GORGY RULA
Bininyagan na ang bunsong anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Thia Marceline o si Baby Mochi sa St. James The Great Parish sa Alabang, Muntinlupa, nung Linggo, March 3, 2024.
Simpleng selebrasyon lang daw ito na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan.
Read: Pauleen Luna Sotto introduces second baby Thia Marceline Sotto
Pitong pares ang mga ninong at ninang na pawang close sa kanila.
Ninong sina dating Sentor Tito Sotto, Wahoo Sotto, Eumir Siao, Vito Generos, Ryan Agoncillo, ang kaibigan nilang si Father Jeff Quintela, at ang kapatid ni Pauleen na si Miki Luna.
Ninang naman ang isa sa mga bff ni Pauleen na si Nina Almoro, Florabel Yatco, Mara Fortuna, Maan Luna, Charisse Tinio, at si Ciara Sotto.
Ang isa sa pinaka-excited, sabi sa amin ni Pauleen, ay ang ate ni Thia na si Talitha.
Natutuwa raw si Pauleen na tingnan si Tali na inaalagaan ang bunsong kapatid. Nakaugalian na ni Tali na binabasahan nito si Baby Mochi ng storybook.
“Yes… mahilig din kasi magbasa si ate,” text sa amin ni Pauleen.
Read: Pauleen Luna Sotto pinag-isipang mabuti ang pangalan ng second baby para walang magtampo
View this post on Instagram
JERRY OLEA
Marami ang nakapansing mas kamukha ni Pauleen si Baby Mochi. Mas lamang daw ang dugo ng Luna kesa Sotto.
Nung tinanong ang mommy ni Pauleen na si Mommy Chat kung sino ang kamukha ng kanyang apo, ang bilis ng sagot niyang siya raw ang kamukha nito.
“Siyempre sasabihin niya kamukha niya! Hahaha!” reaksiyon ni Pauleen.
Tingin daw ni Pauleen, susunod din sa mga Sotto ang mukha ni Baby Mochi kagaya ni Tali.
“For now! Hahaha! Si Tali, Luna din nagsimula. Sottong-Sotto na ngayon,” dagdag na text ni Pauleen sa PEP Troika.
Read: Vic Sotto at Tali, "tinalo" si Pauleen Luna sa gender reveal
NOEL FERRER
Kung sino ba ang kamukha ang issue? Hehe…
Kahit ano ang mangyari, royalty na iyang batang iyan.
Ngayon mas kailangang tutukan si Tali para maramdaman iyang love na love pa rin siya, kasi may ka-share na siya sa atensyon ng kanyang parents.
Kung tutuusin, suwerte talaga ang mga bata dahil puno sila ng pagmamahal at royalty talaga.
Sana, manatili silang healthy at masaya!
