GORGY RULA:
Napansin namin iyong ipinapasuot ni Pauleen Luna sa tenga ng kanyang anak na si Baby Mochi kapag nasa labas ito.
Read: Baby Mochi nina Vic Sotto at Pauleen Luna, bininyagan na
Sabi ni Pauleen nang tinanong namin siya, earmuffs daw iyun para talaga sa mga bata, para maproteksyunan ang kanilang pandinig.
Noong first airplane flight ni Baby Mochi ay may suot itong earmuffs. Noong first time ring dumalaw ni Baby Mochi sa studio ng Eat Bulaga! ay suot din nito ang earmuffs.
Tulog na tulog ito kahit maingay ang audience, dahil may suot siyang earmuffs.
"Malaki yung nababawas sa noise talaga with the earmuffs. Tingnan mo, super ingay sa studio, sigawan ng sigawan, tulog pa rin siya," text sa akin ni Pauleen.
Kaya tama talaga si JK Labajo nung inilayo niya ang sanggol na bitbit ng nanay nito na nakisiksik sa kanyang free concert.
Nagpahanap pa siya ng earphone para may ipantakip man lang sa tenga ng bata.
"Yes agree, kuya, kasi super sensitive pa ang hearing nila. Di ba nga, when they sleep, konting kaluskos lang, nagigising sila?
"What more pa pag dinala mo sa lugar na may mga loud speaker? Pam-baby talaga yung earmuffs," text uli sa akin ni Pauleen Luna-Sotto.
Read: Pauleen Luna Sotto pinag-isipang mabuti ang pangalan ng second baby para walang magtampo
JERRY OLEA:
Mura lang ba iyung earmuffs na iyun na dapat pala talaga merong ganun ang mga sanggol?
Nagkakahalaga raw iyon ng PHP2,000, ayon kay Pauleen.
Ipinadala ni Pauleen sa PEP Troika ang description nitong earmuffs na pambata.
Nakasaad doon, "Your child’s inner ears may be damaged if he or she is around loud noises for long periods of time. Noise-induced hearing loss is gradual and painless. Once the hearing nerve is destroyed, it is permanent."
Read: Pauleen Luna proud sa mga papuring natatanggap ng anak na si Tali
NOEL FERRER:
Buti na lang at nag-iingat ang lahat lalo na kung bata na ang pinag-uusapan. Good din to see the families supporting Eat Bulaga!. In the end, iyun naman ang nagma-matter.
Sana, magka-dent pa sa ratings ang Eat Bulaga! para everybody happy!!!
