him, I’ve spoken to taga-Viva, si Arthur Nery. I’d like to work with Zack, too," sambit ni Ogie, na ang tinukoy na Zack ay si Zack Tabudlo.
Bukod sa paghahanda ng musical play, tuluy-tuloy daw sila sa pagpu-produce ng concerts.
"We are more focused really on producing concerts. This year, we’re producing a Vhong-Ogie concert.
"Then, we’re producing birthday concert for me in August. And hopefully, a Martin Nievera concert, November. Hopefully.
Magpo-produce rin daw sila ng panibagong concert para kay Lara Maigue at Gian Magdangal.
Sa ngayon ay pinaghahandaan pa niya ang Love Q&A concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa February 14 at 15. Pero mauuna muna sa Nustar Convention Center sa Cebu City.
Read: Ogie Alcasid inaming wala sa script ang tanong sa ShaGab na "Mahal niyo pa ba ang isa't isa?"
