PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Jones: Ex Signs Kid's Birth Cert.

Anak ni Angelica Jones, gustong maging Sparkle GMA Artist Center talent.
by PEP Troika
Published Feb 5, 2024
angelica jones son angelo
Angelica Jones on son Angelo: “Actually gusto nga niyang mag-Sparkle. Gusto po niyang mag-GMA-7... Gusto niyang mag-workshop sa GMA-7 Sparkle, at gusto raw niyang magpa-under sa GMA. Sabi ko naman sa kanya, wala namang problema sa kanya kung gusto niyang mag-artista, ‘Go for it!’"
PHOTO/S: Gorgy Rula / Jerry Olea

JERRY OLEA

Bongga ang pagpasok ni Angelica Jones sa Kapuso primetime series na Black Rider, na recently ay four times nang kinabog sa ratings ang katapat na FPJ’s Batang Quiapo.

Read: Black Rider ni Ruru Madrid at Batang Quiapo ni Coco Martin, seesaw ang labanan sa ratings

Maganda rin ang takbo ng kanyang mga negosyo, kaya lubos ang pasasalamat ni Angelica sa mga biyayang natatanggap.

Kumusta naman sa personal, partikular iyong isyu sa kanyang 11-anyos na anak na si Angelo, na hindi kinikilala ng sinabi niyang ama nitong si Gerald Alday?

Read: Angelica Jones's 10-year-old son still not acknowledged by the father

“Actually, galing po yung anak ko sa lola niya kanina lang,” pagtatapat ni Angelica sa thanksgiving party ni Madam Baby Go nitong Pebrero 4, 2024, Linggo ng gabi, sa Valle Verde Country Club, Pasig City.

Ang lola na tinutukoy ni Angelica ay tiya ng biological father ni Angelo. Ang paternal grandfathers ni Angelo ay kapwa pumanaw na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ng 41-anyos na si Angelica, “So, kakampi ng anak ko yung lola dahil siyempre, varsity player ang anak ko, honor student, Grade 6 na siya…

“Kasali siya sa sportsfest, kailangan ng birth certificate po, di ba? So ngayon po, yung anak ko, siya mismo ang lumapit sa lola niya kanina, dala-dala ang birth certificate niya uli.

“Dala-dala yung kanyang papel. Di ba po, nakakaawa? Yung Lola Emma Alday, sinabi naman na tutulungan siya, at kakampi na niya si Angelo this time.

“So, sinabi ni Lola Emma kay Gerald na, ‘Kailan mo aayusin ang buhay ng anak mo?’

“Ang sagot lang daw ni Gerald sa tita niya — kuwento naman ito ng anak ko, ha, hindi ako ang kausap — na, ‘Give me time. Give me time.’ Yun ang sagot,” sey ni Angelica, na makakasama raw sa bagong movie na pagbibidahan ni Ruru Madrid.

Read: Angelica Jones gives birth to healthy baby boy; vows never to reconcile with father of her child

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Inamin ni Angelica Jones na gustong mag-artista ng anak niyang si Angelo.

“Actually gusto nga niyang mag-Sparkle. Gusto po niyang mag-GMA-7,” pagsisiwalat ni Angelica, na kasama sa pelikulang Magic Hurts bilang ina ng bidang si Beaver Magtalas.

Dagdag ni Angelica, “Sabi niya, ‘Mommy, gusto kong mag-stay sa QC.’ Gusto niyang mag-workshop sa GMA-7 Sparkle, at gusto raw niyang magpa-under sa GMA.

“Sabi ko naman sa kanya, wala namang problema sa kanya kung gusto niyang mag-artista, ‘Go for it!’

“Naka-lineup din po siya sa Family Feud ng GMA-7.”

Ipinagmalaki pa ni Angelica na may bagong commercial ad si Angelo para sa isang brand ng sausage, at magkaka-billboard ito para sa nasabing produkto.

GORGY RULA

Ipinagdarasal ni Angelica Jones na pirmahan na ni Gerald Alday ang birth certificate ng anak niyang si Angelo.

Pag-asam ni Angelica, “Hopefully this is the last. Because I told them na pag this time, hindi na talaga kayang pirmahan nung tatay yung birth certificate ng anak ko, naka-ready na yung demanda.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kumonsulta na ba siya sa abogado?

“Opo, yung abandonment of child, saka hindi sumu-support sa anak financially,” tugon ni Angelica.

“So ngayon, nahihiya kasi ako dun sa family. Parang… binibigyan ko pa rin siya ng chance. This is the last chance to do.

“So, nasa kanya na yung papel today.”

Kailangan ng pirma ng biological father sa birth certificate para sa late registration?

“May affidavit na kailangang pirmahan ng tatay,” sambit ni Angelica.

Naghahabol pa ba siya ng sustento para kay Angelo? O kailangan lang ng pagkilala para sa papeles?

“Sa akin, hindi ako naghahabol financially. Kasi umpisa pa lang, nung bagong anak ko kay Angelo, wala siyang binigay na financial support, nung nanganak ako,” malumanay na sagot ng actress-politician.

“And hindi naman ako naghahabol sa kanya ng kahit ano mang materyal o pera.

“Ang sa akin, magpaka-tatay siya at ibigay niya yung rights for my son, na yung sa birth certicate kasi nakasalalay yung future ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, yung anak ko, niloloko ko nga yung anak ko, ‘Anak, para may passport ka na, makapag-Europe tayo, apelyido ko na lang ang ipagamit ko.’

“Yun na para mas madali. Ang sabi ng anak ko, ‘No, Mommy, ipaglalaban ko yung rights ko. Alday ako. Anak ako ni Daddy.’

“So nirespeto ko yung gusto ng anak ko… so ngayon, let’s wait and see what happens. One week kasi yung timeline.

“So, hindi ko alam kung anong mangyayari. Ang sagot naman niya dun sa tita niya, ng daddy ng anak ko dun sa lola ng anak ko is, ‘Give me time.’

“So I don’t know kung ano mismo yung ‘Give me time.’ Siguro naman, baka makonsensiya siya.”

Hindi naman siguro aabutin ng 11 more years ang palugit na iyon?

“Imagine, magha-high school na yung anak ko, di ba? Magla-La Salle na siya, dito na siya mag-aaral sa Maynila,” sabi pa ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So kailangan niya ng may birth certificate. E, yung anak ko, gusto ring mag-artista, di ba? So yun.

“I pray na sana, maayos. And sana, dinggin ni Lord yung prayer ng anak ko na this time, the last chance, na ibigay yung rights ng anak ko.”

Sumubok ba siyang kausapin si Gerald?

Napabuntong-hininga si Angelica, “Actually yung anak ko. Yung anak ko, siya ang nagri-reach out. Ang tulay, yung lola.”

Minabuti ni Angelica na huwag siyang mag-reach out sa ex para iwas-gulo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Jones on son Angelo: “Actually gusto nga niyang mag-Sparkle. Gusto po niyang mag-GMA-7... Gusto niyang mag-workshop sa GMA-7 Sparkle, at gusto raw niyang magpa-under sa GMA. Sabi ko naman sa kanya, wala namang problema sa kanya kung gusto niyang mag-artista, ‘Go for it!’"
PHOTO/S: Gorgy Rula / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results