GORGY RULA:
Namataan namin ang magkasintahang Jake Vargas at Inah de Belen sa red carpet premiere ng pelikulang Take Me To Banaue na ginanap sa Shangri-La Mall nung Sabado, February 10.
Malapit kay Thea Tolentino ang magkasintahan, at meron daw silang binubuong film production.
“Kaming dalawa ni Jake, along with Thea, may binubuo kaming production company. We’re going to be producing movies. Siyempre, one of our movies, we’re gonna be there also.
“We already hired the scriptwriter to make scripts already, para ma-fix na namin,” pakli ni Inah.
Suportado rin si Thea ng iba pa niyang kaibigan at mga kasamahan sa Makiling na sina Claire Castro, Teejay Marquez, Royce Cabrera, pati sina Sheryl Cruz at Juancho Trivino.
Bago nagsimula ang screening ng pelikula, sandali naming nakatsikahan sina Inah at Jake, at sinagot nila ang matagal nang tsismis na nabuntis daw noon si Inah.
“That is always the… siyempre nakikita nila na I gained weight over the pandemic.
“It happens naman talaga, e. Ako naman, like I said, if ever man mabuntis ako, or I have a kid, malalaman at malalaman din ng mga tao.
“Saka kami naman kasi, if ever that happens, we’re gonna be proud. Hindi namin itatago.
“Mahirap yun. Kaming dalawa pa? Maitatago ba namin yun?
“Everybody around, we’re in the business. Si Jake matagal na siyang artista. Ako… my family is in the industry, malalaman at malalaman din,” saad ni Inah.
Inamin lang nilang halos dalawang taon na silang magka-live in, para mas alam at kilala na raw nila ang isa’t isa.
“E kasi kami, ayoko naman mangyari na if ever I get pregnant or I get married, magkakapaan pa kami.
“At least ngayon, we’ve been living together for almost two years na. So alam na namin yung ugali namin sa isa’t isa. Kilalang-kilala na namin ang isa’t isa,” saad ni Inah.
Thankful lang si Inah sa magulang niya at mga kapatid na suportado sila sa sinisimulan nilang negosyo.
“It’s good na we have a good support system, lalo na they’re in the industry also. I’m actually very glad na sa aming dalawa ni Kyla is support yung parents namin,” sabi pa ni Inah.
NOEL FERRER:
Nilinaw rin nilang hindi pa sila engaged. Sa kalagayan nila, hindi naman daw ganun kadali na itago kung engaged o kasal na sila.
“Alam mo, kahit i-secret namin yung engagement at kasal, malalaman at malalaman din,” sabi ni Inah.
“Mabuti yung deretso na… hindi na yung…” sey ni Jake. Pero sumingit si Inah, “Hindi kasi kami ganun na…we’re very low key in our relationship.”
Mas mabuting makapag-ipon daw muna sila at marami pa raw silang gustong i-achieve bago pag-usapan ang kasal.
“Minsan napapag-usapan pero siyempre pa rin nawawala yung kailangan ipon muna,” sabi ni Jake.
“We’re trying to be practical also. Kasi siyempre, going into a marriage, is pang-long term na siya,” sabi ni Inah.
“Hindi na bagets e,” dugtong ni Jake.
“Saka kami kasi, we want to achieve something muna. Kasi ako, bilang babae siyempre and yung mindset ko kasi, before kami ikasal or get pregnant or something, I want to achieve something first para kahit papaano, na ano ako na deserve ko,” seryosong pahayag ni Inah.
JERRY OLEA:
Kapwa nasa edad na sina Inah at Jake. Hindi naman sila lang ang taga-showbiz na nagli-live in.
Kung masaya sila sa ganoong set-up, OK lang iyon sa atin.
May isang sikat na sexy actress na naulinigan nating mag-aapat na taong gulang na ang anak. Up to now ay hindi pa iyon inaamin ng sikat na sexy actress.
Kung maligaya ang sikat na sexy actress sa pagde-deny ng kanyang pagiging ina, ipaubaya na natin iyon sa kanya.
Time is the ultimate time teller, ikanga.
