GORGY RULA
Masaya at nagpapasalamat sina Ken Chan at Glaiza de Castro sa mga sumuporta at pumuri sa pelikulang Slay Zone, na co-produced ng dalawa kasama ang Wide Films International.
Nag-showing na ito sa mga sinehan nung Miyerkules, February 14, 2024.
Kahit may ilang nanlait at nam-bash sa pelikula, hindi ito dahilan para tumigil sa pagpu-produce ang Wide Films International.
Binanggit na nga ni Ken na tuluy-tuloy ang paggawa nila ng pelikula ni Glaiza.
Read: Glaiza de Castro at Ken Chan, planong mag-produce ng 10-15 movies ngayong 2024
Sa nakaraang red carpet premiere ng Slay Zone, ibinalita na sa amin ni Ken na ang isusunod daw nila ay isang romance-drama na tatampukan nila ni Jillian Ward.
“Ito ang istoryang matagal ko nang gustong gawin, at matagal ko nang pinapangarap at istoryang magpapakilig sa mga tao,” pakli ni Ken.
Tinawag pa ni Ken ang co-producer nilang si Pauline Publico para kumpirmahing ito na ang susunod nilang gagawin pagkatapos ng Slay Zone.
Sabi ni Pauline, puwede na raw silang mag-start ng shooting anytime. Pero inaayos pa raw nila ang schedule ni Jillian.
"Okay naman po si Jillian Ward, at okay naman po siya sa istorya. Excited po siya.
"Hahanapan na lang po natin siya ng schedule, dahil talagang mahirap po talaga yung schedule niya ngayon because of Abot-Kamay Na Pangarap.
“Nagawa na po yung istorya, at excited kami sa theme song na gagamitin,” sabi pa ni Ken.
Si Direk Louie Ignacio pa rin ang magdidirek, at kukunan daw ang halos kabuuan ng pelikula sa Taiwan.
Read: Jillian Ward refuses to reveal her real crush in local showbiz
NOEL FERRER
Malaking tulong daw ang Abot-Kamay Na Pangarap sa pagbuo ng magandang tandem nina Ken at Jillian.
Lalo pa silang naging close nang nag-bonding sila sa Japan nung nakaraang taon.
"Nakapag-bonding po talaga kami dun," bulalas ni Ken.
"Hindi lang ako at si Jillian, pati na rin po yung ibang cast na nagkaroon kami ng magandang bonding with Kuya Richard Yap, kay Tita Mina, kay Zoey, kay Kazel, kay Tita Pinky."
Ang mga tinutukoy ni Ken ay ang kanilang co-stars sa Abot-Kamay Na Pangarap na sina Richard Yap, Carmina Villarroel, Kazel Kinouchi (na gumaganap bilang si Zoey), at Pinky Amador.
"Nakapag-bonding talaga kami, ang sarap ng food trip namin dun, grabe! Hindi kami nag-diet dun. Nakapag-bonding kami ni Jillian, nakapagkuwentuhan kami," dagdag na pahayag ni Ken.
Read: Jillian Ward agrees about Ken Chan being boyfriend material
JERRY OLEA
Patuloy na umaariba sa hapon ang Abot-Kamay Na Pangarap, kaya na-extend ito nang na-extend.
Ayon sa source ng PEP Troika ay extended ito hanggang Hunyo. Meron ding nagsabi na hanggang Setyembre pa ito.
Paborito ng BG Films producer na si Ms. Baby Go itong Abot-Kamay Na Pangarap kaya gusto niyang mag-produce ng horror movie na tampok sina Carmina Villaroel, Richard Yap, at Jillian Ward, sa direksyon ni Joel Lamangan.
Last year pa natin nabalitaan iyong movie ni Jillian na gagawin with Sen. Bong Revilla and Sharon Cuneta.
Tingnan natin kung mas mauuna bang gawin ni Jillian itong movie with Ken Chan.
