PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Female broadcaster, blinock ni male broadcaster sa social media

Female broadcaster, may mga kuda sa wifey ni male broadcaster.
by PEP Troika
Published Mar 18, 2024
blind item two broadcasters
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

May “misunderstanding” sa pagitan ng dalawang kilalang personalidad sa larangan ng TV broadcasting.

Ewan kung maituturing bang silent feud iyong namamagitan kina Kuya at Ate, considering na marami ang nakababatid niyon.

Blinock ni Kuya si Ate sa kanyang social media accounts.

Naulinigan kasi ni Kuya na may mga hanash at kuda si Ate kontra sa kanyang wifey.

Pag magkakaharap sila ay magiliw ang pakikitungo ni Ate kay Kuya at sa maybahay nito. Pero pag talikuran na, naku po!

Ang sabi nga ng New York Times bestselling author na si Christine Feehan, “Betrayal is never easy to handle, and there is no right way to accept it.”

GORGY RULA

Itong si Ate naman kasi, kung kani-kanino siya kumukuda ng kung anik-anik na kuwento laban sa wifey ni Kuya.

Halos iisa lang sila ng circle of friends. Kaya hindi maiwasang makarating sa mag-asawa.

Pero hindi ang tipo ni Kuya ang magpaparinig sa social media o i-confront si Ate. Kaya the best ay i-block na lang! Putulin na ang ugnayan at mas mabuting harapin na lang ni Kuya ang mga alaga niyang chameleon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga naririnig pa kaming ibang kuwento tungkol kay Ate. May ginawa rin daw itong ikina-disappoint ng isa sa most loved showbiz couples.

Pero ibang kuwento na yun. Baka naging okay na sila. Hindi ko na alam!

Ngayong papasok na tayo sa Semana Santa, sana ay may panahon si Ate na makapagmuni-muni at makapag-isip-isip kung meron ba siyang nagawang mali.

May sapat siyang panahon para kausapin si Kuya at makapagpaliwanag, at kung kailangang humingi ng paumanhin, walang masama kung siya na mismo ang magpakumbaba.

Hindi naman ito makakabawas sa kredibilidad niya at angking kagandahan.

NOEL FERRER

Nakakalungkot ito kung totoo kasi magkaibigang-dikit sina Kuya at Ate — hindi lang sila kundi mga pamilya nila.

Ingat kasi sa mga sinasabi dahil nakakarating sa mga taong tinatawag mong “kaibigan” ang mga ito.

Nakakalungkot talaga lalo pa’t best friend at pamilya ang turingan nila.

Kaya nga, parang naniniwala na ako na mag-iingat sa mga taong hindi ninyo kilala, pero mas mag-ingat tayo sa mga taong kilala na ninyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakakapanghinayang.

Baka okay na rin yun. Cut off. Blocked... sa ngayon!

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results