JERRY OLEA
Pinatawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng 12-day suspension ang noontime show na It’s Showtime last year.
Nag-umpisa iyon noong Oktubre 14, at nagtapos noong Oktubre 27, 2023.
Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days
Mula nang bumalik sa ere ang It’s Showtime noong Oktubre 28, marami pa bang reklamo rito?
“Ay, so far, wala. Very cooperative din sila,” sabi ni MTRCB Chairperson Lala Sotto sa courtesy call ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) nitong Enero 30, Martes ng hapon, sa tanggapan ng MTRCB sa Timog Avenue, Quezon City.
Nagko-courtesy call sa MTRCB ang iba’t ibang TV program.
“Yes, yes, yes. I’m very thankful. Kasi, cooperative sila lahat. They’ve been very cooperative,” lahad ni Chair Lala.
“So I also want that kind of relationship with all our stakeholders, to have an open communication. And we’re here to guide them.
“We’re not here to police them. We’re here to — yes, of course, we will continue to uphold our mandate, which is to protect children from content that they are not supposed to see.
“But we are also here to work with the television and the movie industry.”
Paano niya ia-assess ang nakaraang taon ng MTRCB, considering na tuluy-tuloy ang mga programa nila sa kabila ng mga isyu?
“Ay! Successful! Ha! Ha! Ha! How would I assess the past year? We didn’t even notice na naka-one year na pala kami sa dami ng programa ng MTRCB,” sambit ni Chair Lala.
“And we just do our job. We come in, do our job, and that’s about it. Pero hindi na namin napansin. Kasi we’ve been so busy really tending to our stakeholders.”
Naapektuhan pa ba siya sa mga online panawagan noon na mag-resign?
Read: MTRCB Chair Lala Sotto denies conflict of interest; ignores calls to resign
“Right naman nila na manawagan ng gusto nila. Pero right ko rin sundin kung ano yung sa palagay ko ang tama,” pagmamatwid ni Chair Lala.
“At gagawin ko yung sa palagay kong tama, no matter what others say.”
Ano na nangyari sa mga pagbabanta sa kanyang buhay?
“Wala na. Natigil naman sila. Wala na. Praise God, wala na,” napangiting tugon ni Chair Lala.
Nagkita na ba sila ni Vice Ganda matapos ang suspension sa It’s Showtime? O nag-iiwasan sila?
“Personally I have never met Vice.”
Magkakilala ba sila?
“No.”
Nag-courtesy call na ba sa MTRCB ang grupo ng It’s Showtime?
“No, but we are in constant communication, and very cooperative ang Showtime production,” paglilinaw pa ni Chair Lala.
“Super-OK sila ngayon. Super-OK sila. Cooperative sila, they’ve been working with us.”
Maingat na talaga ang It’s Showtime?
“I’d like to believe so. I’d like to give them that credit also.”
Isiniwalat ni Chair Lala na gusto niya ang isang segment sa It’s Showtime. Nae-enjoy raw siyang manood ng "EXpecially For You."
GORGY RULA
Kahit iyong Tahanang Pinakamasaya ng GMA-7, noon pa man ay nag-iingat para hindi ma-call out.
“Ganun lang naman kadali yun. It doesn’t matter what show, as I’m sure you have observed,” pahayag ni Chair Lala.
“We’ve already proven that. It doesn’t matter. Kung may violation, we will treat it normally. There’s a process.”
Napagdesisyunan na ba iyong kaso ni Wally Bayola na nakapagmura ito off camera? Agad itong nag-sorry sa nangyari.
Read: MTRCB summons 'E.A.T.' for violation following Wally Bayola’s swearing in "Sugod Bahay"
“They were given a warning. Nag-public apology agad siya, and he wasn’t even on camera.
“The decision on that, matagal na. Over two months ago,” sabi ni Chair Lala.
“Marami naman talaga kaming puro warning. Huwag lang talaga kasi yung paulit-ulit, tapos may grave misconduct.”
Nagkita na ba sila ni Wally after that incident? “Hindi pa.”
May certain number of warnings ba bago nila suspendihin ang isang programa?
“We don’t have an A to Z but… hindi naman puwedeng paulit-ulit. And remember, I am not the MTRCB. I have a board.
“We have an Adjudication Committee, which I am not part of.”
Ipinagtapat ni MTRCB Chair Lala na minsan ay nagkakasabay pa ang meeting nila sa mga taga-Eat Bulaga! at taga-It’s Showtime.
“Magkakasabay ang meeting. Walang special treatment na solo ang Eat Bulaga!. No, magkasabay kaming mag-meeting together para isahan na lang,” pagtatapat ni Chair Lala.
“Because iisa din lang naman yung paalala at guidance sa kanila because pareho sila.”
NOEL FERRER
Natuwa ang Legit Dabarkads na napunta na uli kina Tito, Vic & Sotto ang Eat Bulaga!.
“Rightfully so,” sambit ni Chair Lala.
Tahimik lang siya tungkol doon habang “nag-aagawan.” Ano ang naramdaman niya nang manalo ang TVJ?
Read: TVJ: "Bali-baliktarin man ang mundo, ito ang Eat Bulaga!"
“Siyempre, masaya. Pasasalamat sa Panginoon na naibalik sa kanila ang dapat, ang nararapat. Na naging tama ang desisyon. I think that’s natural.
“Majority of the televiewers, majority of the Filipinos, I like to believe, would agree with me on that,” sagot ni Chair Lala, na daughter ni Tito Sotto.
