PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Masa at Ashley Sarmiento, magkainlaban kaya sa tunay na buhay?

Tambalang AshCo at PrYce, aarangkada ang bagong serye sa TikTok.
by PEP Troika
Published Feb 9, 2024
Marco Masa and Ashley Sarmiento
Young Kapuso stars Ashley Sarmiento at Marco Masa, bida sa TikTok serye na Secret Notes.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Nagsimula na kahapon sa TikTok ang kiligserye ng Sparkle GMA Artist Center na pinamagatang Secret Notes, tampok ang tambalang Ashley Sarmiento at Marco Masa.

Sisimulan muna sa TikTok ang paglunsad sa tambalang AshCo, na ilan pala sa malakas sa mga bagong kabataang artists ng Sparkle.

Hanggang February 29 ang kuwento nitong Secret Notes.

Bukod sa AshCo loveteam, inilunsad din ang tambalang PrYce nina Princess Aliyah at Bryce Eusebio.

Magsisimula sa February 16 hanggang 22 ang kuwentong Beyond The Game nina Princess at Bryce.

Meron ding series sina Sofia Pablo at Allen Ansay, na napatunayang malakas din sa social media. Ang series nila ay pinamagatang Mystery Girl, na magsisimula sa February 24 hanggang 29.

Sa media conference ng Sparkle—kung saan ipinakilala sa media sina Bryce Eusebio, Princess Aliyah, Ashley Sarmiento at Marco Masa—tinanong namin ang taga-Sparkle, bakit sa TikTok muna inilunsad ang bagong love teams na ito.

Ani Lawrence Tan, na consultant ng Sparkle, "You know, our channels are full because we only have limited airtime in other channels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And we have a lot of artists, concepts. So, there’s a lot of content now. It’s a matter of scheduling.

"But I wouldn’t be surprised if our four young people here will be on prime-time [TV].”

Nagpapasalamat lang daw sila sa TikTok dahil noon pa man ay suportado ng app na ito ang lahat na activities ng Sparkle.

Kaya naniniwala silang mabibigyan din ang apat na kabataang ito ng magandang programa sa GMA-7.

"Hindi siya dito lang or doon lang. It’s mostly a collaboration or a combination. May show, pero lagi naming kasama namin ang Tiktok," sabi pa ni Tan.

Marco Masa, Ashley Sarmiento, Princess Aliyah, Bryce Eusebio

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Former child star Marco Masa, umaani ng papuri sa Start-Up PH

MARCO MASA AND ASHLEY SARMIENTO

Sa aming obserbasyon, mas gamay na nina Marco at Ashley ang isa’t isa dahil nagsimula sila bilang child stars.

Dati na rin silang magkaibigan kaya meron agad spark sa kanilang dalawa.

Tinanong namin sina Marco at Ashley pati na rin sina Princess at Bryce kung bukas ba sila sa posibilidad na magkainlaban dahil iyun naman talaga ang gusto ng mga fans.

Ani Marco, "Hindi ko naman po masasabi yung hinaharap. Kasi sobrang tagal na rin po ng friendship namin, and if tadhana na po siguro ang magsasabi nun."

Hindi naman isinasara ni Ashley ang ganung posibilidad.

May chance sa kanya si Marco?

Sagot ni Ashley, "Puwede po, may chance po talaga. Kasi, sa future puwede naman po yun. Hindi po namin alam kung ano po ang mangyari sa friendship namin, kung magu-grow pa po siya or something.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sure po ako na magu-grow po yung friendship namin since mag-partners po kami ni Marco as a love team.

"Pero sa ngayon po, career po muna, and work po muna, and nandoon din po yung mommy ko,” pahayag ni Ashley.

Read: Dating child stars, mas angat sa mga kasamahan nila sa Sparkle Teens?

PRINCESS ALIYAH AND BRYCE EUSEBIO

Para naman sa tambalang PrYce nina Princess Aliyah at Bryce Eusebio, sa trabaho daw muna sila magpo-focus.

Pero guwapo naman daw si Bryce, sabi ni Princess.

Kaya lang ang bata pa raw nila para pasukin ang love life.

"I think, partly, I hold the responsibilities, kasi ako yung lalaki. Wala pa po muna yan.

"Pero again, we are teenagers. Lalake at babae kami, hindi ko po alam kung ano yung… I’m not limiting.

"Pero for now talaga, I think hindi pa po namin talaga iniisip yan. We’re still kids po. Abangan na lang po natin pagtanda na," sabi pa ni Bryce Eusebio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Why not po?" nakangiti namang pakli ni Princess Aliyah.

"Kasi siyempre, hindi talaga natin yun maiiwasan right now kasi we’re really good friends.

"So, baka mas tumagal pa yung ano namin, tumatag pa yung relationship namin as friends, and malay mo mag-bloom.

"Kasi why not, guwapo naman si Bryce, di ba? Matangkad, mabait. Ideal type ng isang babae," napapangiting pahayag ni Princess.

Read: Star Magic head Laurenti Dyogi on the making of new stars: "Kailangan maramdaman nila you have to work for it."

NOEL FERRER:

Mabuti naman at may ganitong mga bagong platforms para mahasa at maipakilala ang mga bagong stars ng Sparkle.

Sana, makilala natin at maging household names sina Bryce, Princess, Ashley at Marco sa mga darating na panahon.

Malay mo, malampasan pa nila sina Kyline at Kimson na naghahanap pa rin ngayon ng K, di ba?

JERRY OLEA:

Cutie ang 16-anyos na si Marco Masa na nasilayan natin sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll Extreme last November sa SM Megamall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa sa diwa ko si Bryce Eusebio.

Ang nambulabog ay ang 18-anyos na si Bruce Roeland sa swimwear photo nila nina Kimson Tan at Migs Villasis para sa isang US-based magazine. Pasabog iyon bago nagtapos ang 2023.

Looking forward tayo sa pelikulang The Vigil, kung saan co-stars ni Bruce ang mga kapwa Kapuso na sina Carlo San Juan, Prince Carlos, Abed Green, Anjay Anson at Will Ashley.

Inaasahan din nating mag-i-sparkle nang lubos ang career ni Michael Sager kapag umere na ang Shining Inheritance nila ni Kate Valdez.

Nawa’y pumatok sa TikTok ang kiligserye ng Kapuso young stars! Or else…

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young Kapuso stars Ashley Sarmiento at Marco Masa, bida sa TikTok serye na Secret Notes.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results