PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Magic Men Australia, nagpatikim ng mangyayari sa kanilang show

Papatok kaya ang show na ganito sa Pinas?
by PEP Troika
Published Mar 16, 2024
Magic Men Australia
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Mapanukso ang Magic Men Australia (MMA) sa kanilang mediacon noong Marso 13, 2024, Miyerkules ng hapon sa Kao Manila na nasa World Resorts, Newport Mall, Newport Blvd., Pasay City.

Sa umpisa ng mediacon, pinaupo sa harapan ang pitong taga-media, anim na babae at isang accla.

Nagpatikim ng kaldag at maharot na dance moves ang MMA members na sina Will Parfitt, Sean Wepner, Carlo Powell, Carlos Fang, Jeff Cornelius, Nick Murray, at Dante Johnson.

Kapagkuwan ay pumuwesto sila nang nakatalikod sa media people, winarak ang kani-kanyang white sando, at ipinahaplos ang abs sa mga nakaupo na nagtititili at tila kiliting-kiliti.

Video: Jerry Olea.

Nagsuot sila kapagkuwan ng polo shirt, at magiliw na sinagot ang mga tanong sa open forum.

Nang usisain kung ano ba ang pinakaseksing bahagi ng kanilang katawan, at kung puwede ba nila iyon na ipakita, may nagtaas ng pang-itaas at ipinagmalaki ang abs. Ang dalawa’y naghubad ng pang-itaas. Merong naghubad ng pantalon, at katakam-takam ang pa-Felix Bakat.

Nakipaglaro ng Trip To Jerusalem ang pitong Magic Men. Pinagsabihan ang walong contestants (pitong babae at isang accla) na dahan-dahan lang sa pag-upo at pag-ingatan ang family jewels ng makikisig na hombre.

Sa final showdown ay naiwan ang isang babae at isang accla na mag-uunahan sa kandungan ng lalaki. Kailangang mapanukso ang pagsayaw-sayaw ng dalawang contestant.

Ang babae’y kumadyut-kadyot, kumembut-kembot at kumandirit nang lubos, samantalang ang accla ay nagpaubaya na lang.

Wagi si Ate ng apat na tiket sa pagtatanghal ng Magic Men Australia — mamaya at bukas ng 8:00 pm sa Newport Performing Arts Theater.

Aba! Ang halaga ng tiket ay P18,128 (VVIP Package), P8,507.80 (Platinum), P4,532 (Gold), at P3,999 (Silver). Handog ito ng Trifecta Brand Lab.

Magic Men Australia poster

Sa mediacon ay meron pang hamon sa Magic Men Australia — paseksihan sa pagsubo at pagpangas ng mga Pinoy streetfoods.

Kapagkuwan ay umaatikabong litratuhan ang naganap.

Ang isang female host ay nagpabuhat sa mga lalaki, 'tsura ni Alma Moreno na nag-production number sa mga pelikulang idinirek ni Joey Gosiengfiao noong late '70s at early '80s.

GORGY RULA

Take note na 130 lahat-lahat ang Magic Men Australia, na nagtatanghal sa iba’t ibang panig ng mundo.

Marami raw Pinay na tumatangkilik sa mga palabas nila sa Australia, kaya inaasahan nilang mainit din ang pagtanggap sa kanila sa Pilipinas.

Welcome din daw ang members ng LGBT community upang makisaya sa kanilang interactive shows.

Bago magpandemya ay dadalhin sana uli ng concert producer na si Joed Serrano ang Chippendales sa bansa. Ipinagpaliban iyon, hanggang tuluyan nang nakansela.

Kung hindi ma-afford ng karamihang moviegoers ang panonood ng sine, yung target audience ba ng Magic Men Australia ay handang gumastos ng libu-libo para mapanood sila?

Mas bet kaya ng mga empowered Pinay, matrona, at accla ang mga afam kesa sa Pinoy macho dancers?

Aba! May mga hubaderong aktor-aktoran na mabebebenta sa gay bars, at kinahuhumalingan ng kanilang mga suki.

NOEL FERRER

Ibang entertainment naman ito for adults.

I wonder, ngayong mas modern na ang ating lipunan, mas bukas na ba ang ating isipan sa ganitong pang-aliw? Marami kayang manonood nito?

I’m sure, present ang ating ka-Troika na si Tito Jerry riyan.

Kanya-kanyang target talaga iyan!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results