JERRY OLEA
Bago pa magpandemya ay gumigiling at kumakaldag na nang topless ang mga lalaki sa delegasyon ng Genaro Tribe sa fiesta ng Santo Niño sa Tondo, Manila.
Lakbayaw (lakbay + sayaw) ang parada ng napakaraming Batang Hesus, na may mga grupong humahataw nang ilang oras.
Natigil iyon ng tatlong taon (2021 hanggang 2023) dahil sa paglaganap ng COVID-19.
Sa pagbabalik ng Lakbayaw noong Enero 21, 2024, ang paandar ng Genaro Tribe ay sinabing mahalay ng maraming netizens. Nakakaiskandalo raw.
Naglabas ng statement ang parokya, at sinabing wala iyong kaugnayan sa simbahan, at hindi kinukunsinti ng parokya ang ganoong gawain. Hindi raw rehistrado ang Genaro Tribe sa mga opisyal na kasali sa Lakbayaw.
Nakausap ko tungkol dito ang indie actor na si Juan Calma, na isa sa mga takaw-pansin sa entourage ng Genaro Tribe.
Read: Juan Calma lets it all hang out in his first two movies: "Laban lang!"
2017 pa naimbitahan si Juan na lumahok doon, pero sobra siyang mahiyain noon, at hindi marunong sumayaw. Natuto lang talaga siyang sumayaw ay sa TikTok.
2020 siya first time sumali, at ang second time ay sa pagbabalik nito this year.
“Kung ako naman po ang tatanungin tungkol dun sa pahayag ng simbahan, e, wala din po kasi tayo talagang ano dun,” malumanay na lahad ni Juan sa isang event ng Ultimate King of Runway 2004 noong Enero 26, Biyernes ng gabi, sa MOF Cafe, F. Manalo St., San Juan City.
“Pero ang sa amin lang po, sa mananayaw, mamanata. Viva, Sto. Niño. Yun lang po yung ano namin dun sa parada, and entertainment.
“Hindi naman din naman po talaga kami nakarehistro. Aminado naman po yung grupo namin na hindi nakarehistro.
“Kaya nga po dito na kami banda sa gitna nagsisimula. Ang ano naman po namin dun, yung puso ang dapat masilip, hindi yung ano.”
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
Takaw-pansin din sa parada ang kalahok sa Mr. Grand Philippines 2023 na si Marc Jay “MJ” Abellera, na tinaguriang Lakbayo Cutie ng Tondo.
Pumirma na si MJ ng kontrata sa Viva Artists Agency.

May nanggigil kay MJ sa parada at kinurot ang nipple niya. Wala naman daw kumurot sa nipple ni Juan.
“Ang marami talaga, nakikisayaw. Ako naman po, game na game sa ganun. For entertainment, at saludo ako sa mga taga-Tondo!” bulalas ni Juan.
Nag-frontal si Juan sa pelikulang Ang Bangkay ni Direk Vince Tañada, na nag-premiere noong Mayo 14, 2022 sa Shangri-La Plaza, EDSA, Mandaluyong City.
Ipinakita rin niya ang lahat sa pelikulang La Traidora ni Direk Alejandro “Bong” Ramos, na nag-streaming sa AQ Prime umpisa Agosto 8, 2022.
Co-stars niya roon sina Joni McNab, Mia Aquino, Brylle Mondejar, OJ Arci, Ricardo Cepeda, at Atty. Aldwin Alegre.
Read: Drei Arias, Juan Calma, Paul Jiggs Venturero: all out in male pageants and frontal nudity in movies
Siyanga pala, ang Ultimate King of Runway 2004 ay gaganapin ngayong Pebrero 3, Sabado ng gabi, sa SpectRoom bar, 41 Stanford St., Cubao, Quezon City. Prodyus ito ng Laxa Legacy Production ni June Laxa.
Kabilang sa contestants si James San Miguel na kahit taga-Quezon City ay sinamahan si Juan sa Lakbayaw parade.
Kasali rin sa Ultimate King of Runway 2004 sina Jestoni Matic, John Philip Forbes, Rey Malunar, Andrei Gonzales, Jonathan Clavio, at Joemy Revilla.

GORGY RULA
Gaano katagal bang nag-“entertain” nang shirtless ang Genaro Tribe sa nakaraang Lakbayaw?
Sagot ng 23-anyos na si Juan Calma, “2:00 p.m. pa lang po, nandiyan na kami sa pila. Hanggang 2:00 a.m. po kami inabot, yung station namin.
“Sobrang pagod pero worth it naman po yung pagod dahil alam kong after ng dance ko, e, humiling naman ako kay Sto. Niño.”
Anong hiling niya ang natupad?
“Yung magkaayos kami ng magulang ko, sobrang thankful ako dun. Nagkaroon kami ng konting family problem,” tugon ni Juan, na freelance gym instructor sa Tayuman St., Manila.
“Hindi pagkakasunduan, ganyan. Matagal din po kasi kaming hindi nagkibuan. And finally, hindi pa ako vumi-Viva, hiniling ko na yun, at natupad naman.
“Iyon lang di po ang dalangin ko gabi-gabi.”
Kahit nag-aartista na si Juan ay sumasali pa rin siya sa mga bikini contest. Hindi ba awkward yun?
“Hindi naman po, e. Dahil yung pag-aartista ko po is indie film na hindi naman natin totally… kumbaga hindi niya masu-sustain yung financial,” pag-amin ni Juan.
“Yung financial para sa magulang ko po. Wala po siyang work. Ayun po yung para sa akin, ang matulungan.”
Siya ba ang breadwinner sa kanilang pamilya?
“Ako lang po kasi yung mag-isa na lang na kasama ni Mama. Yung kuya ko, meron sa Japan, nasa Japan,” sabi ni Juan.
“Pero may family po kasi siya. So ako yung obligadong tumulong sa magulang ko. At
NOEL FERRER
Sobrang saya ni Juan Calma sa pagbi-Viva sa nakaraang fiesta ng Tondo, Manila.
“Sobrang organized po ngayon. Kasi nilimitahan din yung ibang crowd, at marami po tayong tagapagpatupad ng kaayusan kumbaga, sa mga lupon,” sabi ni Juan.
“Barangay police, thank you din po.”
Makakapagsayaw pa rin kaya sila next year? O bawal nang mag-topless?
“Sa tingin ko, hindi naman po nila mapipigilan yon, kung ano ang gusto ng puso,” pananalig ni Juan.
“Pero kung siguro, magkakaayos naman, kung paano yung gagawin, walang topless, OK lang din naman sa amin. Hindi lang naka-topless kumbaga.
“At makapanata pa rin naman kami, yun lang po.”
Masyado raw mapang-akit o nakakadarang ang paggiling at pagkaldag nila?
Napabuntong-hininga si Juan, “Sa akin lang po, yung ano na yun, hindi naman din po ano dun. Puso talaga ang dapat tingnan! Na iyon ang panata namin.”
