PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sikat na artista, clueless sa kabulastugan ng dyowang aktor

Dyowang aktor ng sikat na artista, madalas magpalit ng driver.
by PEP Troika
Published Mar 22, 2024
Blind item about famous star and actor boyfriend
ILLUSTRATION: Igi Talao

JERRY OLEA

Nagbubulag-bulagan ba ang sikat ng artista sa mga red flag sa dyowa niyang makisig na aktor?

Nagtatanga-tangahan ba siya sa ngalan ng pag-ibig na wagas?

O sadyang magaling magkubli ng kabulastugan ang makisig na aktor kaya hindi siya nabubuking ng sikat na artista?

Ipinagsisigawan ni sikat na artista sa publiko tuwi-tuwina ang pagmamahal niya sa makisig na aktor, na merong naanakan sa lalawigan bago pa man naging sila.

Buo ang tiwala ni sikat na artista at hinahayaan itong dalawin ang anak sa probinsiya. Nananalig si sikat na artista na hindi titikim ng ibang putahe ang kanyang irog.

Si sikat na artista ang nagpapasuweldo sa driver ni makisig na aktor. Ang driver ay tagabantay na rin.

Pero ano ba’t nagpapalit lagi ng bantay o driver si makisig na aktor.

Hindi kasi natatagalan ng driver ang ugali ng makisig na aktor kapag may amats na ito. Over-explosive ang expletives. Palanggana kaserola!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May bawal na bisyo si makisig na aktor, at hindi iyon maisumbong ng mga driver sa jowariwaf nitong sikat na artista!

NOEL FERRER

Bakit ganoon? Alam mo, kahit ano pang tago natin sa katotohanan, lalabas at lalabas din iyan.

Magpapalit-palit man ng bantay, o magbulag-bulagan man, ang final test ay ito: ano ang mas matatag, ang pagmamahalan ba o ang naturalesa at katotohanan?

We hope for the best! Aabangan natin iyan!

GORGY RULA

Sa isang mahalagang event ng isang matalik na kaibigan, nagulat daw ang grupo nang biglang umalis ang magdyowa at hindi man lang kumain sa handaan.

Kasi naman, na-sight daw ni makisig na aktor doon sa event ang dating drivam na nagmamaneho na pala sa isang kaibigang aktor.

Nasyokot si makisig na aktor na baka magkita doon si dyowa at si drivam, magkukuwento na drivam sa mga ginagawa niya.

Ang galing daw kasing gumawa ng kadramahan si makisig na aktor na kaagad namang pinapaniwalaan ng dyowa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero matalino si dyowang sikat na artista, darating ang araw na malalaman at malalaman din niya iyan, at mapagtatanto niyang hindi na ito makakatulong sa kanilang relasyon.

Naku! Baka tumama ang sinasabi ng isang gererang showbiz mudrakel na hindi magtatagal, sa hiwalayan din ang ending ng kanilang relasyon.

Kung anuman ang kahihinatnan nito, ang mahalaga ay naging masaya sila, lalo na si sikat na artista na hindi ikinakaila ang pagmamahal sa kanya ni makisig na aktor.

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results