PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Talentadong aktor binitawan na ng kanyang management team

Talentadong aktor napag-iwanan na ng mga kapanabayan niya.
by PEP Troika
Published Feb 8, 2024
Blind Item
ILLUSTRATION: Igi Talao

JERRY OLEA

Napakasakit, Ate Loleng!

Nakalulumbay ang sinapit ng Talentadong Aktor, na bibitawan na ng kanyang management team.

Napabayaan ni Talentadong Aktor ang kanyang showbiz career. Parang itinuon niya ang kanyang pansin sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak.

Nakakalukring, Ate Loleng… hindi niya sinipot ang ilang natanguang guestings. Basta na lang siya missing in action at walang ibinibigay na dahilan.

Pati ang sarili ay tila napapabayaan na ni Talentadong Aktor. Thirtysomething pa lang siya, pero mukhang nasa late 40s na ang kanyang dating.

Para bang mabigat ang pasanin niya sa buhay. Hindi na siya mukhang yummy.

Ang mas nakakawindang, Ate Lolang… naulinigan naming kung sinu-sinong kaibigan at kakilala ang inutangan niya.

Nagugulat na lang ang misis ni talentadong aktor kapag may naniningil ng utang na kailangang bayaran.

Hanash, Ate Loleng na nakalugmok sa sahig, “Jutang ito, wititit limos! Babayaran ko while standing up habang ikaw naman ang tinatapak-tapakan ko!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At any rate, madalas na ang butihing maybahay na ang nagpe-pay para hindi na mapahiya si talentadong aktor.

Pero hindi puwedeng ganoon palagi. Hindi puwedeng paulit-ulit na lang.

Ano ito, peri-peri, tawi-tawi, shabu-shabu?!

Hopefully, paglipat ni talentadong aktor sa bagong management group, maayos na ang buhay niya.

Sana, makabalik siya sa tamang landas.

Sana, matanto iyan ni talentadong aktor, alang-alang sa kanyang anak.

GORGY RULA

Malalaman din natin kung sino itong tinutukoy nating Talentadong Aktor kapag natuloy ang pirmahan niya sa isang film outfit na magha-handle na ng kanyang showbiz career.

Sana, maayos siya rito at madisplina ng bagong management.

Magaling naman siya, marami pang puwedeng shows na ibigay sa kanya basta ayusin na lang sana.

Marami pa kaming naririnig na kuwento tungkol sa Talentadong Aktor, lalo na sa pagsasama nilang mag-asawa.

Sana, maayos ito at hindi na lumala kung meron man silang problema.

Mabait naman kasi itong Talentadong Aktor at nakakapanghinayang kung hindi na niya aayusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang layo na ng pag-alagwa ng career ng ibang kasabayan niya pati ang ibang artista iniidolo pa siya.

NOEL FERRER

Ano ba ang nangyari sa Talentadong Aktor na ito?

Simula’t simula pa lang ay parang wala namang direksiyon sa kanyang buhay.

Sana, sa bago niyang management ay umayos na siya. Dati siyang nababalitang kargado at wala sa sarili.

Sayang at napag-iwanan na siya ng mga kapanabayan niya. Di ba’t ang dami ring na-link sa kanyang A-listers na na-outgrow na siya?

Sana, hindi na niya sayangin ang pagkakataong ito ngayon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results