JERRY OLEA
Maamo ang mukha ng isang baguhang aktor na nasa early 20s kaya napili siyang magbida sa isang mapangahas na pelikula.
Bago masimulan ang shooting, sinabihan ang direktor ng isa niyang staff na may scandalicious videos ang baguhang hubadero.
Sa unang video ay pinapaligaya ni baguhang hubadero ang sarili. May bonnet siya, na ang kita lamang ay ang mga mata at ang luscious lips.
Sa ikalawang video ay may katalik siyang babae, at makatirik-mata ang performance niya. Pilyung-pilyo ang ngiti ni pogi, habang ang babae ay alumpihit sa mga halinghing habang idinuduyan sa maluwalhating sukdulan.
Maiikli lang ang video clips na iyon.
Mukhang na-impress si Direk sa husay ni baguhang hubadero sa pakikipagharutan kaya hindi niya pinalitan ang bida sa pelikula.
Noong huling linggo ng Pebrero ay lumabas ang hubaderong aktor sa isang sikat na segment ng isang noontime show.
Ang cute-cute ni hubaderong aktor sa TV appearance niya. Kaya ayun, repost kete repost uli ang mga “faney” niya sa kanyang mahahalay na video.
Fiesta bonanza ang mga accla ngayong ikatlong linggo ng Marso dahil may bagong scandalicious video ang hubaderong aktor na kumalat sa Telegram, X (dating Twitter) at Messenger.
Mahaba ang video sa pagkakataong ito, at mas nakakadarang ang mga kaganapan.
Menage a trois! Tatsulok na live show! Dalawang ibon sa isang pugad. Dalawang tandang sa isang inahen.
Balitaktakan ang mga accla, diwata, at halamang dagat sa iba’t ibang anggulo.
Ano’t sa murang edad ay eksperto na ang baguhang hubadero sa tawag ng kamunduhan?
May bagong mapangahas na pelikula ang baguhang hubadero. Malapit na itong mag-streaming.
GORGY RULA
Panis na ang video ng matangkad na Kapamilya young actor kung saan batang Batibot ang peg niya.
Ang isang Kapuso young actor naman ay nababalitang nagpasilip ng “ulo ng mga nagbabagang balita” sa isang naughty video.
Mabibitin lang doon ang mga divaklong at judidang.
At least, itong baguhang hubadero na nakipag-threesome ay may bagong movie project.
Samantalang iyong isa pang young actor na pinagpiyestahan ang sex video bago ipalabas ang movie niya na entry sa 1st Summer MMFF noong Abril 2023 ay neither here nor there na ang career.
Read: Pogi at matangkad na young actor, may kumakalat na video scandal
NOEL FERRER
Grabe, todo na ba ito? Huling hirit bago mag-Mahal Na Araw?
Summer na nga talaga at marami na ang nadadarang!!!
Sana’y maging blessed at maligaya at safe tayo ngayong mga panahong ito. (Sabay walling effect)
“Ang dumi-dumi ko!” Hahaha!!!
Related Stories:
- Female broadcaster, blinock ni male broadcaster sa social media
- Dating aktres at high-profile husband, napawalang-bisa na ang kasal
- Aktor at aktres na magkasama sa isang programa, kumpirmadong may relasyon
- Aktres, natuklasang may kinakasamang babae ang lalaking pinakasalan niya
- Dakilang aktor na hiwalay na sa magandang aktres, may bago nang kasintahan
- Choosy actress, umatras sa pelikula nang malamang wala na sa cast ang isang beteranang aktres
