GORGY RULA:
Isang producer at isang aktor ang nagtanong sa akin noon kung bagay kaya si Nadine Lustre na mag-action.
Kaagad ko namang sinagot na mukhang bagay dahil athletic si Nadine at magaling pang umarte.
Tama nga at napatunayan ito ng Viva actress sa Roadkillers, isang suspense action thriller series ng Studio Viva na mag-i-streaming sa Viva One simula March 1.
Nag-number one trending na ito nung nakaraang taon sa Prime Video, at ngayon ay nasa Viva One at mas maraming makakapanood.
Sabi ni Nadine sa media conference pagkatapos namin napanood sa Gateway Cinema nung Biyernes, February 9, sobrang na-excite siya noong ipinitch ito sa kanya ng Viva at ng direktor nitong si Direk Rae Red.
Kaya sumalang daw siya agad sa training bago siya nag-shoot dahil may mga action scenes siya at dapat na bihasa siya sa paghawak ng baril.
Ani Nadine, “Matagal ko na talagang gustong mag-action. And I guess with regards to preparation, nag-training din ako sa firing.
“Mga stunts din namin, we really had to rehearse na. Kasi lalo na yung environment, yung condition is ano… nakita nyo naman yung eksena yung mabuhangin, dirt, ganun, mabato. So, ano talaga, very tricky talaga.
“And you know, as much as possible, sila direk, they want it yung mga stunts realistic. I mean, hindi siya yung parang action movie na… you know what I mean. It’s still very realistic.
“I mean, at the end of the day, hindi naman super hero si Stacey, normal naman siyang tao,” saad ng premyadong aktres.
Kasama niya rito sina Jerome Ponce, Bodjie Pascua, Francis Magundayao, Alan Paule at Simon Ibarra.
NOEL FERRER:
Ginagampanan dito ni Nadine ang role niya bilang si Stacey na anak ni Bodjie Pascua, na gumaganap naman bilang isang henchman ng isang pulitiko.
Pagmamahal sa ama ang tinatalakay ng Roadkillers na nung namatay ang kanyang ama sa COVID, gusto niyang tuparin ang hiling ng ama niyang ipalibing ito sa tabi ng puntod ng namayapa niyang ina.
Pero ang daming nangyari nang ninakaw ang labi ng kanyang ama, at doon siya siya napasabak sa aksyon, at nagkaroon sila ng matinding bakbakan ni Jerome Ponce.
Ang sabi ni Nadine, sobrang malapit sa kanya itong Roadkillers dahil parang tatay daw niya talaga rito si Bodjie.
JERRY OLEA:
Nakikita raw ni Nadine ang kanyang tunay na ama sa karakter na ginagampanan ni Bodjie Pascua.
Ani Nadine, “Nung napanood ng dad ko yung Roadkillers, parang sinabi niya, ‘Parang ako lang si Bodjie, a.
“Nung nagsu-shoot nga po kami, talagang Tito Bodjie reminds me of my dad. Kasi like everything… like the jokes, like the way he talks, and yung character din ni Tito Bodjie, my dad is a mechanic talaga, his profession. So ako, I grew up as daddy’s girl talaga.
“So, mahilig ako magkalikot ng… even yung… alam mo yung what do you call it, yung white out na tape? Kahit yung mga ganun ng classmates ko, inaayos ko.
“Just because na-fascinate ako sa dad ko na magaling magkumpuni ng mga stuff, yung controller ng play station naaayos niya ganun. So, lumaki ako na ganun, exactly like how Stacey is.
“Although yung dad ko hindi naman siya henchman… hindi naman siya henchman ng pulitiko. But just the same, sobrang naaastigan din ako sa dad ko.
“So, while we were shooting the whole series, everytime na meron akong interaction or scenes with Tito Bodjie, naaalala ko talaga yung dad ko.”
