GORGY RULA
Nasagap ng PEP Troika na ngayong Martes, Enero 23, 2024, ay maglalabas ng announcement ang GMA-7 kung sino ang Kapuso artist na idadagdag sa second season ng Running Man Philippines, na nagti-taping na ngayon sa South Korea.
Read: Running Man PH members sumabak agad sa mission paglapag sa South Korea
Wala pang sinasabi kung sino ito, pero may mga lumulutang na pangalan. Kahit clue ay walang sinasabi sa amin dahil sa pinirmahang Non-Disclosure Agreement (NDA).
Hindi na kasi nakasali si Ruru Madrid dahil sa tuluy-tuloy ang taping niya sa Black Rider.
Pero ang sabi naman ng ilang napagtanungan namin, hindi raw kapalit kay Ruru itong ipapasok na Kapuso artist. May posibilidad din kasing sumaglit si Ruru sa South Korea para sumama sa kanilang pagtakbo kahit para sa isang episode lang.
Lahat ng ito ay usap-usapan pa lamang dahil wala talagang ibinigay na ideya ang mga taga-Running Man Philippines.
Basta tuluy-tuloy ang taping nila, ang pagtakbo ng runners na sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, at Angel Guardian.
Read: Glaiza de Castro, Buboy Villar, at Kokoy de Santos papalitan kaya sa Tahanang Pinakamasaya?
May narinig din kaming nandoon na raw sa South Korea ang ipapasok na Kapuso artist, pero hindi pa alam ng anim na runners na merong idadagdag na sasali sa kanilang pagtakbo at pagharap sa iba’t ibang challenges.
Ang kaibahan ngayon sa Season 2 ng Running Man PH ay tumatakbo sila sa gitna ng pag-ulan ng niyebe at kung paano nila matagalan ang sobrang lamig.
Iyan ang kaabang-abang sa pangalawang season ng Running Man Philippines.
NOEL FERRER
Sana naman, kung sinuman ang mapiling kapalit ni Ruru sa Running Man PH ay kakitaan din ng matinding potensiyal para sumikat at maging formidable bida sa mga project like Ruru mismo.
Sana, maging maayos ang daloy ng taping abroad kasi alam natin ang challenges kapag nagsu-shoot abroad.
Mabuhay ang masisipag na manggagawang Pilipino talaga!
JERRY OLEA
Hindi puwedeng iwan ni Ruru ang Black Rider, lalo pa’t nananatili itong taob sa FPJ’s Batang Quiapo.
Andaming nag-post sa socmed na kesyo kalahok sa Running Man PH si Miguel Tanfelix, pero hindi pa raw si Miguel ang ia-announce na Kapuso artist na nasa South Korea.
Nakakaintriga kung sabihing si Miguel ang kapalit ni Ruru. Kasi, sa puso ni Bianca Umali, si Ruru ang kapalit ni Miguel, di ba?
