GORGY RULA
As of Monday, March 25, 2024, umabot na sa 12 million views sa Facebook ang isa sa mga nakakaaliw na tagpo sa Family Feud nung Biyernes, March 22.
Huling araw iyon ng second anniversary ng game show ni Dingdong Dantes.
Read: Will Dingdong Dantes allow daughter Zia to play on Family Feud?
Naglaro ang Team Sparkle 10 members na sina Rabiya Mateo, Faith da Silva, Lianne Valentin, at Ashley Ortega.

(From left) Ashley Ortega, Lianne Valentin, Faith Da Silva, and Rabiya Mateo
Kalaban nila ang Walang Tulugan reunion nina Ken Chan, Buboy Villar, Yasser Marta at Jak Roberto.

Sa tanong ni Dingdong na, “Bukod sa shampoo’t sabon, ano ang gamit pa sa panligo?”
Ang bilis ng sagot ni Faith na “Kamay! Di ba? Ang hirap maghugas kung paa ang gamit mo!”
Ang daming nag-react sa sagot na yun ni Faith.
So far, itong episode ang mataas na rating sa kanilang week-long anniversary celebration. Naka-9.1% ito.
Excited ngayon ang mga taga-Family Feud sa mga susunod na episode, lalo na ang paglalaro ng hosts ng It’s Showtime.
Maglalaban ang teams nina Vice Ganda at Anne Curtis. Sobrang riot daw ang okrayan at bardagulan ng dalawang teams.
Ang saya raw ng dautan ni Amy Perez na nasa team ni Vice Ganda, at ni Ogie Alcasid na kay Anne Curtis naman.
Sa April 8 ito mapapanood pagkatapos ng pagsisimula ng It’s Showtime sa GMA-7 sa April 6.
Read: Vice Ganda to celebrate birthday on It’s Showtime debut on GMA-7
Mukhang inaabangan na nga itong pagpasok ng It’s Showtime sa GMA-7.
Lalong tumaas ang rating ng naturang noontime show at natalo nito ang Eat Bulaga! nung nakaraang Sabado, March 23.
Parang pinagtulungan ng It’s Showtime at ng Lunchtime Movie Hits ang Eat Bulaga! sa TV5.
Noong Biyernes, March 22, ay nakapagtala ng 4.2% ang Eat Bulaga!, pero dumikit na ang Lunchtime Movie Hits na naka-4%, at ang It’s Showtime ay naka-3.8%.
Pero nung Sabado, March 23, nanguna na ang It’s Showtime na naka-4.4%, at ang Eat Bulaga! ay 4.2%. Ang Lunchtime Movie Hits naman ay 4.1%.
Nitong March 25, Lunes Santos, ay The Amazing Praybeyt Benjamin ni Vice ang handog ng Lunchtime Movie Hits.
Tingnan natin sa April 6 na nasa GMA-7 at GTV na ang It’s Showtime. Malaking challenge ito sa Eat Bulaga! na sa TV5 lang mapapanood.
NOEL FERRER
Umaariba pa rin ang mga afternoon drama ng GMA-7 na pinangungunahan ng Abot-Kamay Na Pangarap. Naka-11% ito nung Biyernes, March 22.
Sumunod ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na 10.1%, at ang Makiling naman ay 8.3%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5%, at ang Yumi’s Cells ay 3.3%.
Nung Sabado, March 23, naka-10% naman ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Ang Tadhana ay 8.1%, at ang Wish Ko Lang ay 6.5%. Ang Pinoy Crime Stories naman ay 6.5%.
Pagdating sa prime time, 7.9% ang 24 Oras Weekend.
Ang TV Patrol Weekend ay 0.9%, at ang Frontline Weekend ay 0.7%.
Ang Jose & Maria’s Bonggang Villa ay 7.8%, at ang Rated Korina ay 3.8%.
Consistent na mataas ang Pepito Manaloto na 10%, at ang The Voice Teens ay 6.1%.
JERRY OLEA
I wonder kung darating ang time na magge-guest si Karylle sa Family Feud.
Matatandaan na noong mag-promote sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng Rewind sa It’s Showtime ay absent noon si Karylle.
Read: Marian Rivera, Dingdong Dantes visit It's Showtime; netizens ask, "asan si Karylle?"
Sa Abril 1 ay mag-uumpisa na ang My Guardian Alien nina Marian at Gabby Concepcion.
E, sa Abril 6 pa naman matutunghayan sa GMA-7 ang It’s Showtime. Kailangan pa bang mag-promote si Marian ng comeback teleserye niya sa It’s Showtime?
At any rate, noong Linggo ng Palaspas, Marso 24 ay 3.5%, ang All-Out Sundays at ang ASAP Natin ‘To ay parehong naka-2.5%.
Sumunod ang GMA Blockbusters na naka-3.7%, at ang Sunday Blockbusters ay 3%.
Ang Regal Studio Presents ay 3.5%. Ang Resibo naman ay 3.6%.
Sa prime time ay 5.6% ang 24 Oras Weekend. Ang TV Patrol Weekend ay 0.7%, at ang Frontline Weekend ay 1.2%.
Sumunod ang Bubble Gang na 8.9%, at ang katapat nitong Tao Po ay 1.4%.
Ang Walang Matigas na Pulis Sa Matinik na Misis ay 9.8%.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 17.3%, at ang katapat na I Can See Your Voice ay 3.3%.
Ang The Boobay and Tekla Show na replay episode pa rin ay 4.8%.
