PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anthony Rosaldo on Lack of Top Stars from GMA-7's The Clash

Kapuso singer Anthony Rosaldo magkakaroon na ng solo concert.
by PEP Troika
Published Jan 25, 2024
anthony rosaldo concert
Kapuso singer Anthony Rosaldo will finally have his solo concert titled Switch Anthony Rosaldo Live In Concert to be held in Music Museum on Jnauary 31, 2024.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Finally, matutuloy na ang solo concert ng The Clash Season 1 finalist na si Anthony Rosaldo.

Matagal na raw pinangarap ni Anthony magkaroon ng solo concert at tamang timing naman na pagkatapos ng first musical na sinalihan niya, Ang Huling El Bimbo, ay nabigyan siya ng break magka-solo concert.

Read: Ang Huling El Bimbo star Anthony Rosaldo gets dinner date offer for PHP50K

Pinamagatan itong Switch Anthony Rosaldo Live In Concert na gaganapin sa Music Museum sa January 31, 2024.

Special guests ni Anthony sina Rita Daniela, Gian Magdangal, Khalil Ramos, at Menchu Lauchengco-Yulo, na malaki ang kinalaman sa kanyang journey bilang mang-aawit.

Lalo raw siyang na-inspire nang mag-guest siya sa Queendom concert nina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, at Hannah Precillas.

Read: The Queendom to rule them all: Kapuso queens reign supreme at debut concert

“Sobrang inspired po ako. Happy ako kasi mostly lahat sa Queendom, first time mag-concert, at ang gagaling nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakita ko kung paano sila sinuportahan ng mga fans. Sinuportahan talaga sila one hundred percent.

“So, I was so happy na, yun nga, hindi natakot yung mga tao to go out and support their idols. Kaya medyo lumakas din yung loob ko na mag-concert,” pakli ni Anthony nang nakapanayam namin sa media conference niya na ginanap sa Fin and Claw, Quezon City, nung Martes, January 23.

Sabi pa ni Anthony, baka maging emotional siya kapag nakasama na niya sa entablado si Ms. Menchu Lauchengco-Yulo dahil ang laki raw ng naitulong nito sa kanya nang nagsisimula pa lang siya sa theatre, kung saan nabigyan siya ng pagkakataong gampanan ang role ng young Hector sa Ang Huling El Bimbo.

Malaki rin daw ang naitulong sa kanya ni Gian Magdangal na isa sa iniidolo niya pagdating sa pag-perform sa entablado. Ang laki raw ng naimpluwensiya sa kanya ni Gian.

“Malaking influence sa akin, bilang wala akong theater background, since zero talaga. I think, si Kuya Gian Magdangal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi siya yung nauna sa akin, parang pareho kami. Nag-TV din siya, galing din ng GMA-7. Magaling din siyang singer and actor.

"So, I look up to him so much and he’s been my guidance the whole journey.

“Parang siya yung, ‘Ganito yung gawin mo, mas maganda ganito atake mo.’ Lahat, every step, meron akong sinasandalan.

"Pag may questions ako, nandiyan siya. Hindi siya madamot na co-actor.”

Pagkatapos ng Switch concert ay magsisimula na siyang mag-rehearse sa Rent, kung saan gagampanan niya ang bidang role na si Roger.

“Na-cast po ako as Roger sa Rent, yung Broadway musical na may Philippine staging. So, na-cast ulit ako na lead.

"So, yun. Dun uli naka-focus yung first half of my schedule.”

NOEL FERRER

Hiningan na rin ng reaction si Anthony Rosaldo na ilang taon nang nagbibigay ng magagaling na singers ang The Clash, ang singing competition ng GMA-7, pero bakit wala pa talagang sumisikat na nakilala sa kanilang galing kagaya nina Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Erik Santos, Christian Bautista, Mark Bautista, Angeline Quinto, at KZ Tandingan na galing din sa iba’t ibang singing competitions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Anthony ay naging finalist sa first season ng The Clash, kung saan ang hinirang na champion ay si Golden Cañedo.

Ang mga sumunod na grand champions ng The Clash ay sina Jeremiah Tiangco (Season 2), Jessica Villarubin (Season 3), Mariane Osabel (Season 4), at John Rex (Season 5).

Pananaw ni Anthony, “Para sa akin, tama yung timing.

"Pero magpa-five years na ako sa GMA. Ang masasabi ko, hindi puwedeng iasa lang sa competition o sa title na nakuha mo from the contest.

“Also, it has to come from yourself. Hanap ka ng puwede mong gawin.

"Like for myself, yung una kong theater debut, yung musical ko. It helped a lot sa career ko at mas nakilala ako.

“I think para sa akin, ang next goal ko, para sa akin, para mas umariba pa ang career ng isang singer na galing sa competition, dapat may kantang sumikat. Kahit isang kanta lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s my greatest dream sa music career ko… to have one song na kantahin nila. Yung, ‘Ay, si Anthony, kanya niya to.’

“It’s just one song. Kung magkaroon ka nun… hindi ko masabi kung kailan kasi ang dami ko na ring na-release na kanta,” saad ni Anthony.

Kaya hindi raw siya sumusuko. Nandiyan pa rin daw ang matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng kahit isang hit song lang.

“Iyon yung sinasabi sa akin ni Kuya Christian Bautista. Ang sabi niya, ‘Maglabas ka lang always. Kasi walang perfect ano, e… walang perfect ingredients para sa isang song na maghi-hit. Hindi mo masabi.’

“Ang iba nga, hindi pa sila singer, nagkaroon sila ng hit song. Paano? Hindi natin alam.”

After this concert, nakaka-excite ang pagkakasama ni Anthony sa isang musical after Ang Huling El Bimbo. Siya’y gaganap bilang Roger, isang struggling musician na HIV-positive at ex-junkie sa Rent.

Aabangan natin iyan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Sa totoo lang, takaw-pansin ang suot ni Anthony Rosaldo sa mediacon. Lubhang makulay!

anthony rosaldo colorful outfit

Pahiwatig ba iyon na colorful din ang outfits niya sa kanyang unang major solo concert, o magiging colorful ang kanyang career o love life this year?

Nawa’y maging maligaya nang lubos si Anthony! Di ba, Miss L?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso singer Anthony Rosaldo will finally have his solo concert titled Switch Anthony Rosaldo Live In Concert to be held in Music Museum on Jnauary 31, 2024.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results