JERRY OLEA
As expected, nilampasan ng Rewind ang worldwide gross ng Hello, Love, Goodbye (2019) na PHP880.6M.
Ini-announce ng Star Cinema sa socmed na as of January 26, Friday, ay PHP889M na ang global gross ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Itong Rewind ang pinakamalakas na pelikula base sa domestic gross at worldwide gross — hindi adjusted sa inflation.
Ito siyempre ang pinakamalakas na pelikula sa kasaysayan ng Metro Manila Film Festival.
View this post on Instagram
Inaasahang aabot sa PHP1B ang worldwide gross ng DongYan film, na still showing sa mahigit 270 sinehan sa Pilipinas, USA, UAE, Canada, New Zealand, Australia, Singapore, Guam, at Saipan.
Tampok ang Rewind at iba pang entries ng MMFF 2023 sa inaugural Manila International Film Festival (MIFF) sa Enero 29-Pebrero 2 sa Los Angeles, California.
NOEL FERRER
Go for P1B! Ganyan ang pagtsi-cheer na ating mga kababayan para sa pelikulang Rewind.
Kayang-kaya pa niyan dahil kasisimula pa lang ng kanilang international screenings. Hindi pa kasama ang ancilliary rights sa iba’t iba pang streaming platforms!
Masaya tayo sa mararating ng pelikulang ito at inaabangan na ito sa darating na Manila International Film Festival next week.
Antabayanan ang ating mga nangungunang reports sa PEP Troika mula sa Los Angeles!
GORGY RULA
Masaya siyempre ang mga Kapuso sa tagumpay ng DongYan movie.
Bonggang-bongga ang rating ng pilot episode last Saturday ng kanilang weekly sitcom na Jose & Maria’s Bonggang Villa 2.0.
Patuloy na rumaratsada ang Family Feud na hinu-host ni Dingdong, at inaabangan na ang tambalan nina Marian at Gabby Concepcion sa My Guardian Alien.
