JERRY OLEA
Pang-anim na lang ang DongYan film na Rewind sa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.
Pero may good news, mga ka-Troikz!
Ang pinaka-top ngayon sa nasabing talaan ay ang 49th MMFF entry nina Eugene Domingo, Pokwang, at Romnick Sarmenta na Becky & Badette!
Noong Abril 4, 2024, Huwebes, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang finggah lickin’ comedy nina Becky, Badette, at ng kanilang Pepe!
Kaboogsh, mga Vilmanians for All Seasons!
Ang susunod na Pinoy movie na mag-i-streaming sa Netflix ay kalahok din sa 49th MMFF, ang historical film nina Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee.
Abril 9, Martes, Araw ng Kagitingan, ang streaming ng nasabing film na para sa ibang kabataan ay "MaJoHa."
Magkakaroon kaya iyon ng viewing sa Majoha Hotel and Restaurant na nasa MacArthur Highway, Urdaneta, Pangasinan?
Kagaya ng Rewind at Becky & Badette, magna-number 1 din kaya sa Netflix ang most awarded film ng MMFF 2023, kung saan may mahalagang papel si Piolo Pascual bilang Padre Pedro Pelaez?
Samantala, sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix ay pa-bottom ang DonBelle series na Can’t Buy Me Love.
At least, nasa Top 10 pa rin!
Hanggang Mayo pa ang nasabing serye nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, plus Maris Racal and Anthony Jennings.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Becky & Badette, Sisu, Knights of the Zodiac, The Wages of Fear, Sniper GRIT, Rewind, The Conjuring: The Devil Made Me Do It, The Last House on the Left, Man in Love, at Sniper Rogue Mission.

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Queen of Tears, Testament: The Story of Moses, 3 Body Problem, Physical 100, Files of the Unexplained, Solo Leveling, Avatar: The Last Airbender, Bad Dinosaurs, Everyone Loves Me, at Can’t Buy Me Love.

NOEL FERRER
Buti na lang at marami pa ring Pinoy na sumusuporta sa Filipino films (lalo pa’t MMFF entries) sa streaming device.
Pero heto na, sana naman kapag festival na, tumulong din tayo na buhayin ang panonood ng sine sa sinehan.
Sa parating na MMFF, 120 days after ng last day ng MMFF—meaning January 7—bago mapalabas sa Netflix at streaming device ang mga entries para ma-maximize naman ang theatrical run at iba pang revenue showings bago mag-online.
GORGY RULA
Halos lahat naman na mga Pinoy films, nagna-number one trending lalo na pag napo-promote.
Magkakatalo rito ay kung gaano ito katagal na manatili sa number one.
Matagal-tagal ding nanguna ang Rewind, pero may mga kasunod pang magagandang pelikula, kaya inaasahan na ang pagbaba nito.
Mas maganda kung nasa top ten ang mga pelikulang entries ng MMFF. Tayo lang naman ang matiyagang nagsusulat ng update sa Netflix, kaya tuluy-tuloy ang pagpo-promote sa kanila.
Sa mga TV shows naman, mukhang hindi na malalaglag sa top ten trending ang Can’t Buy Me Love dahil tumitindi na ang kuwento sa paghahanap ni Caroline (Belle Mariano) ng katotohanan sa pagkamatay ng kanyang ina (Shaina Magdayao).
Naloka ang pamilya Tiu nang pinabuksan muli ni Caroline ang kaso ng pagkamatay ng kanyang ina.
Ang intense ng mga eksena nang magkaharap-harap silang lahat sa kanilang mausuleo.
Magaling sa eksenang iyon sina Agot Isidro, Maris Racal, Kaila Estrada at okey rin si Ruffa Gutierrez.
Pero kaabang-abang din kung magkakaayos na ba si Bingo (Donny Pangilinan) at ang kanyang inang si Annie (Ina Raymundo).
Inilahad na ni Ina sa kanyang anak kung sino sa tingin niya ang pumatay sa ina ni Caroline. Kaya dito pa naka-focus ang kuwento, at wala pa ring nangyayari sa pagmamahalan nina Bingo at Caroline, at pati nina Snoop (Anthony Jennings) at Irene (Maris Racal).
