PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anthony Rosaldo: Menchu Lauchengco-Yulo's Major Influence

Anthony Rosaldo, sasalang na sa kanyang solo concert.
by PEP Troika
Published Jan 31, 2024
anthony rosaldo menchu lauchengco yulo
Anthony Rosaldo on mentor Menchu Lauchengco-Yulo (right): “Every time na sasampa ako sa stage, hinahanap ko po siya bago ako mag-start. Hinahanap ko yung yakap niya, yung assurance niya na magagawa ko yung show... So, siya po yung person na hinding-hindi ko po makakalimutan na bumuo po sa akin as a theatre actor. Si Ms, Menchu po yun."
PHOTO/S: @theanthonyrosaldo on Instagram

GORGY RULA

Ngayong Miyerkules ng gabi, January 31, 2024, na ang first solo concert ng tinaguriang "Kapuso Pop Rocker" na si Anthony Rosaldo.

Gaganapin ang concert niyang pinamagatang Switch: Anthony Rosaldo Live in Concert sa Music Museum.

Special guests niya sina Rita Daniela, Gian Magdangal, Khalil Ramos, at Menchu Lauchengco-Yulo.

Malaki ang bahagi sa singing career ni Anthony ang mga special guest niya. Pero sa tingin daw niya, magiging emotional siya kapag makakasama na niya sa entablado si Ms. Menchu Lauchengco-Yulo.

Sa nakaraang media conference ni Anthony para sa naturang concert, ibinahagi niya kung ano ang malaking tulong na ibinigay sa kanya ng iginagalang na theatre actress.

Read: Anthony Rosaldo, sinagot kung bakit wala pang sumisikat nang todo mula sa The Clash ng GMA-7

Naging bahagi si Anthony sa musical na Ang Huling El Bimbo, at aminado siyang talagang nahirapan siya. Pero nalagpasan niya ito at hindi siya sumuko dahil sa paggabay sa kanya ni Ms. Menchu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salaysay ni Anthony, “Wala po talaga akong kilala sa theatre world kung sino po yung tinitingala, sino yung kilala, sino yung kilala, sino yung nirerespeto, yung talagang iniidolo.

“So coming in, nakita kong very regal, very elegant, prim and proper, maganda, which is Ms. Menchu Yulo.

“Ang alam ko lang napanood ko siya sa Ang Huling El Bimbo when she did older Joy. Dun ko lang po siya kilala.

“Nung nag-start na po kaming mag-rehearsal, talagang… I saw how everyone respected Ms. Menchu. And nakuha rin niya agad yung respeto ko kasi may command siya talaga. She was the associate director ng Huling El Bimbo.

“So being the newbie po, ang dami kong hindi alam sa teatro. Ang una kong background, zero po ako sa lahat ng terms, lagi po akong napapagalitan.

“As in napapagalitan po ako nang malala. I got super pressured. Gumigising po ako with panic attacks, as kinakabahan ako… one hour na lang pupunta na ako sa Newport, magri-rehearse na kami. Sobra pong kaba ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Just to pacify me, para gumaan po yung loob ko, nakikinig po ako ng mga motivational speeches sa YouTube, nakikinig po ako ng mga Bible verses.

"Kasi maggi-give up na ako, malapit na. Kasi nahihiya talaga ako, ang gagaling po nila lahat.

“As in yung mga ensemble, ang gagaling. Pag tinuro mo yung sayaw, ang pick nila, ang bilis. So, ako po, parang nawawala na yung confidence ko as in lubog na lubog na po ako. Ganun po yung naranasan ko.

“I had alopecia po, nagkaroon ako. First week, pero okay na siya ngayon, tumubo na. So, parang defeated po ako nang sobra.

“Pero parang hindi dahil sa pa-give up na ako. Pero lalaban pa rin po ako.

"Pero kinailangan ko ng isang person na magsasabi sa akin na, 'Kaya mo yan. You can do it. I’m proud of you.' Si Ms. Menchu po yun.

“So what she did for me… hindi niya po kailangang gawin. Pero nag-allot po siya ng one hour every rehearsal namin, para mag-one on one kami. Ituro sa akin ang lahat ng need ko matutunan sa theatre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And she doesn’t do that. Never does that for a theatre actor. Tinutukan niya po ako.

“One hour before we start, yung buong rehearsals, every day. As in we rehearse po ng 2-9 p.m. So, papasok po ako ng 12, kasi 1 mag-start kami.

"So, ganun niya po ako tinutukan, and kung wala po siya, baka hindi po ako nakapag-show nung opening.

“Ganun po siya ka-helpful sa akin, and nung time kailangan ko marinig yung ‘Kaya mo yan, nandito lang ako. Siya po yun.’”

NOEL FERRER

Sa 60 shows ng Ang Huling El Bimbo, naka-58 daw si Anthony. Yung dalawang araw na wala siya ay nung nagkasakit daw siya.

Pero tuwing nagpi-perform daw siya, kailangan daw niya talaga ng pampalakas ng loob, at si Ms. Menchu daw yun.

Kuwento ng Kapuso singer, “Every time na sasampa ako sa stage, hinahanap ko po siya bago ako mag-start.

"Hinahanap ko yung yakap niya, yung assurance niya na magagawa ko yung show, kasi sobrang hirap po mag-teatro at ang hirap po nung role na binigay sa akin, si young Hector.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At wala po talaga akong alam. So, siya po yung person na hinding-hindi ko po makakalimutan na bumuo po sa akin as a theatre actor. Si Ms. Menchu po yun.

“Hindi ko makakalimutan yung sinabi niya, ‘As long as you’re true to yourself and your showing the truth dun sa karakter mo, na hindi mo inaarte, na nanggagaling siya sa puso mo, maganda yung kalalabasan ng eksena na gagawin mo.’

"Kasi akala ko nun ano, e, pag na-deliver mo na, na-acting mo na, okay na.

“Sa kanya, hindi po, e. Hindi kami tumigil until naramdaman niya na totoo po yung karakter ko na ako po si Hector.

"So, hindi ko po makakalimutan yun. Always, dapat truth yung nararamdaman mo. Kasi it will show.”

Basta excited ako aside from this concert, sa bagong musical ng Parokya ni Edgar with Anthony Pastorpide, este, Rosaldo pala!

JERRY OLEA

Bukas, February 1, ay kaarawan na ni Anthony. Kaya sasalubungin na niya sa kanyang concert ngayong gabi ang kanyang kaarawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayaw niyang sabihing birthday concert niya ito dahil mas gusto raw niyang mag-focus sa switch ng kanyang singing career, na mas nag-focus na raw ngayon sa entablado bilang isang theatre actor.

Bet ni Anthony na gumawa ng musical kahit once a year.

Sey ni Anthony, “Na-open ako sa iba-ibang mga tao, sa corporate people na would be okay. Ang laki ng nagawa sa akin ng theater at sobrang dami ng opportunities. May brands na lumalapit sa akin.

“Mas marami, after ko mag-Huling El Bimbo. Parang malaki ang natulong niya sa akin. Ang promise ko kahit once a year mag-musical theater ako.”

The Switch is on!

Sa makulay na paglalakbay ni Anthony sa kanyang career, mukhang nahanap na nga niya ang truth para sa pag-awit ng kanyang puso!

Sing and dance to your heart’s delight, Anthony!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Rosaldo on mentor Menchu Lauchengco-Yulo (right): “Every time na sasampa ako sa stage, hinahanap ko po siya bago ako mag-start. Hinahanap ko yung yakap niya, yung assurance niya na magagawa ko yung show... So, siya po yung person na hinding-hindi ko po makakalimutan na bumuo po sa akin as a theatre actor. Si Ms, Menchu po yun."
PHOTO/S: @theanthonyrosaldo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results