PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hunky Actor in Toxic Relationship with Actress

Hunky actor, literal na nasasakal sa relasyon nila ng pretty actress.
by PEP Troika
Published Feb 21, 2024
blind item ander de saya actor
ILLUSTRATION: Igi Talao

JERRY OLEA

Nakakadiliryo ang pag-iibigan ng hunk actor at pretty actress.

Sa social media posts ay tila ba nilalanggam sa sobrang tamis ang kanilang mga yakapan at lambingan.

But in reality, nakakapanghina ang T, K at L — Tema, Karahasan at Lengguwahe — sa kanilang relasyon.

Nagkahiwalay na sila nang maiugnay si hunk actor sa isang yayamaning accla. Matinding pagsubok iyon pero nalagpasan nila. Nagkabalikan sila.

Wagi ang pretty actress. Iwinaksi ni hunk actor ang yayamaning accla na napaka-generous.

Hindi iyon ininda ng yayamaning accla dahil nakahanap agad siya ng kapalit na dakilang aktor at napakasarap humalik.

Ang pretty actress, tila sinaniban ng karakter ni Anjanette Abayari sa pelikulang Halik ng Vampira (1997).

May pagka-emotional vampire ang pretty actress, at nasasakal ang hunk actor sa pagiging toxic nito.

Literal na nasasakal ang hunk actor kapag nag-aaway sila ng pretty actress.

Marahas ang pretty actress, nanghahampas at nanghahambalos.

Ang mas masaklap ay iyong verbal abuse. Wagas kung ipahiya minsan ni pretty actress si hunk actor sa harap ng mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabihan ni pretty actress na nakakadiri si hunk actor dahil kumakabit pa rin daw ito sa mga yayamaning accla.

Kahit salat iyon sa katotohanan ay tumahimik na lang si hunk actor. Kapag nangatwiran siya ay hahaba pa kasi ang litanya ni pretty actress.

Minabuti ng hunk actor na makipaghiwalay na sa kasintahan habang may natitira pa silang respeto sa isa’t isa. Pero naudlot iyon.

Nagbanta ang pretty actress na maglalaslas siya ng pulso kapag iniwan siya ni hunk actor. Nakahanda na ang blade.

GORGY RULA

Nanghihinayang ang ilang taong malapit kay hunk actor dahil ang ganda na ng takbo ng career nito. Pero nang naging sila nitong pretty actress, tila naudlot.

Ang bait kasi ni hunk actor, na kung kaya niyang tiisin ay gagawin niya.

Parang maling nainlab siya sa pretty actress na ito. Kaya lang, wala naman tayong magagawa kung inlabey sa kanya si hunk actor.

Kinumusta ko ang isang taong sobra ang suportang ibinibigay kay hunk actor. Hindi na raw siya nakikialam habang nandiyan si pretty actress sa buhay ni hunk actor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakakapanghinayang lang daw yung mga naipundar nilang tulong kay hunk actor kung tuluyang manamlay ang showbiz career nito.

Pero itong si pretty actress ay namamayagpag at napapanood pa rin siya sa ilang programa.

Ang dalangin na lang ng taong nakausap ko, sana matauhan na itong si hunk actor. Sana nga!

NOEL FERRER

Kung para sila sa isa’t isa, kahit ano pang paghahadlang, sila pa rin.

Pero kung destructive naman talaga, mare-realize din ng aktor na kailangan niyang lumaya dahil in the long run, lugi na siya talaga.

Sabi nga sa mga Jackie Lou na relasyong ito — sino ang JACKpot at sino ang LOUgi?

Good luck na lang sa kanila!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results