PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dakilang Aktor, Ex-Magandang Aktres, May Bagong Kasintahan

Dakilang aktor at magandang aktres, malabo nang magkabalikan.
by PEP Troika
Published Feb 28, 2024
Blind Item
ILLUSTRATION: Igi Talao

JERRY OLEA

Malabo nang magkabalikan ang dakilang aktor at magandang aktres.

Kumbaga sa labada, hiwalay ang mga puti sa de kolor, hindi puwedeng magsama sa batya o washing machine.

Hindi na maibabalik ang tamis ng kanilang pag-ibig. Indeed, some good things never last.

May bago nang kasintahan ang dakilang aktor. Naka-move on na siya.

Ewan kung keri ng magandang aktres na umawit a la Jona ng "Help Me Get Over":

“I don't know what to do/ There is no easy way of letting go/ But I know there's no sense/ In holding on too much to something fading

“Help me, help me/ Help me get over you

“Now I see, you're so happy with her/ Deep inside, I just don't know what to feel/ Oh, I'm sure, you don't need me anymore/ So I'll go on, try my best to just move on/ Now that it's over, I got to get over…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ito rin yatang si dakilang aktor ang na-blind item noong nabuntis daw ang kasalukuyang girlfriend.

Sa clue kasi, obvious na si dakilang aktor ang tinutukoy, kaya nagtanung-tanong ako.

Hanggang sa may nagsabing may girlfriend na raw ito, at isa iyon sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya. Pero hindi naman daw buntis yung bagong girl.

Maraming nabago kay dakilang aktor dala ng kontrobersiyal na hiwalayan. Bahagi na rin ng pagmu-move on, siguro dasurv naman niyang umibig muli.

Huwag nang umasa ang ibang magkakaroon ng balikan, dahil mukhang parehong nakapag-move on na ang dating showbiz couple na ito.

NOEL FERRER

Meron pang gusot na kailangang ayusin kaya hindi pa mailantad ng dakilang aktor ang bago niyang girlfriend.

Ang ex niyang magandang aktres, nakatuon muna ang pansin at panahon sa career.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results