PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiray Celis, Kirst Viray in My Guardian Alien

Kiray Celis at Kirst Viray, walang awkwardness sa pagsasama nila sa teleserye.
by PEP Troika
Published Mar 23, 2024
kiray celis kirst viray my guardian angel
Kiray Celis on working with Kirst Viray despite being linked to each other in the past: "Wala naman pong awkwardness, kasi work po yun. Saka super close sila ng boyfriend ko in real life. In fact, halos every week magkalaro sila sa basketball.”
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram

GORGY RULA

Isa sa naaliw kami sa cast ng bagong GMA-7 fantasy-drama na My Guardian Alien ay ang partisipasyon nina Kiray Celis at Kirst Viray.

Nakakatuwa pa rin talaga si Kiray na pinaglalaruan nila nang rumampa siya sa media conference ng My Guardian Alien sa Luxent Hotel nung Huwebes, Marso 21, 2024.

Naalala naming na-link sina Kiray at Kirst, pero pareho nilang nilinaw na wala talagang namagitan sa kanila.

Related Stories:

Natuwa ang dalawa nang malamang magkasama sila sa My Guardian Alien at madalas nga raw na sila ang magkasama sa eksena.

Kuwento ni Kirst, “Magkasama po kami ilang beses sa eksena. And comfortable naman ako kaeksena siya kahit lagi niya ako inaasar minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya din nagtuturo sa akin paano ang tamang pag-arte, kaya malaking tulong sa akin yun. Kaya na-excite ako nung nakaka-work ko na siya sa My Guardian Alien.”

Hindi naman daw sila nakaramdam ng pagkailang nang magkita sila sa set.

Natatawang sabi ni Kiray, “Halos magkakaeksena kami ni Kirst. Wala naman pong awkwardness, kasi work po yun.

“Saka super close sila ng boyfriend ko in real life. In fact, halos every week magkalaro sila sa basketball.”

Sa April 1 na magsisimulang umere sa GMA-7 ang My Guardian Alien, na bale pagbabalik-drama series ni Marian Rivera.

Kasama rin sa cast sina Gabby Concepcion, Max Collins, Gabby Eigenmann, Marissa Delgado, at marami pa. At si Zig Dulay ang director.

Read: Veteran actress Marissa Delgado, nakaramdam ng takot sa unang pagsasama nila ni Marian Rivera sa teleserye

NOEL FERRER

Ang ganda ni Kiray!

May boyfriend na nagpapaligaya sa kanya.

May regular show at trabaho at may presence sa social media.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At may isang piging modelong nali-link din sa kanya.

Ibang klase ang alindog ni Kiray! Ang ganda at ang saya lang niya!

JERRY OLEA

May sariling karisma si Kiray na kanyang-kanya.

Nawa’y tumatak sa televiewers ang pagsasanib na itong muli ng KirKir tandem nila ni Kirst.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiray Celis on working with Kirst Viray despite being linked to each other in the past: "Wala naman pong awkwardness, kasi work po yun. Saka super close sila ng boyfriend ko in real life. In fact, halos every week magkalaro sila sa basketball.”
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results