PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, tuloy ang love team sa After All

Naging magkapatid sa sitcom, pero balik sa pagiging love team!
by PEP Troika
Published Feb 17, 2024
Kelvin Miranda and Beauty Gonzalez
After playing siblings in the sitcom 'Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis,' Beauty Gonzalez and Kelvin Miranda reunite as love team partners in the upcoming film 'After All.'

GORGY RULA

Desidido si Beauty Gonzalez na hindi na mabuntis uli.

Ilang beses na raw niyang sinasabi na masaya na siya kay Olivia, ang eight-year-old daughter nila ng asawang si Norman Crisologo. Ayaw na raw niyang sundan ito.

Sabi ni Beauty sa media conference ng pelikulang After All, na pinagbibidahan nila Kelvin Miranda, "I made it clear many times na ayoko na.

"Ako mismo… I mean, at the end of the day, I want to show Olivia that I’ve been working hard, that I take care of myself, that I am a boss lady, and I want to be complete.

“So, para sa akin, okay na ako sa isa. Baby din ako, e. Gusto ko din magpabebe,” napangiting pahayag ni Beauty.

Sobrang busy rin niya kasi, at nagpapasalamat siya sa kanyang asawa dahil suportado raw nito ang lahat na ginagawa niya.

Natawa lang si Beauty dahil sa edad daw niyang iyun ay meron pa siyang ka-love team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-hit kasi ang first project nila ni Kelvin sa GMA-7 na Loving Miss Bridgette (2021), kaya sinundan ito ng pelikulang After All na dinirek ni Adolf Alix, Jr. at mula sa ALV Films.

Kasama rin nina Beauty at Kelvin sa After All sina Teejay Marquez, Devon Seron, Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Juan Carlos Galano, Tart Carlos, Kiko Ipapo, Bella Thompson at mga beauty queens na sina Dindi Pajares, Katrina Llegado at Riana Pangindian.

Magsu-showing na ito sa February 28, 2024.

Read: Kathryn Bernardo goes viral for singing along to “We Are Never Ever Getting Back Together”

JERRY OLEA

Matagal nang natapos itong After All. Itong pelikula ang kaagad na isinunod nila pagkatapos ng Loving Miss Bridgette.

Pero hindi lang sa pelikulang ito nagsama sina Beauty at Kelvin.

Isang action-comedy series ang pinagsamahan nila uli, iyong Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, pero hindi sila ang magka-love team dito, kundi magkapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya medyo nangapa raw sila sa pag-adjust sa bagong role na gagampanan nilang dalawa.

Ang kuwento ni Kelvin, “Yung first week namin dun sa Walang Matigas na Pulis, nag-reminisce lang naman ako. Parang nakita ko siya, kasi first day ko nag-taping… parang hinahanap ko yung formula.

"Papaano kung ano, paano mag-iba yung tingin ko sa kanya? Tapos, parang napatingin siya sa akin, ‘Uy, Kelvin, ha? Hindi tayo love team dito, ha? Huwag mo akong tingnan nang ganyan,’ sabi niya.

"Sabi ko, 'Teka lang naman! Pina-process ko lang, e.' Sabi ko kasi, ang dami kong naalala nung nakita ko siya ulit sa set. Parang yun yung first time ko siyang nakita na magkasama kami sa set. Kaya, parang ang dami ko ding naalala.”

Sumingit naman si Beauty ng, "Ang daming sumisita sa kanya, ‘Op, op! Hindi ganyan ang tingin mo!’”

Sabi naman ni Kelvin, "Sa taping naman, siyempre binabago ko yung intention ng character ko para hindi maging ganun, tawag dito, yung eksena.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sobrang ginagalang ko siya minsan. Minsan, tinatawag ko talaga siyang ate.

“Okay lang naman! Hindi naman halata, e. Minsan nga mas bata pa siyang tingnan sa akin e. Ganun siya kaganda!

"Sinasabi ko nga, parang bampira siya. Hindi siya tumatanda. Kahit saan puwede siya e. Prayers lang daw yun!"

Read: Showbiz couple, na mala-relationship goals, nanganganib maghiwalay

NOEL FERRER

Nakapag-adjust na raw silang dalawa na magkapatid sila sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Pero ngayon ay magpo-promote na sila ng pelikulang After All na magka-love team naman sila.

Kahit nakasanayan na raw ng mga taong magkapatid sila sa sitcom nila ni Sen. Bong Revilla, okay naman daw si Beauty na magsama sila uli ni Kelvin sa isang project na magka-love team naman uli.

“Ako, gusto ko pa. I want to do more projects with him. Like my idol Maricel Soriano, yung movie niya na Soltera. I wanna do that with him. More deeper and more challenging roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas masaya din pag ano, pag happy house kami, bahay-bahayan, you know. How do you figure out a young couple you know, this and that. Nabuntis ako, paano ito, sino mag-aalaga?

“I don’t know, there’s so many things to do. And yeah! I wanna do more projects with him. Sana mabigyan pa kami. Hello! Sana meron.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After playing siblings in the sitcom 'Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis,' Beauty Gonzalez and Kelvin Miranda reunite as love team partners in the upcoming film 'After All.'
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results