GORGY RULA
Nalaman na ng mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla ang gender ng ipinagbubuntis ng Kapuso actress, pero sinikreto muna nila.
“Gagawa po muna ako ng gender reveal cake, Tito,” text sa akin ni Yasmien nang kinulit ko kung boy o girl ang ipinagbubuntis niya.
Wala naman daw siyang balak na magpa-gender reveal party. Gusto lang daw niya ito i-surprise sa mga lolo at lola ng bagets.
Kahit ang panganay nilang anak na si Ayesha ay hindi rin daw alam, kahit kulit na raw ito nang kulit.
“Tinago na rin namin kay Ayesha. So, pinalitan namin yung passcode ng cellphone… kasi may duda ako na bubuksan niya, kasi excited po yung bata.
“Pero pinuslit yung cellphone at nahulaan yung bagong passcode, wais e (laugh emoji),” message sa amin ni Yasmien sa messenger.
Isa sa mga araw na ito ay iri-reveal na raw nila ni Rey sa pamilya at ilang close friends.
Mga two weeks na lang daw ay baka manganganak na raw siya, kaya kailangan na raw niyang mamili ng mga gamit.
Basta kakarerin daw niya ang pag-bake ng gender reveal cake, at magpapakitang-gilas siya sa mga natutunan niya sa Pastry and Baking Arts sa Academy of Pastry and Culinary Arts of the Philippines.
JERRY OLEA
Sa totoo lang, mas gusto sana ni Yasmien na sorpresa lang sa kanila kung boy o girl ang iluluwal niya, pero kailangan na raw niyang paghandaan ang mga isusuot nito.
Sinabi na rin daw sa kanya ng kanyang OB Gyne kung ano ang gender nito.
Nae-enjoy pa ni Yasmien yung naghuhulaan silang mga kaibigan.
Meron pa siyang ipinost na ginawa nilang Gender Prediction Tests kasama si Rey at anak nilang si Ayesha.
Kinopya lang daw nila ito sa YouTube, at na-enjoy naman nila.
Ang madalas daw na nakakausap ngayon ni Yasmien ay ang mga kaibigan niyang sina Dianne Medina at Charee Pineda na nagdadalantao na rin.
NOEL FERRER
Bilang paghahanda na rin sa pagdating ng second baby, nagpaturok na si Yasmien ng TDAP o Tetanus, Diphtheria, Pertussis vaccine para proteksyon sa kanyang anak.
Tumataas ngayon ang kaso ng Pertussis sa ating bansa, at ang madalas na tinatamaan ay mga kabataan.
Kaya ngayon pa lang ay nag-iingat na si Yasmien. Ipinost niya sa kanyang social media account nung Biyernes, April 5, 2024, ang pagpapabakuna.
Aniya, “Received my #TDAP vaccine yesterday at #35weeks (heart emoji). Pregnant women should receive a dose of TDAP during each pregnancy, preferably between 27 and 36 weeks of gestation. This helps protect the newborn baby from pertussis. “Thank you Dra. Judy Ann Uy-de Luna. Plus wag po natin kaligtaan na ipabakuna ang mga babies natin ng mga vaccines na kailangan after sila mapanganak para maproptektahan natin sila sa mga sakit… “Sobrang importante to! After giving birth planning also to get flu vaccine kasi grabe ako tamaan ng flu every year at ayokong mahawa siya.” Nananalangin kami sa isang masaya at maluwalhating panganganak, Yasmien!!!
