PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Chiz Escudero, totoong naospital pero hindi dahil sa stroke

Senator Chiz Escudero, spotted na nagpapagupit sa IG LIve ni Heart Evangelista.
by PEP Troika
Published Apr 5, 2024
chiz escudero in white jacket
Senator Chiz Escudero makes a special appearance at wife Heart Evangelista's IG Live Friday morning, April 5, 2024, amid reports that he was hospitalized after suffering from a stroke. Based on the video, the senator is all right.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

GORGY RULA

Halos iisa ang sagot ng ilang napagtungan namin kung kumusta na si Senator Chiz Escudero pagkatapos kumalat ang balitang nasa hospital ito at kesyo nasa ICU.

Ang sagot ng ilang taong malapit sa senador ay nakalabas na ito ng ospital at okay na siya.

Hindi lang kinumpirma sa amin kung ano ang sakit, at kung totoo bang na-stroke ito.

Read: WHAT PEP KNOWS: Senator Chiz Escudero rushed to hospital because of stroke?

Isang taong malapit sa misis ni Senator Chiz na si Heart Evangelista ang napagtanungan ko at pinabulaanan ang ganung balita.

Totoong na-hospitalize daw si Senator Chiz, pero dahil sa regular nitong general check-up. Every year daw niya ito ginagawa, pero medyo matagal itong ginawa sa kanya recently dahil kailangan pa raw magpa-colonoscopy ng senador.

Gusto lang daw nilang tiyakin na okay si Senator Chiz. Nag-iingat ito dahil both sides daw ng pamilya ay merong nagka-cancer.

Ipinaalala sa aming pumanaw sa colon cancer ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuti na lang at okay naman daw ang senador at cleared na ito.

Ayaw lang magpabanggit ng pangalan ang aming reliable source na malapit sa mag-asawa, pero wala raw dapat ipag-alala kay Senator Chiz, at pati na rin kay Heart na nagpa-general check-up na rin.

“Si Ganda [tawag nito kay Heart] naman ay kailangan din niyang magpa-general check-up, two years na kasi niyang hindi nagawa. Sobrang busy,” text ng source sa PEP Troika.

Sa isang kilalang hospital sila na-confine, pero parang sa wellness department daw nito kunsaan lahat ay tsini-check. Pinayuhan daw si Heart na magbawas ng trabaho, at kailangan din niyang magpahinga dahil low blood daw ito.

Ngayong Biyernes ng umaga, Abril 5, ay nag-IG Live si Heart at mukhang okay naman siya. Pinabati pa niya si Senator Chiz na ginugupitan ng buhok.

Sa mga hindi po nakaabot sa live ni Ms. Heart, here po ung latest update ??
byu/nekohymz inHeartEvangelista

JERRY OLEA

Marami rin kasing nag-alala nang mag-IG Live si Heart nung Huwebes ng umaga, April 4, na umiiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpapa-check up na rin daw siya, pero wala siyang binanggit kung ano ang sakit nito.

Ayon sa ilang nakapanood ng IG live ng aktres, sinabi raw ni Heart na huwag gawing palengke ang fashion week.

May kinalaman kaya ito sa intriga sa kanila ni Pia Wurztbach?

Read: Is this Pia Wurtzbach's comeback to Heart Evangelista’s “Don’t Give The Enemy A Seat At Your Table” post?

Pero ang sabi naman ng taong malapit kay Heart, hindi na raw ito iniintindi ng aktres sa dami ng mga ginagawa niya.

Na-delete din daw agad ni Heart ang IG Live niya na yun nung Huwebes ng umaga. Basta, kailangan lang daw niyang mag-focus ngayon sa kanyang kalusugan.

Ang buong akala nila ay magpapahinga muna sa social media si Heart, pero pansamantala lang daw yun dahil kinailangan niyang ma-confine para sa kanyang general check-up.

Ngayon ay okay na raw si Heart at walang dapat ipag-alala.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Heart Evangelista on past arguments with husband Chiz Escudero: "Before, walkout talaga ako."

NOEL FERRER

Sa panahon ngayong napakaraming nagko-complain sa sobrang init, ingat na lang talaga tayo. Iwas-stress at pangalagaan talaga ang katawan natin.

Buti na lang at hindi totoo ang mga naunang hysterical na bali-balita about Senator Chiz.

Sana, ipagdasal na lang natin siya, si Heart, at ang bawat isa, pati na ang ating sarili na sana manatili tayong ligtas at maayos ang kalagayan lagi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Chiz Escudero makes a special appearance at wife Heart Evangelista's IG Live Friday morning, April 5, 2024, amid reports that he was hospitalized after suffering from a stroke. Based on the video, the senator is all right.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results