PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Misis ni Mayor Albee Benitez itinangging hiwalay na sila 

Nikki Benitez kinontra ang pahayag ng asawang si Mayor Albee Benitez.
by PEP Troika
Published Feb 4, 2024
nikki albee benitez
Nikki Benitez (left) issues statement totally contradicting her husband, Bacolod City Mayor Albee Benitez (right), who had publicly suggested they were no longer together.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

JERRY OLEA

Ipinadala ng kaibigang si Victorias City Mayor Javi Benitez sa PEP Troika ngayong Pebrero 4, 2024, Linggo ng hapon, via text, ang official statement ng kanyang inang si Mrs. Nikki Benitez.

Kaugnay ito ng pahayag ni Bacolod City Mayor Albee Benitez na nagpapahiwatig na hiwalay na sila ng ina ni Mayor Javi.

Sabi ni Mayor Albee sa panayam nito sa PEP Troika, “We have not been a couple for several years already. In fact, we have gotten a dissolution in court several years back.”

Read: Mayor Albee Benitez nali-link sa isang sikat na sexy actress

Pero sa pahayag ni Gng. Benitez, sinabi nitong wala silang anumang naging pag-uusap tungkol sa "separation or annulment."

Nananatili rin daw silang nagsasama sa isang bubong sa loob ng 31 taon.

Buong pahayag ni Gng. Benitez: "In light of the recent article and its distressing contents, I wish to clarify that there have been no discussions between my husband and I regarding separation or annulment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The quotes attributed to him in the media, suggesting romantic links with several actresses, came as a surprise. We have been living under one roof for 31 years, maintaining our family's unity through all of life’s challenges.

“My commitment to handling our personal matters with dignity and respect remains unchanged. I am especially focused on shielding our children from any pain or anguish brought about by this matter."

Si Mayor Albee ang nasa likod ng Brightlight Productions.

Brightlight ang producer ng pelikulang Magikland (MMFF 2020) at ng still unreleased Got 2 Bilibid Magic nina EJ Jallorina at Albie Casiño, at Alpha Kid nina Javi Benitez at Sue Ramirez.

Kabilang sa TV shows na iprinodyus ng Brightlight ang Sunday Noontime Live, I Got You, Sunday Kada, Tropang LOL, Rated Korina, Oh My Dad!, at Korina Interviews.

GORGY RULA

Ipinangako namin kay Mayor Javi Benitez na ilalabas namin ang statement ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iginagalang namin ang pahayag ni Mrs. Benitez kagaya ng pagtanggap namin sa mga binitawang pahayag ni Mayor Albee Benitez.

Hindi na namin saklaw kung magkasalungat ang kanilang mga sinasabi.

Read: Mayor Javi Benitez naghayag ng pagmamahal at pasasalamat sa ina matapos ang rebelasyon ng amang si Mayor Albee Benitez

At bilang 31 years na rin silang mag-asawa, mas kilala na nila ang isa’t isa, at siguro mapag-uusapan nila ang anumang pinagdaraanan ng kanilang pagsasama.

Umaayon ako sa sinabi sa amin ni Mayor Javi Benitez na dapat ang ganung isyu ay pribado na lang nila pag-usapan at hindi na idaan sa media.

Isyu naman ito ng buong pamilya, at walang kinalaman dito ang publiko.

Pero dahil sa lumabas na kontrobersyang ito, lalong nakakalkal ang tsismis, at pinanindigan pa rin ng aming reliable source ang pagkaka-link ng isang sexy actress/vlogger kay Mayor Albee Benitez.

Detalyado ang kuwento na tila nasaksihan niya ang lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung anuman ang katotohanan sa kuwentong ito, at kung saan man ito hahantong, hangad pa rin namin ang kanilang kaligayahan anuman ang estado ng kanilang pagsasama ngayon.

Sana, matagpuan na nila ang tunay na kaligayahang hinahanap nila.

NOEL FERRER

Lalabas at lalabas ang totoo. Sa tamang panahon, magiging malinaw ang mga bagay-bagay.

Peace!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikki Benitez (left) issues statement totally contradicting her husband, Bacolod City Mayor Albee Benitez (right), who had publicly suggested they were no longer together.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results