GORGY RULA
Nag-face reveal na si Cavite Congressman Jolo Revilla ng baby girl nila ng misis niyang si Angelica Alita Revilla — si Lauren Angela Alita Revilla.
Iniluwal ni Angel ang panganay nilang anak noong January 30, 2024, Martes ng 9:28 p.m., at normal delivery ito.
May timbang na 7 pounds at 12 ounces, at haba na 21 inches ang baby.
Read: Congressman Jolo Revilla and wife Angelica Alita welcome healthy baby girl
Sabi pa ni Cong. Jolo sa kanyang IG account, “Will be posting our journey video on our next post.”
View this post on Instagram
Bago nanganak si Angel ay nag-Facebook live pa si Cong. Jolo sa hospital habang nagli-labor ang asawa.
Nung oras na iyon ay 17 hours na raw na nagli-labor si Angel. Pero cool pa rin si Angel kahit nakikitang medyo nasasaktan ito kapag nagkakaroon ng contractions.
Ipinapanalangin daw nilang huwag nang tumagal pa ang pagli-labor ng kanyang asawa, at baka isasailalim na siya sa cesarean section.
Mabuti at naging normal naman kaya nagpapasalamat sila sa lahat ng nagdasal para sa safe na panganganak ni Angel.
Congratulations kina Cong. Jolo at Angelica Revilla!
NOEL FERRER
Isa sa sobrang natuwa siyempre ang lolo na si Senator Bong Revilla.
Kuwento ni Sen. Bong, “Nasa office ako nung tumawag sa akin. Actually, nasa meeting before our session.
“Nagulat nga yung mga ka-meeting ko dahil hindi ko ma-contain yung tuwa, lalo na nung ipinakita na nila sa akin sa video.
“May bagong baby girl Revilla na naman. Lolo na naman ako! Hahaha! I’m so happy for Jolo and Angel. Especially na matagal nilang hinintay itong blessing from God.”
Read: Jolo Revilla at Angelica Alita, nagbunga ang pagmamahalan pagkatapos ng apat na taon
Doble excitement din dahil aligaga pa si Sen. Bong sa promo ng season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na magsisimula na sa February 4, Linggo ng 7:15 p.m.
Pahabol pa na balita ni Sen. Bong na magkakaroon sila ng motorcade sa Linggo ng hapon sa Taguig at Muntinlupa hanggang San Pedro, Laguna.
Makakasama niya ang co-stars sa naturang action-comedy, at gagawin daw nilang parang piyesta ang parada bago ang airing ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

JERRY OLEA
Ander de saya pa rin si Tolome (Sen. Bong Revilla) sa Season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
Ang kaibahan, magiging pulis ang misis niyang si Gloria (Beauty Gonzalez), samantalang nasuspendi sa serbisyo si Tolome.
“Marami kaming twist sa story na ipapakita at maraming matutunan na aral,” sabi ni Sen. Bong sa recent mediacon sa Seda Vertis North hotel, Quezon City.
“So, yun ang goal natin, hindi lang tayo magpapatawa at magpapakita ng malaking aksyon, may mga moral lesson din na mapupulot dito sa ating proyekto.”
Maliban kina Sen. Bong at Beauty, nasa cast ng Season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis sina Carmi Martin. Jestoni Alarcon, Ejay Falcon, Liezel Lopez, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, at Raphael Landicho.
Kasama rin dito sina Nikki Co, Angel Leighton, Jeffrey Tam, Max Collins, Kelvin Miranda, Herlene Budol, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Celeste Cortesi, Mika Salamanca, at Sanya Lopez.
May special participation sina ER Ejercito, Roi Vinzon, Jay Manalo, Ramon Christopher Gutierrez, Antonio Aquitania, Brent Valdez, MJ Ordillano, at Michael de Mesa.
